CHAPTER 14 Say sorry

1.2K 61 21
                                    

AN: Dinamihan ko na para naman hindi kayo mabitin.  mga nakaabang na draft ko, edit langa talaga ng konti.

========================================

Mazel

Nakauwi na sila Allen, pero ako ito nangingiti pa rin, masaya rin pala sila kasama. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip habang nakahiga dito sa papag na higaan ko.

----------

Pasukan na naman, sana maganda ang araw ko ngayon at sana hindi ko makita si, Duncan. Pero imposible naman kasi magkaklase kami kaya talagang makikita ko pa rin ang pagmumukha niya.

Nakatayo na ako dito sa harap ng entrance ng school, simula nang ikalat ni Duncan na mag boyfriend at girlfriend na kami. Halos karamihan sa mga nambubully sa akin ay ilag na sa akin wala nang nag-aabang para i-bully ako.

Isang malaking kalokohan lang naman 'yon at para lang hindi siya mapahiya. Kasi nga no'ng ginawa ko sa kanila after niya akong pasunurin sa kagustuhan niya sa señiorita.

Pagpasok ko sa loob nagtataka naman ako bakit wala atang tao dito? Lingon ako nang lingon kung saan-saan pero wala talaga, hala bakit kaya? Alangan namang walang pasok lunes na lunes? Naguguluhan ako sa iniisip ko.

Hanggang sa matanawan ko sila Allen, at mga nakangiti sila sa akin bakit naman kaya? Ano na naman ang mga nasa isipan nila. Bulong ko sa isipan ko.

"Oh, sweetheart aga mo ah?" bati agad ni, Dwane.

"Mazel!"

Mapatingin naman ako kay Allen.

"PERA ka ba?"

Kunot ang noo ko sa tanong niya."Huh?" nagtaka naman ako sa tanong niya, At wala sa sariling sagot ko. "Syempre hindi, Bakit ba?" ngumiti mo na si Allen sa akin hanggang sa nagsalita siya.

"Kasi naghihirap ako kapag wala ka."

Hindi ko na-gets ang sinagot niya na dahil lutang talaga ang isip ko.

"Yun oh! Nakabanat ka na naman ng pick-up line." tawang wika ni, Jex.

Saka lang nag-sink sa utak ko na pick-up line pala 'yon, kaya nakaisip rin ako nang pambalik sa kanya. Ngumiti mo na ako kay, Allen.

"Ayos ba Mazel? Tagal ko kayang pinag-isipan 'yon." natatawang sambit ni Allen na pakamot-kamot pa sa batok niya.

"Ako rin may pick-up line sayo." nakangiti kong baling kay, Allen.

"Ikaw rin sweetheart may baon kang pick-up line?" ngising sagot ni, Jex.

Ngumiti naman ako ng nakakaloko.

"Talaga? Sige nga parinig baka naman narinig ko na 'yan sa iba." salita naman ni, Allen.

"Allen, Drugs ka ba?" ngiti ko matapos kong magtanong sa kanya.

"Narinig ko na 'yan, Dahil ba sa nakaka-adik ako?" ngising sagot niya habang nagpapa-cute pa.

"Hindi noh? Dahil nakakasira ka nang buhay ko! Oh tabi na at dadaan ako." nakangiting hinawi ko sila kasi nakaharang sila sa daanan ko.

Tawanan naman sila, si Allen nagkakamot sa ulo niya dahil sa pick-up line.

"Wala ka pala Pare, na isahan ka." pang-aasar ni Jex, sa kanya.

"Mazel!"

Napalingon naman ako bigla sa pagtawag nila.

"Patawarin mo na siya ha, kasi hindi madali sa kanya ang gagawin niya." seryosong sabi ni, Vincent.

Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Bakit kaya niya 'yon nasabi, nasa isip ko pa rin 'yung sinabi ni Vincent habang naglalakad ako. Pagpasok ko sa loob ng room namin mas lalo akong nagtaka.

