CHAPTER 16 Jelous

1.4K 53 3
                                    

AN: Maraming-maraming salamat po sa mga dagdag suporta sa inyo. Sanay masiyahan kayo lagi sa aking update.

==========================================

St. Patterson High

Mazel

Natapos na pangalawang subject namin ang Filipino pero talagang hindi na pumasok sila Duncan. Naglalakad ako papuntang cafeteria ng may sumabay sa akin maglakad, napatingin naman ako dahil ang cute naman ng babaeng 'to. Maikli kasi buhok niya at medyo maliit siya kasi ako 5'4 ang height ko siguro 5flat lang siya pero ang cute niya, parang ngayon ko lang siya nakita dito?

"Hi! Puwedeng makisabay?" ngiti niyang tanong habang nakasabay sa paglalakad.

"Huh? Oo naman." ganting ngiti ko sa kanya.

"Haay... Salamat naman." sabay buga niya nang hangin sa itaas.

"Bakit parang iba 'yang pag-buga mo ng hangin parang may pinaghuhugatan?" tanong ko sa kanya na nanangingiti.

"Kasi naman may kinausap akung babae na ang ganda pa naman, kaso ang sama naman ng ugali." nakasimangot na sagot niya

Natigilan naman ako na napatawa sa itsura niya ang cute kasi nakanguso pa siya. Naalala ko tuloy si Allen na makulit.

"Bakit ka tumatawa?" puna niya.

"Wala naman may naalala lang ako." ngiti kong muli. "Hmm... Oo nga pala transferee ka 'din ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo na late nga ako eh, kasi ang laki nitong school." sabay tawa niya.

"Pareho pala tayo, pang-second week ko pa lang dito, transfer din ako." sagot ko sa kanya.

"Talaga? Magkakasundo pala tayo, so pwede ba tayong maging friend?"

Napatigil ako sa paglalakad. "Oo naman!" mabilis na sagot ko at bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya nagulat ako.

"Ako nga pala si Joyce Tan, Ikaw?" lahad niya ng kamay habang naglalakad.

"Mazel Montero." Sagot ko naman at inabot ko na ang kamay niyang naghihintay.

"Mazel, tawag sa'yo dito?" tanong niyang muli.

Tumango lang ako sa kanya.

"Ok, Mazel talaga bang maraming masungit dito at maldita? Ang dami kasing usap-usapan akong naririnig." maya'y tanong niyang muli.

"Nako, marami talaga dito." sagot ko agad kanya.

"At meron pa akung narinig na nagbabalik 'daw si------ sino ba 'yon? Teka pag-iisipan ko muna ah, nakalimutan ko 'yung name na binanggit. Wait... Ayon! si Margaux."

Natigilan naman ako at napatingin kay, Joyce. "Margaux? Parang ngayon ko lang narinig 'yang name na 'yan saka kasi nga ilang linggo pa lang ako dito." salita ko habang napapaisip ako, nang biglang may magsigawan.

Napalingon kami ni Joyce sa pinagmulan ng tilian at sigawan ng mga studyante.

"Anong meron?"

Paulit-ulit namin na naririnig ang pangalan na, 'Margaux' nagulat na lang ako nang hatakin ako ni Joyce papunta doon sa mga nagsisigawan malapit 'yon sa paradahan ng mga sasakyan.

At pagdating namin! Nanlaki ang mata ko at parang tinusok ng maliit na karayom ang puso ko sa nasaksihan kong eksena. Isang babae at lalaki na magkalapat ang mga labi nila.

Hindi ko kilala 'yung babae pero itong lalaki kahit siguro nakatalikod o kalahati lang ng mata niya ang makita ko kilalang-kilala ko siya. Si Duncan.

Hindi ko alam kung anong klaseng damdamin ang nararamdaman ko ngayon, basta ang gusto ko lang ay makalayo na sa lugar na 'to. Dahil hindi ko na kayang tingnan ng matagal at tumalikod na ako at mabibilis ang bawat hakbang ko.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now