CHAPTER 12 War each other

1.4K 60 0
                                    

AN: Kung puwede lang ipublish ko na lahat ginawa ko na  edit ko pa kasi ng konti. pero salamat pa rin.

=======================================

DUNCAN

Shit! Mura ko sa isipan ko sa dahil sa babaeng 'yon na ang bilis tumakbo. Pinuntahan ko na ang posibleng dinaanan niya pero walang bakas na nagdaan siya doon. Dammn! Where are you? Naiinis kong salita sa isipan ko.

I know it's my fault, but masisi niya ba ako kung makita ko 'yung babae na 'yon na pinagkakatuwaang sumayaw ng mga tarantadong mga lalaki na 'yon? Alam kung set-up 'yung nangyari, ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi magalit dahil sa tuwang-tuwa ang mga gago na 'yon sa pagsasayaw niya. Pero ang mas kinagagalit ko ang makita ko siyang nagsasayaw na animo'y babaeng bayaran.

Kaya kahit alam kung masakit ang sinabi ko hindi ko napigilan, dala ng galit ko. Bakit ba kailangan kung magpaliwanag?

Tssk! Binigyan niya ako ng sakit ng ulo at problema, hanggang sa maalala ko na kinuha ko pala dati number niya ng palihim. At alam kong may cellphone siya dahil bago siya umalis kanina kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag niya.

Now, i try to dial her number, nag-ring naman pero naka-ilang ulit nang nag-riring ayaw naman sagutin. Naiinis na naman ako dahil sa hindi ko malaman kung paano ko siya makukuntak.

Muli akong nag-dial dahil sabi ng operator try youe call later, pero ilang ulit ko ng tinry. Hindi na ako makapaghintay pa, fuck! Bakit hindi niya sinasagot? Ilang ulit ng ring lang ng ring. Hindi ako nagsawa sa pag-dial pero bawat pindot ko sa number halos masira na itong cellphone ko sa inis sa kaka-touch ng husto.

Dammit! Fuck? Fuck! Sabay balibag ko sa phone ko, sa bwesit ko na pero nagulat ako nang may marinig akong nag-salita, napatayo ako sa kinauupuan ko at hinanap ko ang phone ko hangang sa makita ko ito sa may halaman. Napangisi na lang ako dahil sumabit ito sa mga dahon kaya hindi nasira kasi kung hindi durog-durog na 'tong phone ko.

"Hoy! Kung sino ka man na walang magawa sa buhay. Puwede ba maghanap ka ng mapag-titripan mo, ha!" sagot nito sa malakas na boses.

"Hey! Where are you?" narinig kong natigilan siya. Tanging paghinga niya lang ang naririnig ko.

"Sino to?" mayamaya'y tanong niya.

"Bobo ka ba! Ha? Hindi mo ba ako kilala?" sigaw ko sa phone. Napapalingon tuloy 'yung mga taong dumadaan. Nandito kasi ako sa malapit sa kalsada nakaupo iniwan ko kasi ang kotse ko sa pagmamadali na maubutan siya.

Mahabang katahimikan bago ko muling narinig ang boses niya.

"Ako, nasaan ngayon?" ulit niya sa tanong ko. "Hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon." natatawang sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya. "What the-? Bakit hindi mo alam? Are you drank?" salita ko dahil kakaiba ang boses niya.

"Ako nakainom? Hindi ah! Nakainom lang nang konti, nandito ako ngayon at nagpapakalunod sa alak. At nakikipagsayawan sa maraming mga lalaki!" sigaw na salita nito sabay tawa niya.

Napatayo naman ako dahil sa sinabi niya at naikuyom ko ang kamao ko."Sabihin mo kung nasaan ka?" pigil ang boses na tanong ko.

"Fuck you!bDuncan Patterson! Napakasakit mong magsalita, nasaan na ang kunsensya mo? Hindi mo ba iniisip ang mga binibitawan mong salita? Wala kang kasing gago tulad ng mga kumuha sa akin."

Hindi ko pinansin ang ka-dramahan na sinasabi niya, dahil habang nagsasalita siya pinapakinggan ko ang paligid niya kung ano ang puwedeng makapagturo sa akin kung nasaan siya. Hanggang sa may marinig ako na pamilyar sa akin.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now