CHAPTER 30

2.8K 70 16
                                    

AN:  Last part na po ito babyebye na sa kanila pero masaya ako dahil sa wakas au complete na ito.  At sa mga nagbabasa at nag-aabang, tiyak na hindi na kayo mabibitin dahil sa isang bagsakan na 'to.
=========================================

DUNCAN

Matapos ang masayang graduation namin nandito na kami ngayon sa isang sikat na bar. Hindi ko na pinasama si Kath at joyce, this is the celebration for the boys only.

"P're congrats sating lahat at sa wakas naka-alis na din tayo sa high school," natatawang umpisang salita ni, Jex.

Sabay-sabay naming pinagdikit ang hawak naming mga baso na may laman na alak. Masaya kaming nag-uusap ng mapansin kung may nakatingin sa akin.

Lumingon ako at nagsalubong ang aming mga mata ng isang lalaki na kilalang-kilala ko. Si Kaido Santi, ang isa sa mga mortal ko kaaway,  seryoso siyang nakatingin sa akin hindi ko alam pero wala akong nababakas na pagbabanta sa kaniya ngayon.

"P're, may problema ba?"

Napapitlag naman ako sa kalabit ni Allen sa akin.

"Wala naman," mahinang sagot ko. At muli kung tiningnan ito at ngayon nga 'ay papalapit ito sa amin. Bigla naman nagtayuan ang mga kasama ko pagkakita sa kaniya.

"Kaido, nandito at himala wala siyang mga alipores na kasama ngayon," mahinang wika ni, Dwane.

"DC, masaya akong muling makita ka. Hindi na rin ako makapaghintay na makasama ka sa iisang University na hindi natin pareho pag-aari."

Hindi ako sumagot dahil alam ko ang tinutukoy niya ang El Conde University.

"Kaido, umalis ka na dito sinisira mo lang gabi namin dito," asar na salita ni, Allen."

"Chill dude, nandito ako hindi para makipag-away. Babatiin ko lang kayo dahil naka-graduate na kayo," muling salita nito pero sa akin nakatingin.

"Kayo rin naman naka-graduate na kayo, mas may laman nga lang ang utak namin kaysa sa inyo." pang-aasar pa ni, Allen.

Tumawa si Kaido at tumalikod na, naglakad na ito palabas ng bar.

"Ayos din 'yang si Kaido, ang lakas ng trip batiin pa tayo." naiiling na wika ni, Jex.

"DC, anong ibig sabihin ni Kaido kanina?" mayamaya'y tanong ni, Vincent.

Nilingon ko naman siya at nakita ko rin sa mga mukha na naghihintay sa sagot ko.

"Yon ba?" bitin ko sasabihin ko at tinungga ang alak sa baso bago nagpatuloy na sumagot. "Sa El Conde University ako mag-eenroll," pagpapatuloy ko lang na kinatahimik nila.

"Sasamahan ka rin namin diyan," sagot naman ni, Allen.

"Bahala kayo," sagot ko lang at muling nagsalin ako ng alak.

"Tama si Allen, sasamahan ka namin doon. Oo nga pala, alam ba ni Mazel ang plano mo?" seryosong tanong ni, Vincent.

Umiling ako at sinimsim ko ang alak ulit.

"Kung ganon isasama mo rin ba siya sa El Conde-"

"Hindi puwede, doon lang siya sa Patterson School." mabilis na sagot ko at nilapag ang baso. "Mapapahamak lang siya kung doon rin siya mag-aaral ng college." salita ko pang muli.

"Kung iyan ang desisyon mo, siya nga pala  maayos na ba ang wedding na magaganap? Double celebration pala 'to dahil mag d-debut na si, Mazel." wika naman ni, Dwane.

"Oo nga eh, tulongan niyo ako. Gusto kung maging masaya si Mazel." nakangiting kong sabi sa kanila.

"Paano ba 'yan, goodbye na pala sa buhay binata." si Jex naman na patawa-tawa.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now