CHAPTER 13 Handsome visitors

1.3K 73 2
                                    

AN: Salamat sa laging paghihintay, sanay masiyahan kayo sa love story nila at hindi magsawa. Feel the whole story

========================================

Mazel

Paglabas ko sa pinagdalhan sa akin ni Duncan, nasalubong ko ang apat pa niyang kaibigan. Malamang papunta rin ito sa Duncan na demonyo na 'yon. Binati pa ako ng Allen, pero di ko na lang pinansin kasi wala rin ako sa mood.

Nandito na ako ngayon sa bahay namin mabuti at sabado na ngayon. Nagtaka naman ako kasi hindi nagtanong si mama at papa sa akin kung saan ako nagpunta kagabi hinayaan ko na lang. Kasalukuyan akong nakahiga ngayon dahil sa antok pa talaga ako at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa mabilisan na inom kagabi.

Biglang sumagi sa isip ko 'yung sinabi ni Duncan. Ang demonyo imbis na mag-sorry sa'kin dinagdagan pa niya talaga ang mga masasakit na salita niya sa akin. Imagine sabihin ba namang wala raw kurba ang katawan ko kaya hindi daw niya pagnanasahan? Sobra napaka-pintasero talaga niya hanggang ngayon.

Bulag ata 'yung gago na 'yon eh, ang kapal nang mukha. Mag-sorry lang siya 'yung galing sa puso niya talaga at kahit paano mabawasan 'yung sakit na sinabi niya sa akin. Pero wala talaga sadyang ganon na siya, maghapon ako'ng natulog dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Last na talaga ang inom ko ng alak na.

Kinanubukasan linggo..

Maaga akong nagising kasi marami akong lalabhan na mga damit namin, at isa pa tutulong pa ako 'kay mama mamaya sa pagtinda sa labas ng bahay na meryenda na turon.

Matapos ang dalawang oras sa wakas natapos na ako. Nagpapahinga na ako ng matanawan ko si mama, hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga plastik na naglalaman ng mga saging saba. Pumunta kasi siya ng bayan para mamili ng paninda. Agad na sinalubong ko siya para matulungan sa mga bit-bit niya.

"Ma, akina po 'yung iba." salubong ko 'kay mama, dito sa may pintuan namin.

"Ay salamat anak! Nakapaglaba ka na pala." nakingiting sabi ni mama habang inaabot ang dalawang supot.

"Opo ma, tulungan na kitang mag-ayos ng paninda ma para maaga tayong makapagluto. At makapagtinda na rin," nakangiting sagot ko.

"Ganun ba? Wala ka nabang gagawin na iba?" tanong n'ya pa.

"Wala na ma," ngiting sagot ko.

"Siya sige, para matapos agad at nang makabinta tayo kasi kailangan natin nang pambayad ng ilaw." sambit ni mama.

"Ganun po ba, sige ma." tanging naisagot ko lang. Sinimulan na namin magbalot ni mama nang turon, ito parin ang paninda namin at bata pa lang ako ito na ang dagdag hanap buhay ni mama. Nakalakihan ko na ang pagtitinda niya nito at isa pa masarap gumawa mama ko nito.

Halos kalahating oras na akong nagtitinda dito pero kahit isa wala pang lumalapit para bumili. Haay.. Ano ba yan, wala bang bibili diyan? Naiinip kong kausap sa sarili ko habang nakapangalumbaba dito sa harap ng lamesa na naglalaman ng masasarap turon.

May langka kasi ito kaya masarap, saka 'yung langka niluluto ni mama muna sa may asukal. Napapatingin lang ako sa mga dumadaan, nandito lang kasi ako nagtitinda sa tapat ng bahay namin.

"Tssk! Tssk! Nako, walang bibili ng paninda mo kung ganyan ang itsura nang tindera."

Napalingon naman ako biglang nagsalita at nanlaki ang mga mata ko, si Allen 'yung nagsalita at kasama niya 'yung tatlo pa. Mga nakangiti sila sa akin ngayon.

Hala? Bakit sila nandito? Mabuti mukhang di nila kasama 'yung demonyo.

"Anong ginagawa ninyo dito? At paano niyo nalaman bahay ko?" Nalilitong tanong ko sa kanila

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now