Bakit wala ding tao dito? At teka diba magkaklase kami, eh saan pupunta 'yung mga 'yon? Umupo na lang ako dito sa pwesto ko. Nasaan na ba talaga ang mga tao dito? Hanggang sa makita kung may pumasok na lalaki at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ba't ganyan siya makatingin sa akin? At teka bakit sinara niya ang pinto, Anong balak naman niya? Bigla akong kinabahan.

"Hoy! Bakit sinurado mo ang pinto?" mahinang sigaw ko sa kanya. Pero hindi man lang nagbago ang itsura niya. Grabe hindi ako kinakabahan dahil sa takot ako kundi dahil kinakabahan ako dahil may munting kiliti akong nararamdaman.

O mas tamang sabihin na, shit! Kinikilig ako paano ba naman kasi oh! Makatingin grabe hindi ko alam kung saan ako iiwas ng tingin. Pakiramdam ko matutunaw na ako sa klase ng titig niya sa akin.

"Puwede ba, huwag mo nga akung tingnan ng ganyan, dahil hindi mo ako makukuha diyan!" kunwarig inis na salita ko. Shit! para akong may kung ano sa pwet ko at hindi ako mapakali. Wala ba siyang balak na magsalita?

"Tss. Suwerte mo nga ikaw lang ang tiningnan ko ng ganyan." mayabang na sagot niya.

"Ano bang meron at wala 'yung mga studyante dito at pati teacher wala rin, at ultimo mga janitor at guard wala rin?" sunod-sunod na tanong ko kasi kanina pa talaga ako nagtataka.

"Pinalabas ko silang lahat."

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. "P-pe-pero bakit naman?" Kandautal pa ako sa sinabi ko. Eh, kasi naman lakas ng trip niya sobra. biroin mo 'yon pinalabas njya ang lahat ng mga tao dito ngayon?

"Ah.. So, ok lalabas na rin ako." sagot ko na lang at nagmadali na akong tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

"I'm sorry."

Natigilan ako sa balak na pagbukas ko sa pinto dahil sa narinig ko. OMO! Totoo ba 'yung narinig ko? Sigaw ng isip ko, gusto ko ng humarap kaya lang hindi ko magawa kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ba ako nabibingi lang? Nag-sorry ba talaga siya o baka naman nabibingi lang ako. Pero iba itong naramdaman ko ngayon, nanatili akong nakatalikod sa kanya.

"Anong sabi mo?" ulit kung tanong habang nakatalikod pa rin ako sa kanya, syempre gusto ko lang marinig ulit para sigurado. Baka mamaya eh, mali ako ng rinig ko.

"Bingi kaba? Hindi ko na uulitin!" sigaw niya kaya napaharap na ako sa kanya.

"Bakit ba nakasigaw ka na naman? Ang tupakin mo talaga!" sigaw ko rin sa kanya sabay talikod ko at balak ko nang buksan ang pinto nang hatakin nya ako at kabigin payakap sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa biglang pagyakap niya sa akin. Naalala ko no'ng unang niyakap ko siya bata pa kami noon.

"Ok, I'm really sorry." sabi niya habang nakayakap.

Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko. God! Magkayakap talaga kami? Grabe mas dumoble ang tibok ng puso ko, kasi ang sarap pala ng pakiramdam kapag niyakap ka.

At ang bango bango niya naman. Nawala lahat ng galit ko sa kanya. Totoo pala 'yung sinabi na kahit anong galit mo basta mag-sorry at 'yakapin ka mawawala pala talaga.

"Sorry for the stupid words na mga sinabi ko, sana hindi ko sinabi 'yon sa'yo. Please! I'm so sorry."

Hindi na ako sumagot tumango lang ako sa kanya at hinimas niya ang buhok ko.

"Bakit ba kailangan mo pa sila palabasin lahat?" Baka pwede kung malaman?" tanong ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Kasi baka matuwa na ako.

"Huwag mo nang alamin." sagot niya at binuksan niya na ang pinto upang lumabas.

Lalayasan niya na ako agad? Bakit kaya ayaw niyang sabihin sa akin? Problema no'n? Muli akong umupo at para akong tanga na napapangiti na lang habang iniisip ang nangyari. Parang hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang katawan ni Duncan sa akin. Haay... Ang sarap pala sa pakiramdam.

----------

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now