CHAPTER 11- Hurting Inside

1.3K 59 2
                                    

AN: Salamat po sa mga sumuporta nito, asahan niyo po na bibilisan ko ang edit ng konti para ma-complete na. Kung may makita po kayo na diyan na iba name pasensya na po kasi pinalitan ko po yung dating mga name ng bida. 😌😍😅

=======================================

Mazel

Kasalukuyan pa rin akong nakasakay dito sa kotse nang kaibigan 'daw ni Duncan. At iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Ah Kuya, malayo pa ba tayo?" mayamaya'y tanong ko sa kanya. Kasi tahimik lang siyang nagmamaneho.

"Malapit na tayo baby." ngiting sagot niya na ngumiti sa salamin sa itaas.

"Teka, ano pala name mo? Kasi ngayon lang kita nakita eh." tanong ko ulit sa kanya pero ngumiti muna siya sa akin bago nagsalita.

"Secret!" sagot niya sabay kindat n'ya sa akin. Nailang naman ako bigla dahil hindi ako sanay na may kumikindat sa akin lalo na kung lalaki. Yumuko nalang ako. At di nagtagal huminto na ang sa sakyan.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan n'ya ako nang pintuan. "Salamat" kiming smabit ko.

Paglabas ko napansin ko agad ang paligid at itong na sa harap ko ngayon. Bar ulit?  sa isip ko. Ano na naman to? Bakit nandito siya.

Ewan ko ba, parang nakaramdam ako ng kaba. At nag-aalangan na akong pumasok sa loob katulad ng pagtataka ko no'ng sinama ako ni Duncan sa bar. Kung bakit kami nakakapasok kahit wala pa naman kami sa tamang edad gano'n rin dito.

"Tara na." aya niya.

Nagulat pa ako at nag-aalangan ako'ng pumasok, pero sa huli sumunod pa rin ako, dahil alam kong nandoon si Duncan sa loob.

Nauna siyang pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob samo't saring amoy ang aking nalanghap. Usok ng sigarilyo at amoy nang alak at pinaghalo-halong pabango na sinabayan pa ng nakabibinging mga tug-tog.

Naagaw nang aking atensyon ang bawat paligid kasi may kanya-kanyang magkapareha dito. Gosh! Naglalampungan sila at halos lumantad na ang dibdib ng mga babae dito at kung maghalikan sila gano'n nalang talaga.

Nakatayo lang ako dito sa harapan ng pinto at hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa.

"Hey, let's go there." tawag pansin nitong lalaki.

Napadako naman ang mga mata ko sa grupo ng mga lalaki at kabilang do'n itong lalaki na kasama ko kanina. Mga apat sila at may tatlong babaeng mga katabi, at kahit lahat sila ma i-itsura nakakatakot pa rin sila kasi lahat may tatoo sa bawat parte ng katawan. May mga hikaw rin sila sa kilay at labi bukod sa tenga. Iba-iba rin ang kulay ng mga kulay nang buhok nila.

"Hey, ba't ba ang tagal mo?" salitang lapit nitong lalaki.

"Nasaan si, Duncan? Akala ko ba nandito siya? Wala naman, nasaan ba siya?" kabadong tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin.

"Ah, si Dunca ba? Baka umalis na, dont worry babalik 'yun mamaya. Baka nainip kasi ang tagal natin dumating." nakangiti at makahulugang ngiti nyang sagot.

"Hindi na, u-uwi nalang ako." sagot ko naman at akmang tatalikod na ako para lumabas na, ng hablutin niya ang braso ko. Napaigik naman ako sa sakit dahil ang higpit nang hawak niya sa'kin.

"Sinabi ko bang umuwi ka? Hangga't hindi kita pinapauwi hindi ka aalis!" sigaw niya at nanlalaki ang mata.

"Bitiwan mo nga ako! Manloloko ka!"  sigaw ko sa kanya at pilit na nagpupumiglas ako.

"Oh! Bro siya na ba 'yan?"

Napatingin naman ako sa nagsalita na may katabaan siyang konti at nakasumbrero na patagilid.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now