CHAPTER 8 - Date or trouble?

1.8K 68 15
                                    

AN: Salamat po sa mga nag-add sa library nila nito. Sanay mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito.
Enjoy reading. Dahil mahaba po ito.

=========================================

Mazel

Ugh!!

Asar sigaw ng isip ko dahil sa Duncan na 'yon. Sobra na talaga siya. Napaka bayolente niya talaga pinananalangin ko pa naman na sana magkita kami muli tapos ito nga nagkita kami pero hindi masaya ang pagkakakita namin muli.

Akala ko pa naman lalaki siyang mabuting tao kahit pa may kaartehan minsan siya at may kayabangan noong bata pa kami pero ramdam kung mabuting tao naman siya. Pero ngayon ang layo na talaga ano nga kaya ang nakapagpabago sa'yo Duncan? Malalim na pag-iisip ko.

Npahinto ako sa paglalakad dahil napansin ko ang palagid ang ganda naman dito manghang sambit ng isip ko dahil ngayon ko lang kasi napansin kung gaano kaganda dito sa labas ng kuwarto na pinagpasukan sa akin ni Duncan kanina. Meron kasing whishing fan dito at makukulay na mga gold fish tapos may umagos-agos na tubig na nagmumula sa magkatabi na biak na bato. Sa palibot naman nito may mga rosas na kulay pula at ang ganda nila.

Lumibot pa ako sa paligid dahil meron palang ganito sa loob ng school, matapos ay umuwi na ako hindi ko na nakit pa ulit si, Paulo.

----------

Kinabukasan...

"Ma! Pa, pasok na po ako," paalam ko sa kanila habang nagkakape silang dalawa maaga rin kasi silang nagigising dahil sa work ni papa.

"Sige anak mag-iingat ka lalo na sa pagtawid-tawid a?" Paalala ni papa.

Numiti naman ako 'kay papa habang sinilip ko ang loob ng bag ko baka kasi may naiwan ako.

"May naging kaibigan ka na ba doon sa bagong mo na school anak?" maya'y tanong ni mama.

Napahinto naman ako sa pagsasara nang zeeper ng bag. "Meron po, si Paulo." nakangiting sagot ko at lumakad na ako palabas. Napansin ko pa ang tinginan nilang dalawa malamang iba ang iniisip nila.

Pagdating ko dito sa loob nang school bigla akong nanibago at nakaramdam ng pagtataka. Wala 'yatang mga nakatingin at nakatambay dito sa loob bakit naman kaya? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa masalubong ko itong tatlong maldita na tinatawag nilang The Seniorita.

Pero iniwasan lang nila ako at mga nakataas ang kanilang mga kilay nila. Hindi ko na lang sila pinansin baka masira pa araw ko. Natanawan ko naman si Paulo kumakaway siya sa akin at papalapit na siya ngayon.

"Mazel! Nandiyan ka na pala! Kamusta ka naman?" Tanong agad ni, Paulo.

"Ok lang naman, bakit naman?" natatawa kong sagot sa kanya "Bakit parang pakiramdam ko may laman ang pagkakatanong mo?" Nangingiting tanong ko napansin ko naman na natahimik lang siya at waring may iniisip.

"Bakit wala kabang alam?"

Napakunot naman ang noo ko dahil naguguluhan ako bigla 'kay Paulo. Alam niyo 'yung pakiramdam na talagang wala kang alam tapos bitin na bitin ka na dahil gusto mo ng malaman tapos bibitinin kapa.

"Alam mo Paulo? Puwede ba sabihin mo na dahil naaasar na ako," sabay talikod ko sa kanya dahil hindi pa rin ako nakaka-move on kahapon.

"Sorry naman, kasi naka-announce kasi sa bullitin board dito na official na girlfriend ka na raw niDuncan at walang puwedeng gumalaw sayo o manakit dahil makiki-kick out daw silang lahat,"

Napahinto naman ako sa paghakbang ng paa ko dahil sa narinig ko.

"Kahapon mo lang 'daw siya sinagot," sabi pa ulit ni Paulo.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now