CHAPTER 10 - I miss Him

1.4K 67 11
                                    

Mazel

Isang buwan na ang lumipas simula nang mangyari ang gulo na 'yon at isang buwan ko na rin na hindi nakikita si, Duncan. At inaamin ko na nami-miss ko siya at no'ng nakita ko ang isa sa kaibigan ni Duncannhindi ako nag-alangan na magtanong kung kamusta na siya. Ang sagot naman lang 'ay lumabas na 'raw agad si Duncan sa hospital noong mismong araw na dinalaw daaw nila ito.

So, ibig sabihin nasa bahay lang siya? Kailan kaya siya papasok? Ok lang kaya siya ngayon? Maraming tanong sa isip ko. Nang biglang may tumawag sa akin at nilingon ko agad ito.

"Mazel! Uuwi kana?" Hinihingal na tanong ni, Paulo.

Hinabol pa niya siguro ako dahil ang bilis kong lumabas ng room namin kanina dahil wala nga ako sa sarili habang naglalakad.

"Oh, ikaw pala Paulo, bakit ba tumatakbo ka pa? Sana 'di muna ako hinabol napagod ka pa tuloy," nag-aalala kong sabi sa kanya dahil halata sa kaniyang mukha ang pagod dahil sa butil-butil na pawis nito sa noo at leeg.

"aa, kasi hinahanap talaga kita at mabuti na tanawan kita kaya tumakbo ako para marinig mo ang pagtawag ko." Habol ang hiningang pagpapatuloy nito.

"Hays, ikaw talaga," natatawa kong sambit dito na kinangiti niya rin.

"Ayos lang bang sabay tayong umuwi ngayon? Pero ayos lang kung may lakad ka," nahihiya pang sabi ni Paulo sa akin.

Napatitig ako 'kay Paulobhindi naman pala siya panget talaga. Pinapanget lang siya nang ayos niya dahil sa buhok niya na parang bunot talaga niyang buhok at pangalawang beses ko na itong napupuna bugla na lang siyang tumututok sa mata ko na kinabigla ko.

"aa, hindi! Ano pala sige sabay na tayo para may kausap na rin ako habang naglalakad,"  nakagiti kong ani sa kanya na biglang nailang.

"May problema ka ba Mazel?" Mayamaya'y tanong niya habang magkasabay kaming naglalakad palabas nang school.

"Walabayos lang ako," pagkakaila ko sa kanya.

"Nami-miss mo na ba siya?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Paulo kaya napatigil ako sa paglalakad ko at tiningnan siya.

"Ano ka ba? At sino naman ang nami-miss ko?" Simpleng iwas ko ng tingin at sa ibang direksyon ako tumingin.

Ngunit hindi ko inaasahan na sa pag-iwas ko ng tingin 'ay ang bumungad naman sa akin ang nagbabagang mata ni Duncan at 'yung taong gustong-gusto ko ng makita.

Teka? Ba't nandito siya? At bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa akin. Tapos mamula-mula pa ang mata niya, nakainom siguro siya.

Pareho kaming nakatingin sa iisang direksyon ni Paulo, doon sa kanya at pati na rin ang iba pa niyang mga kaibigan. Mga nakatambay kasi sila sa labas at kanya-kanyang nakaupo sa tag-iisang motor nila.

"Tara na Paulo," aya ko sa kanya kasi parang hindi ko kayang makipagtinginan 'kay Duncan, kasi ang sama ng pagkakatitig niya sakin o 'kay Paulo? Bakit na naman kaya ano na naman ang problema niya? Bulong ko sa isipan ko.

"Basta dire-diretso lang tayong lumakad Paulo at huwag na huwag kang lilingon," mahinang sabi ko 'kay Paulo na naintindihan naman niya.

Narinig ko na lang habang mabilis na naglalakad kami ni Paulo narinig ko ang napakalakas na paghaharurot ng motor sa likuran namin. Kahit hindi ako tumingin alam kong si Duncan 'to. Hanggang sa umikot paharap sa amin ni Paulo ang motor ni Duncan at hinarangan niya kami.

Napaatras kami pareho ni Paulo sa takot na mahagip kami nang motor. Nakahinto na siya ngayon sa tapat namin at mas lalo pang dumilim ang mukha niya pagkakita sa kamay ko na nakakapit sa braso ni Paulo at marahan ko itong tinanggal.

