CHAPTER 18

1.1K 53 2
                                    

AN: Maraming salamat po ulit. itong story na ito ang unang story na nagawa ko sa dati ko na acct. Medyo malaki na rin ang reads niya pero hinayaan ko na lang. Pero nandiyan naman kayo na laging naghihintay, kaya salamat loves ko kayo.

========================================

Mazel

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko tumayo na ako. Dahil nasa pinto na si Joyce, tapos na kasi ang klase namin sa English. Napansin ko na nagmamadali maunang lumabas si Duncan,  binalewala ko na lang dahil may 30mns kami na break bago ang Science subject namin.

"Mazel! Sabay na ako sa inyo."

Napalingon naman ako si Paulo pala.

"Sino siya, Mazel?" tanong ni Joyce at lumapit ng bahagya na nakangiti siya kay, Paulo.

"Ah, Joyce si Paulo pala. Kaibigan ko, transferee rin siya gaya natin." nakangiting pakilala ko kay Joyce si, Paulo.

"Nice to meet you, Joyce." ngiting sambit ni Paulo. Ngumiti naman si Joyce at siya ang nag-abot ng kamay niya kay, Paulo.

"Mukhang mahiyain ka ah," ngiting sambit ni Joyce, matapos siyang kamayan nito. Nahihiyang napangiti lang ito si, Paulo.

"Tara na labas na tayo." aya ko sa kanila. Paglabas namin ng pinto nakaramdam ako na kailangan kong mag-cr.

"Ah Joyce, Paulo. Punta muna ako sa restroom ah," alanganin na paalam ko sa kanila.

"Sige lang Mazel, aantayin ka namin ni, Paulo." nakangiting sagot ni Joyce at tumango rin si, Paulo.

"Ah, sigurado ba kayo ah. Sandali lang naman 'to, saka diyan lang sa kanto 'yung restroom." paliwanag ko pa.

"Oo naman!" magkasabay na sagot nila na parehong nakangiti.

"Ok, sige bibilisan ko lang." nagmadali na akong pumunta sa cr.

Pagdating ko do'n may nakita pa akong studyante rin na taga-ibang section sila at mga nagme-make up. Tiningnan lang nila ako at binababa ko na ang bag ko at pumasok sa loob dahil ihing-ihi na talaga ako.

Pagkatapos ko lumabas na ako at kinuha ko na agad ang bag ko, nagmamadali na lumabas ako ng c.r hindi ko na rin nakita 'yung kaninang mga studyante dito sa loob.

"Nainip ba kayo?" bati ko sa kanilang dalawa na parehong nakasandal sa pader.

"Hindi ang bilis mo nga eh." sagot ni Joyce.

"Saan kaya tayo tatambay?" mahinang sambi ni, Paulo.

"Sa Gym na lang kaya? Manood nalang tayo doon ng mga naglalaro." suggestion ko sa kanila.

"Sige doon na lang total medyo mahaba break natin." sangayon ni Joyce.

"Tara na!" aya ko sa kanila.

--------

Nagtayuan na kami para pumunta sa huling subject namin ang Science. Dahil nag-bell na, nag-unat pa kami habang naglalakad.

Pagdating naming tatlo dito sa room nakita kong karamihan nang kaklase namin mga nakatayo, parang may hinahanap sila at kasama na doon si Margaux.

"Bakit kaya?" mahinang tanong ni Joyce.

Napansin ko na wala sila Duncan dito, nag-upuan na kaming tatlo sa upuan namin. Pagkuha ko sa bag ko mula sa likod napansin kong medyo nakabukas ito. Baka nakalimutan ko lang isarado ito kanina at binalewala ko na ito.

Wala parin silang tigil sa paghahanap. Hangang sa dumating na ang teacher namin.

"What happend?" tanong ni ma'am, Fiona. Habang inaayos ang suot na salamin nito.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now