CHAPTER 28

1.3K 43 1
                                    

AN: Konti na lang at matatapos na ito sanay nag-enjoy kayo sa bawat chapter ng story nila. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat..

=======================================

MAZEL

Ahh... grabe parang isang taon akong hindi natulog, isang linggo na ang lumipas simula ang hindi inaasahang mga pangyayari. Ngayon 'ay ok naman na ang lahat at ako, sobrang nag-alala si sila mama at papa sa akin dahil sa biglang pagkawala ko, pero ngayon back to normal ulit.

Nalaman ko na namatay na si Paulo, mali pala Paulino Pong Trinidad ang totoo niyang name. Siya ang may kagagawan ng lahat at hindi ko talaga lubos maisip na napakasama niya, as in demonyong baliw siya. Kinaibigan ko pa naman siya 'yon pala naka-plano na ang lahat sa kaniya ito.

Pero ang mas inalala ko at hinanap ko sa paggising ko ay walang iba kung hindi si, Duncan. Akala ko mamatay na siya sobrang nag-iiyak ako sa nalaman kong tinamaan siya sa tagiliran. Mabuti nga at ok rin siya, isang beses ko lang siyang nakita no'ng lalabas na ako ng hospital. Sinilip ko siya no'n kaso tulog siya kaya hinayaan ko na lang dahil masaya na akong makita siyang ok. Hindi ko na siya i-nistorbo nang sa ganon ay makapag-pahinga siya.

Pasukan na naman ulit at sobrang na-miss ko na ang buhay studyante. Pagpasok ko sa loob ng gate nagtaka ako dahil bakit walang tao? Nasaan ang mga studyante at mga guard? Kahit isa wala akong makitang tao dito, Gosh! Baka walang pasok? Teka wala namang sinabi ah?

Bigla akong may naalala sa ganitong eksena, noong nag-sorry sa akin si Dun-can! Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko, dinukot ko agad ito sa loob nang bulsa ng uniform ko.

Unknown number? Sino kaya.

"H-hello?" Sagot ko.

"Mabuti naman at sinagot mo agad,"

Napaisip ako kasi parang kilala ko yung boses na 'to.

"I miss you, Mazel Montero."

Napatakip ako sa bibig ko at nakita ko sa may di kalayuan ang isang lalaki na naglalakad habang nakalagay ang kanang kamay na may hawak na phone sa tenga niya. Habang ang isang kamay naman 'ay nasa bulsa nito.

Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito, may kung anong kiliti sa buong katawan ko habang tinitingnan siya.

Nabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko na magawang magsalita kasi nag-uunahan na ang luha ko sa pagbagsak.

"Umiiyak ka ba? Buhay pa naman ako."

Natawa naman ako sa kanya kasi nakatawa din siya habang nakatingin sa akin ngayon. Huminto na siya sa paglalakad pero konting pagitan na lang at magkalapit na kami.

"Mazel, sana mapatawad mo ako sa lahat." muling salita niya sa phone.

"Bakit sa phone pa tayo nag-uusap eh, maririnig naman kita kahit walang phone." react ko kasi naiilang na ako sa tingin niya.

"Gusto ko ganito kasi malaya kong natitigan ang mukha mo at 'yung makita ko na buo ka."

Napalunok naman ako sa sinabi niya. "Sira ka talaga!" Sabay ngiti ko.

"Kahit buhay ko ang kapalit gagawin ko masiguro ko lang na ligtas ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa isiping hawak ka nila."

Nakikinig lang ako sa kanya, habang pinagmamasdan siya. Ang gwapo-gwapo naman niya ngayon.

"Mazel... I love you... "

Natigilan ako at titig na titig sa mga mata niya dahil lumakad pa siya ulit ng kaunti.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now