CHAPTER 9 - Duncan Past

1.5K 80 16
                                    

AN: Salamat po ulit sa mga nagandahan dito at narito na ang dahilan ng pagkawala ni, Duncan Patterson. Enjoy reading.

=======================================

DUNCAN

Naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin minulat ko ang mata ko kasabay ng pagkirot ng tagiliran ko. Nakita ko na nakaupo si Mazel, dito malapit sa akin at hawak-hawak ang kamay ko habang nakayuko siya.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kanyabumangat naman ang mukha niya at kita ko na namumugto ang mata niya marahil sa pag-iyak.

"Nagbabantay sa'yo," naakataas ang kilay na sagot niya.

"Umuwi kana! Kaya ko na ang sarili ko," malamig ang boses na taboy ko sa kanya.

"Alam mo ang pride mo talaga binabantayan na nga kita ang arte mo pa ang tapang mo e, ba't nabug-bog ka ng sobra?" inis na sagot niya.

"Tanga ka ba? O baka naman sadyang bobo ka lang talaga. Hindi mo ba nakita ang nangyari?" Singhal ko sa kanya at tumalikod ako ng higa. "Iwanan mo na ako baka maubutan ka pa ni mommy," mahinang sabi ko pa.

"Grabe ka talaga at sobra ka na sa mga sinasabi mo sa akin hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo."

Hindi ko na siya sinagot at inakiramdaman ko siya at narinig ko ang pagtayo niya. Hinayaan ko na lang at hindi na ako nag-abala pa na lingunin siya.

"Oh! Sweetheart nandito ka pala,"

Narinig ko na bati ni Allen 'kay, Mazel. Nandito na pala sila.

Sana hindi mo na sila pumunta dito.

Isip ko habang naririnig ko ang yabag ng mga paa na naglalakad palapit sa akin.

"Paalis na rin ako sige."

Sagot pa ni Mazel hindi ko na siya ulit narinig pa siguro lumabas na siya. Gustuhin ko man na huwag siya paalisin pero kailangan.

"Mabuti at okey ka na akala namin anong nangyari sa'yo kagabi mabuti tinatawagan ako ni, Mazel." Tapik na tanong ni, Allen.

"Mamaya balikan ba namin?" segunda naman ni, Jex.

Napaharap naman ako sa kanila at tiningnan silang apat.

"Bakit nabug-bog ka ata ng husto ngayon? At hindi mo man lang kami niyaya sa lakad niyo?" Pailing-iling pa na salita ni, Dwane. Habang kumukuha ng ubas sa lamesa na maliit at kinain.

"P're naman nag-iisip ka ba? Kita mong nakipag-date si DC, makikigulo ka pa?" Sabay tawa ni Allen, yan minsan tawag nila sa akin, DC.

Hindi ko makakalimutan na sinabi yon ni Mazel na yun na lang ang itatawag sa akin. Muling nabalik ang atensyon ko sa kanila.

"Oo nga naman tapos tingnan mo nagpakabayani pa." hirit naman ni, Vincent.

"Kung mang-aasar lang kayo maaari na kayong umalis." seryosong sabi ko.

"Ito naman hindi na mabiro!" Lumapit si Allen at seryosong nakatingin. "Pinatapos ko na 'yung mga gagong gumulpi sayo,' sagot naman nito na sa seryoso na ang mukha.

"Ayos a, ang bilis mo naman kumilos," sambit naman ni, Dwane.

"Naman ako pa ba?" Mayabang na ani ni Allen.

"Suwerte nila hindi ako ang gumawa no'n sa kanila, dahil pahihirapan ko muna mga buhay nila bago ko sila patayin," sabi nitong si, Allen.

Nakakapatay talaga kami kung minsan at balewala lang 'yon sa amin at sanay na kami doon dahil sa mundong ginagalawan namin. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mommy ko na may bahid na galit sa kanyang mukha.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now