CHAPTER 5- Childhood Sweetheart

1.7K 80 25
                                    

DUNCAN

Nakaalis na siya sa harapan ko pati na 'yung panget na lalakeng kasama niya nawala na rin ang mga studyante dito dahil tapos na ang palabas. Pero ako ito tulala pa rin kung hindi pa ako tinapik ni Allen hindi ako magigising sa malalim na pag-iisip.

"P're ano? Napaano ka papasok pa ba tayo?" Tanong ni, Allen.

"Bilib ako sa babae na 'yon ang tapang lang brod." Pailing-iling pa si Jex.

"Mukhang tinamaan ata itong si DC do'n sa babae tulala e," natatawang ani Allen.

Tiningnan ko na naman siya ng masama at ngumisi bigla.

"DC! Joke lang ikaw naman hindi ka na mabiro." Nakangising lapit sa akin si Allen at minamasa-masahe pa ang balikat ko.

"Alisin mo nga ang kamay mo," hawi ko sa kanya na kitawa niya lang.

"Pare, kilala mo ba 'yun? Kasi parang natigilan ka kanina no'ng makita mo ang nahulog na kwintas na suot ng babae na 'yon," seryoso ang boses  ni, Vincent.

"Tama! Tama ka talaga Vincent! Ang galing mo at naalala mo 'yung kinukwento nIya sa atin tungkol doon sa batang babae na nakilala at naging unang kaibigan niya?"

Bidang kuwento ni Allen at humarap pa sa akin na akala mo 'yung nangangarap sa langit dahil nakatingala siya sa taas.

"Siya na nga ba talaga 'yon, DC?" tanong naman ni Dwane na nakakunot ang noo.

"Alam kong siya na 'yun." napangiti ako bigla ng sabihin ko dahil kanina pa laman ng isip ko yung babae na yon.

Natigilan talaga ako noong makita ko 'yung kwintas at no'ng matitigan ko ng husto sa malapitan 'yung babae. Kahit medyo nagbago na ang itsura niya dahil gumanda na siya kahit paano. Pumuti na rin siya at unat na ang buhok niya samantalang noon akala mo hindi nag-susuklay at hindi nagsa-shampoo.

Nakatitig lang ako sa mata niya at hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata niya na 'yon na puno ng pangarap.

"Woah! Congrast pare! Nagkita na kayo ulit. Kaya lang mukhang bad time ang pagkikita niyo," masayang bulalas ni, Jex.

"Maganda pala siya, sabi mo panget si Mazel? Tama ba name niya?" ani ni Dwane.

"Umandar na naman ang pagiging babaero mo. Ano ka ba walang sulutan Dwane, kasi Chilhood Sweet heart 'yan ni, DC." Singit na naman ni Allen sabay tawa.

Mahinang sinuntok kobsi Allen sa tiyan.

"Gag*! Tara na kahit kailan ang daldal mo." naiiling na sabi ko hindi naman malakas ang pagkaka-suntok ko. Alam naman 'yun ni, Allen.

"Aray ko naman, DC." umaarte niyang hawak sa tiyan na nasaktan.

"Huwag kang umarte baka sa sunod ko na suntok seryosuhin ko na talaga," pagbabanta ko sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad.

"Hindi ayos na pala ako," sagot niya na natatawa.

Tinawanan na lang siya nila Dwane, Vincet at Jex. Ako naman tahimik lang habang naglalakad at kung titingnan normal na studyanate lang kami. Hindi naman kami bully minsan talaga kapag trip kita wala kang magagawa.  Pero iba kami kapag nasa labas kami nang school para kaming mga demonyo na nakakawala sa empyerno.

Dahil nakakapatay kami sa tuwing napapaaway at kapag may binabalikan kaming kalaban. Dahil marami kaming kaaway kapag lumabas na kami.

Kung saan-saan 'din kaming lima nakakarating at bilang lang ang araw ang pinapasok namin dahil kalimitin nasa labas lang kami palagi. Bihira lang rin kami mawalan ng kaaway lalo na ako dahil lapitin ako ng gulo. Mayabang raw kasi ako meron naman akong ipagyayabang kaya anong problema nila?

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now