CHAPTER 24

1.2K 53 2
                                    

AN: Pasensya na po at matagal ang update, pero sana huwag kayong mainip. Salamat pa rin po sa lahat ng patuloy na nagaabang. 

========================================

DUNCAN

Isang hindi inaasahan na mangyayar...

Nalalapit na ang pagtatapos. Happy ending nga ba O' mapupuno ng iyakan at lungkot?

May magbubuwis ba ng buhay alang alang sa minamahal o' para sa kaibigan?

Abangan ang mga sikretong mabubunyag...

Matapos ang masayang araw namin na magkakasama balik school na naman kami at hindi na ako makapaghintay na makita siyang muli si, Mazel. Sambit ng isipan ko habang nagda-drive papasok sa loob ng campus.

Kahit paano lumuwag na ang bigat sa dibdib ko, dahil bago ang pagpunta ko sa bahay nila, Mazel. May ginawa kami ng mga tropa ko at isang napakalaking tinik sa dibdib ko ang mapatawan ng parusa ang taong pumatay sa daddy ko.

Flashback...

"Pare anong plano mo pagkatapos nito?"

Napalingon naman ako sa tanong ni Dwane. Nakasandal siya sa semento na pader nasa isang lumang gusali kami ngayon, binayaran ko ang may-ari nito upang dito ko maisagawa ang pagbibigay hustisya sa pagkamatay ng Daddy ko.

"Hindi ko pa alam, siguro aasikasuhin ko ang naiwan na kayamanan ni Daddy." walang ganang sagot ko sa kanya.

Hindi naman na sumagot si Dwane. Tahimik na kami ngayon habang may hinihintay ng makarinig kami nang mga yabag ng paa. Siguro ang mga tauhan ko na 'yon at nag-tayuan naman sila Allen upang salubungin sila.

Ako naman nakaupo lang at naghihintay sa pagpasok nila. Sa wakas maiigaganti ko na rin ang Daddy ko, tangina! Kung nalaman ko lang agad na siya na 'yon doon palang sana pinatay ko na siya. Gigil na wika ko sa isipan ko at muling nagbalik sa alaala ko kung paano ko nalaman kung sino ang pumatay sa papa ko.

Matapos kong ipa-imbestigahan sa tao ko itong matandang lalaki na naka-alitan ko sa Jigsaw Bar, naghinala na ako sa kanya dahil unang tingin ko palang sa kanya noon at narinig ko na ang boses niya. May kung anong alaala ang patuloy na nagbabalik sa isipan ko, kaya naman pinasubaybayan ko ito sa mga tao ni daddy na ngayon 'ay tauhan ko na.

Pinahanap ko siya kung saan-saan medyo nahirapan ang tao ko dahil mahigpit ang mga bantay niya at matinik magtago. Pero isang araw  nakita ko sa litrato ang buong katauhan niya at may napansin ako na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Sir, ito na po ang mga kuha kong litrato at ito na ang pinakamalapit na kuha niya. Kasi nahirapan kaming makalapit dahil marami siyang bantay."

Paliwanag nito, tiningnan ko lang ang nasabing larawan na nagkakalat sa ibabaw ng lamesa ko. Hanggang sa may nakatawag pansin sa aking mata habang may hawak itong tabako na nakasalpak sa bibig niya, ang kanang kamay niya pinakatitigan ko, dinampot ko ito agad at pinakatitigan ng husto.

Wala ng kailangan pang patunay dahil sigurado na ako na siya na yon, dahil sa mayroon siyang nakausli na balat sa hinlalaki sa kanang kamay. Dahil ito ang tanda ko dati no'ng bata pa ako, kaya pati ang tono ng pananalita nito hindi ko yon winaglit sa isipan ko, inalala ko ito sa araw-araw hanggang sa paglipas ng panahon. Pati ang mga mata niya naalala ko at ang demonyon ngisi niya tandang-tanda ko, kung paano niya ako tiningnan noon.

Bigla akong nagising sa malalim na pag-iisip at tiningnan ang baril na hawak ko, ngayon abot kamay ko na ang taong naging dahilan ng lahat ng ito. Umayos ako ng upo nang makita kong kinakaladkad na nila Dwane at Jex itong si Napoleon Trinidad. 'Yan ang tunay niyang pangalan, naalaman ko itong pangalan niya dahil sa mga papeles na mga binigay ng mga inutusan ko.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now