CHAPTER 22

1.1K 45 9
                                    

AN: Pasensya na po late ang chapter na ito, tagal ang edit eh. pero salamat sa mga nag-aabang, enjoy reading this chapter.

=======================================

DUNCAN

Naubos na namin ang isang galon at 'yung natitira na kalahating galon pa. Medyo nag-iinit at namanhid na ang katawan ko, si Allen namumula na ganyan siya kapag lasing na. Tawa nang tawa 'yan at lalong tumitindi ang kakulitan niyan.

Si Vincent naman tahimik lang habang si Jex, nakikipag usap kila Allen at sa papa ni, Mazel. Si Dwane naman may ka-text sa phone niya baka isa sa mga babae na naman niya.

"Teka ipapakuha ko lang 'yung isa pang galon, para maganda ang jok natin. 'Nak, pakidala mo nga 'yung natitira pang tuba diyan." sigaw nang papa ni Mazel.

"Pa, wala na 'yan na na lang ang natitira halos dalawang galon na nga naubos niyo."

Napatingin naman ako kay Mazel, kasi parang lalo siyang gumanda kahit simpleng pambahay lang suot nito at ang lakas ng dating niya ngayon sa akin.

"Sige na anak kaya pa oh! Ang sarap kainuman nitong mga kaklase mo eh, hik!"

Ka-kamot kamot naman si Mazel at tumalikod na napapangiti tuloy ako sa itsura niya.

"Wohoo! Napapangiti, ayos ah."

Ngisi ni Jex sa'kin hindi ko na lang siya pinansin. Nakita pala niya ang pagngiti ko. Naubos na namin ang pangalawang galon at nakaramdam na ako ng tama pero kaya pa naman. Si Vincent, napapapikit na si Allen at Jex nag sisimula nang mangulit.

"Oh, kayo na tay. Huwag niyong sabihin tulog na kayo?" tanong ni Allen sa na nakayuko na papa ni Wendy.

"Ako?" Biglang angat nang ulo niya. "Nagdarasal lang ako," ngiting palusot niya kahit pa kita namin na tulog na siya.

"Palusot kayo tay ah. Ilan taon na po ba kayo?" Tanong ni Dwane dito matapos lagukin ang alak.

"I- i m Alredi 49 yers old." sagot nito at naka-english pa kahit hindi maganda ang pagkaka-pronounce. Natatawa naman ang dalawa si Allen at Jex.

"Ow, really?" sagot naman ni Allen na nakangisi. Mukhang tuwang-tuwa sila sa papa ni Mazel.

"Y-yeh *hik* "

Nakangising sagot nito at halatang lasing na dahil sa pumipikit na ang mata nito. Kahit ako parang babaliktad na sikmura ko, busog pa naman ako kanina dahil ang dami kong kinain.

"Magaling b- ba ka-yo sa jok ha?" Maya'y tanong nito kila Allen at Jex.

"Kami pa?" Mayabang na sagot ni Allen. "Mauna kayo tay susundan ko kayo. " mayabang na sagot ni Allen.

"Naku! Wala kayo sa jok ko, sige bigyan kita sampol" salita ng papa ni Wendy na napapapikit na.

"Sige tay." si Allen at Jex

"Anong pangalan mo?" Tukoy niya 'kay Allen.

"Allen cute tay. " mabilis na sagot ni Allen na tatawa-tawa pa.

"Oh, s-shige Al-len cute ba kamo?"

Tumango naman si Allen, luko talaga nilagyan pa ng cute naiiling nalang ako sa mga pinag-uusapan nila pero kahit paano natutuwa ako.

"Balita ko mahusay ka 'daw sa math?" Panimula nito.

"Ako?" Turo ni Allen sa sarili niya. "Hindi naman gaano," pahamble pa na sagot ni Allen.

"Ok, testingan ko ikaw. " muling patuloy nito. "If i gib yor mother a five apple, den i gib ten apple for yor father. How many apple i gib?" Matapos sabihin nito sa english na hindi ko malaman nakangiting tiningnan nito si Allen.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now