CHAPTER 7- Demon Duncan

1.6K 82 15
                                    

AN: Masarap lang maalala 'yung panahon na teen tayo, dahil nadoon lahat ang mga unang experience. Lalo na ang ma-inlove ka.

=========================================

DUNCAN

"Hindi na naman tayo nito makaka-graduate sa ginagawa natin," nakasimangot na sabi ni Vincent habang nagbubuklat ng libro.

"Tangina! Vin, para ka namang babae diyan huwag mo isipin 'yun dahil kasama mo naman kaming uulit," tawang-tawa na pang-aasar ni Allen 'kay Vincent.

Binato naman ni Vincent si Allen nang hawak nyang libro na nasalo naman ni Allen, tinawanan lang sila ni Dwane at Jex.

"Jex, tawagan mo nga 'yung mga inutusan ko kung nandoon na sila sa gym," utos ko kay Jex na agad naman nyang ginawa.

"Ok na 'daw pare, nando'n na raw yung tatlo," sagot nito matapos ibaba ang phone niya.

"Tara na!" Aya ko sa kanila at isa-isa na silang nagsi-tayuan sa upuan nila at lumabas na kami para pumunta nang gym.

Pinagplanuhan ko na ito para sa kanya para makaganti si Mazel sa gumawa sa kaniya kanina.

"Duncan! Hndi mo 'to puwedeng gawin sa amin!" Sgaw ni Alexa ang leader nilang tatlo na parehong mga brat at mga bully sa mga transferee.

Dati wala akong pakialam sa mga ginagawa nila pero iba na ngayon dahil si Mazel na ang ginalaw nila.

"Huwag mo akong sigawan! Dahil pumapatol ako sa babae lalo na sa mga katulad niyo. Don't worry Alexa, hindi naman kayo masasaktan ng husto." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Pare sigurado ka ba? Ang gaganda pa naman nila para mapahiya lang dito, type ko pa naman si Alexa," malagkit pa ang pagkakatingin dito ni Dwane 'kay Alexa habang nagsasalita.

"Napakahilig mo talaga sa babae Dwane, napaghahalataan ka," naiiling pang sabi ni Vincent 'kay Dwane.

"Excited na ako sa mangyayari ano bang gagawin natin sa kanila, Duncan?" tanong naman ni Allen.

"Hindi tayo, ang tanong sino ang gagawa," makahulugan na ngiting sabi ko. Nagtataka naman ang rumehistro sa kanilang mga mukha.

"Ayos a! Mukhang maganda 'to! May palabas palang mangyayari ngayon. Kung gano'n pala sino naman ang gagawa? Kilala ba namin?" makulit na tanong ni Allen.

Ngumiti lang ako at hindi ko siya sinagot dahil malalaman nila pagdating ng taong tinutukoy ko.

******

Naasar ako dahil kung tingnan ako ni Mazel ay ganon na lang pati na rin ang mga kaibigan ko at mas lalo akong naaasar dahil nag-aalala siya para sa panget na si, Paulo.

"Wohoo! Ang tagal naman niyan! Naiinip na kami dito," sigaw ng mga lalaki rito na malapit sa amin.

"Oh my! For the first time ay mangyayari ito sa mga señiorita ang malas nila talaga!"

"Oo nga kaya hindi ko 'to mapapalagpas. Actually naka-ready na nga ang video recorder ko."

Napatingin ako sa mga studyante na halos lahat 'ay may hawak mga cellphone at nakahanda ng makakuha ng magandang video.

"You, bitch! May araw ka rin sa akin!" naglalabasan ang mga litid na sigaw ni Alexa 'kay Mazel.

"Makaganti ka man sa amin wala pa ring magbabago. Akala mo sisikat ka na rito? Pwes! Ito ang tatandaan mo! Magiging impyerno ang buhay mo dito!" nanggagalaiting sigaw ni, Evonne.

"Tatayo ka lang ba diyan o sisirain ko na ang pagmumukha ng lalaki na 'to?" malakas ang boses na sabi ko seryosong sabi ko dahil nakatayo lang siya.

Napangisi naman ako ng lumapit na siya papunta sa mga cooler at tinitigan ang mga laman no'n. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao niya at dumampot ng isa, pumuwesto sa pinaka-gitna kung saan nandoon ang tatlo.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now