"Saan mo siya dadalhin?" Seryosong tanong ni Duncan na nakatingin 'kay Paulo.

"Magsasabay lang kaming umuwi," alanganing sagot ko kahit pa alam ko naman na hindi ako ang tinatanong niya.

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" Mariing pagkakasabi niya.

Grabe, wala na bang magandang salita na lalabas sa bibig niya? Kasi lagi akong supal-pal sa kanya kaya nabu-buwesit talaga ako sa kanya sa isip-isip ko.

"Ano hindi ka sasagot?" Sigaw ni Duncan 'kay Paulo nagulat naman si Paulo dahil napaangat ang balikat niya.

"T-ta-tama si Mazel, sabay lang talaga kaming uuw," nauutal pang sagot ni Paulo.

Biglang bumaba si Duncan sa motor niya at lumapit sa kinatatayuan namin ni, Paulo. Pati ang lakad niya mayabang na maangas pa bigla niya na lang ako hinawakan sa kamay at hinatak palapit sa kanya muntikan na ako masub-sob sa dibdib niya dahil sa sobrang lakas ng pagkakahatak niya sa akin.

"Hoy!" Duro nya sa nakayukong si Paulo. "Ito ang tatandaan mo ito na ang huling araw na hahawak ka 'kay Mazel at makikipag-usap sa kan'ya dahil kapag hindi ka sumunod alam mo na ang manggyayari sa'yo," pagbabanta ni Duncan dito at tiningnan niya ng masama si Paulo.

Pahatak na nilayo niya ako 'kay Paulo. Hindi na ako nagreklamo
kasi ayokong may gawin na naman siya kay Paulo. Nilingon ko pa si Paulo at nakita ko na pilit na tumango siya sa akin tiningnan ko lang siya na may look na pasensiya na.

Sumakay siya sa motor niya at inabot sa akin 'yung isang helmet.

"Hindi ako sasakay diyan," mahinang sabi ko.

"Ano?" Tanong niya.

"Ang sabi ko hindi ako sa sakay diyan sa motor mo," nilakasan ko nang konti para marinig n'ya.

Kunot ang noo na tiningnan niya ako at nakipagtitigan rin ako sa kanya dahil hindi ko na naman alam kung ano ang plano niya.

"Hindi ako sanay sumakay diyan at isa pa takaw disgrasya 'yan sabi ng papa ko," sagot ko na lang dahil alam kong maiinis na naman 'to.

"Tss! Wala ka bang tiwala sa akin?"
salubong ang kilay na sabi niya.

"Oo." walang alinlangang na sagot ko.

"Matapos ang lahat? Wala kaparing tiwala?"

Matapos niyang bitawan ang salita na 'yan bigla na lang niyang pinaandar ang motor niya ng sobrang bilis at akala mo nakikipagkarera. Alikabok ang naiwan sa mukha ko.

Tulala ako sa sinabi ni Duncan, bigla ko kasi naalala 'yung nangyari sa amin na binigay niya ang sarili niya para sa akin. Now, nagsisi ako sa sinabi ko sa kanya at wala sa sariling naglakad ako.

Lakad lang ako ng lakad habang pumapatak ang luha ko ng biglang may tumigil na pulang kotse sa harapan ko. Agad naman akong napahinto sa paglakad at napatingin sa kotse na huminto. Pinunasan ko pa ang luha ko dahil sa pag-iyak.

Bumukas ang salamin ng bintana nito at sumungaw ang isang lalaki na hindi ko kilala. Sa itsura pa lang niya mukhang gangster na.

"Ikaw si Mazel, right?" Tanong niya.

"Oo bakit?" Sagot ko naman.

"Sakay na," aya niya

"Hindi naman kita kilala bakit ako sasakay diyan?" Medyo kinabahan ako kaya napaatras ako.

"Kaya pala type ka no'n ang cute mo pala," nakangiting sabi niya.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil parang may kilala siya na hindi ko alam.

"Tara na, pinasusundo ka sa akin ni, Duncan. Don't worry baby kaibigan ako ni, DC."

Sa sinabi naman nito na kaibigan niya si Duncan, nawala ang pangamba ko. Napawi ang takot ko at sa kagustuhan ko na rin na makapag-sorry 'kay Duncan, kaya sumama ako sa kaniya na wala ng inisip na kahit na ano.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now