CHAPTER 19

1.1K 47 1
                                    

AN: Salamat po sa lahat ulit ng mga naghihintay diyan, sana'y hindi kayo magsawang lahat. Love you all guys!

=========================================

DUNCAN

Matapos ang mangyaring away sa pagitan nila Mazel at Margaux, 'ay umalis ako agad ng school. Pumunta ako dito sa tambayan ang Jigsaw bar. Isa sa kasosyo ng Daddy ko ang may-ari dito.

Pinarada ko na ang kotse ko at paglabas ko sasakyan ko saktong nagdatingan rin sila, Dwane. Tssk! Sinundan pa talaga nila ako. Hindi ko na sila hinintay na makababa nang kanya-kanya nilang sasakyan, dumiretso na ako agad papasok sa loob ng Bar.

"Good evening Sir!"

Bati nang guard at mga bouncer dito kilala na kasi nila ako. Nagtuloy-tuloy lang ako ni hindi ko nga sila tiningnan. Dahil sa badtrip ako ngayon. Dahil alam kong mali na naman ako, pero hindi ko siya puwede kampihan dahil alam kong hindi titigil si, Margaux. At baka manganib pa ang mga iniwan sa akin ni daddy.

Marami ng tao at mga bagong mukha dito, nagpatuloy lang ako sa pag lakad at alam kong marami na namang nakatingin sa akin bukod sa mga babaeng nandito. May manggulo lang sa akin ngayon tangina! Pagpapatayin ko kayo! Sigaw ng isip ko.

Wala naman akong private na pwesto dito basta kung saan ko gustong umupo lang at namataan ko ang pagpasok nila Allen, papunta sila ngayon sa pwesto ko.

Sinipa ko bigla itong isang lalaki na malapit sa akin na nakaupo at may ilang mga kasama.  Mukhang mayaman rin sila, bumagsak ito sa sahig dahil sa  lakas nang pagkakasipa ko at sinabayan ko ng upo sa pwesto niya.

"What the hell!?"

Gigil na sigaw nito na nakabangon na pala mula sa pagkakabagsak. At masamang tiningnan niya ako, mga nakatingin naman ang mga kasama niya.

"Hoy tarantado ka ah! Sino ka ba?" puna naman nitong isang lalaki na naka-jacket na itim.

Nginisihan ko naman at sinabayan ko ito ng dirty finger sign.

"Tanginang gagong to!" sigaw naman nitong naka-jacket.

Binuhat niya ang isang bangko na bakante at balak na sana niyang ihampas sa akin 'to nang suntukin siya ni Jex sa tagiliran.

Nagkagulo na at nagtakbuhan na ang ilang kasama nila. 'Yung mga babae kanya-kanyang tago sila sa kung saan-saan lima rin sila gaya namin kaya natuwa ako.

Nakikipag-away na sila Dwane ako naman nakaupo lang ako nang biglang may humampas sa ulo ko nang bote mula sa likod ko.

"Gago! Ang yabang mo!"

Narinig kong salita nang nasa likod ko. Pumihit naman ako paharap habang nakaupo at tumayo ako.

"Ang lakas ng loob mong gawin sa akin 'to?" nanginginig ang boses ko sa galit at nakita kong napaatras siya, nilapitan ko agad siya at sinuntok ko ng napakalakas.

Bumulagta siya sa sahig dahil sa lakas ng suntok ko, nilapitan ko pa siya habang sapo niya ang kanyang panga. Wala akong sinayang na pagkakataon hinawakan ko ang kwelyo nang damit at inangat ko ng bahagya ang ulo niya at walang sawang pinagsusuntok ko siya. Lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon ibinuhos ko sa kanya.

"T-tang ina mo! Demonyo ka!" Hirap na bigkas niya.

Ngumisi lang ako sa kanya hanggang sa puro dugo na ang nakikita ko at hindi na ito gumagalaw. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagtakbuhan na ang mga kasama nito.  Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya natigalan ako.

"Pare, tama na patay na ata 'yan."

Si, Allen at kusa naman akong tumayo at tiningnan ko pa ulit ito at hindi na makita ang mukha nito dahil sa naliligo na ito ng dugo at durog na ang mukha. Nag-upuan na kami at parang walang nangyari, nakita ko si Vincent kasama ang bouncer at palapit sila dito.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now