CHAPTER 23

1.3K 57 4
                                    

AN: Ito na po ang kasunod, ang eksena po dito na nakapajama si Wendy habang naglalakad ay talagang nangyari sa akin, with my high school boyfriend noon.

========================================

Mazel

Paglabas ko ng bahay namin hinanap ko agad si Duncan, paglingon ko sa kaliwa nakasandal siya sa poste nang ilaw habang naninigarilyo. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Naninigarilyo ka pala?" tanong ko nang makalapit na ako sa kan'ya, dahil ngayon ko lang siya nakita na naninigarilyo.

"Oo, kapag hindi ako makatulog." sagot naman niya.

Pinaling ko naman ang mata ko dahil sa pagkakatigin niya sa akin, bakit ba kasi ganyan siya makatingin?Hindi tuloy ako makatingin nang tuwid sa kaniya.

"S-saan ba tayo pupunta? Kasi tingnan mo naman ang suot ko.  Nakapantulog ako." wika ko at tumawa naman siya nang mahina napangiti rin tuloy ako kahit hindi ko alam kung bakit.

"Bakit ka naman natawa? Oh, mas gwapo ka lalo kapag tumatawa ka," biro ko sa kanya, but deep inside it's true naman talaga na gwapo siya.

"Nothing. But your cute sa suot mo na yan."

Sagot niya tapos sabay tumalikod na siya sa akin at nagsimula siyang maglakad. Humabol naman ako sa kanya at sumabay maglakad.

"Maglalakad lang tayo para antukin tayo hindi kasi ako makatulog,"

Pumunta naman ako sa harapan niya. Tiningnan ko siya nang mabuti,  matapos 'yon tiningnan niya rin ako.  Mayamaya'y sinalat ko ang noo at leeg niya kunot noo naman siya ginawa ko.

"May lagnat ka ba?" Natatawa kong tanong sa kanya kasi nanibago ako ngayon sa kanya, lagi kasi siyang galit, ngayon iba.

"Wala." ngiti niyang sagot kasabay nang paghawak niya sa kamay ko. "Tara na." hatak niya sa akin.

"Teka, huwag mo nga akong hawakan baka may makakita sa atin." kinabahan naman ako bigla at nagpalinga-linga sa paligid.

"Tssk! Hayaan mo sila!"

Asar na sambit niya, natahimik naman ako dahil hindi naman talaga 'yon ang iniisip ko, hindi lang talaga ako mapalagay sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Kasi pakiramdam ko may kakaibang init at akala mo'y kuryente na dumadaloy sa buong katawan mo. At isa pa bakit naman ako mag-aalala na may makakita eh, i-pagmamalaki ko pa nga itong kasama ko itsura palang panalo na.

"Anong iniisip mo? May pangiti-ngiti ka pa diyan?"

Napalingon naman ako 'kay Duncan na nakangiti. "Wala may naalala lang," ngiting sagot ko pero malayo ang tinatanaw ng isip, do'n kung saan una ko siyang nakilala.

"Crazy," mahinang bigkas niya.

Tinawanan ko lang siya sa binigkas niya. Talaga! Crazy na ako sayo! Sigaw ng isip. Marami ang napapalingon sa amin kasi nga agaw atensyon talaga kami bukod sa napaka-gawapo nang kasama ngayon, dahil rin sa suot ko. Imagine may ka holding hands na gwapong lalaki tapos naka-pajama ako, grabe na trip 'to.

"Balot! Pinoy! Masarap!"

"Pinoy, Balot! Masarap!"

Napahinto kami nang marinig namin 'yung mamang naglalakad na may bit-bit na basket. Hindi ko namalayan na dito pala kami papunta sa paakyat ang daanan tapos tagusan nito simbahan na, malapit lang kasi simbahan dito sa amin. Senenyasan ko 'yung nagtitinda ng balot at naupo ako dito sa may likod ng simbahan. May upuan na bato kasi dito, si Duncan nakatayo lang parang ayaw umupo.

"Pwedeng umupo, walang bayad 'yan." nakangiting wika ko sa kanya, papalapit naman na si Manong. Umupo ng dahan-dahan si Duncan sa tabi ko na kinatawa ko.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now