CHAPTER 17

1.2K 61 6
                                    

AN: Pasensya na po kung natagalan ito, medyo nahihirapan si author mag-edit. Sinusumpong ng katam gayon pa man, happy reading.

========================================

DUNCAN

Asar na asar na ako kasi parang ayaw akong bitawan ni, Margaux. Badtrip ako sa ginawa niyang panghahalik na lang basta sa akin. Matapos ako'ng halikan ni Margaux, nakita ko si Mazel na biglang tumalikod.

Alam kong hindi nagustuhan Mazel ang nakita niya. Gustohin ko man siyang lapitan hindi ko magawa kasi parang linta 'to kung makakapit sa akin. Nagtitiis lang ako dahil hangga't hindi pa na-isasalin sa pangalan ko ang mga pag-aari nang aking ama.

Nalagay sa last will ni Daddy, ililipat ito sa akin kapag tumuntong na ako ng edad disi-otso, malapit na 'yon next month kaya kailangang makisama muna ako ng maayos sa kanya dahil mahirap na baka magbago ang ihip ng hangin.

Marami pa naman ang mga may balak sa kayamanan ng daddy ko kaya dapat mag-ingat ako.

Si atty.Natividad ang father ni Margaux. Para sa'kin tiwala ako sa kanya gaya ng tiwalang binigay ni Daddy sa kanya. At nakikita ko naman 'yon kasi parang magulang na rin ang turing ko sa kanya at kapatid naman kay Margaux. Alam kong higit pa sa kapatid ang turing ni Margaux sa akin dahil ramdam ko iyon, sampung taon ako at siya naman 'ay nine noo. Bata pa kami nang magkakilala dahil narin sa papa niya kasi one time na sinama siya ng papa niya sa bahay namin sa states naging malapit 'din kami.

Kaya lang no'ng mabalik na ako dito sa pilipinas at dito ako nag-aral sa school na pag-aari ng lolo ko na 'yumao na. Dito rin nag-aral si Margaux, sixteen na kami no'n ng umamin siya sa akin na gusto raw niya ako noon pa at nagalit siya sa akin nang sabihin ko na hindi ko siya gusto at bilang kapatid lang turing ko sa kanya. Kaya bigla na lang siyang nawala dito sa school bumalik na pala siya sa states.

At hindi ko alam kung bakit na naman siya bumalik at bigla na lang akong hinalikan. Badtrip!

Nandito kami ni Margaux sa private place namin sa tambayan naming magbabarkada. Magkatabi kami na nakaupo sa sobrang dikit niya sa akin ramdam ko ang malambot niyang dibdib. Tsk! Sana mag bell na, naghihintay kasi kami sa next subject namin

"DC, I miss you so much!" malambing na pagkakasabi n'ya at lalo niya pang nilapit ang katawan niya.

Fuck!

Bell ring

Napangiti naman ako ng lihim ng marinig ko na ang pag-bell. Malakas na napa-yes  naman ako sa isipan dahil sa wakas mahihiwalay na si Margaux sa akin.

"Ano ba 'yan. Huwag na kaya tayong pumasok DC?" nakasimangot na sabi nito.

"Kung ayaw mo pumasok bahala ka maiwan ka dito." sagot ko at nilayo ko siya sa akin. At binirahan ko ng tayo papunta sa pinto.

"Fine! Wait DC!"

Narinig kong tawag niya sa kin paglabas ko ng pintuan. Tssk! Ang arte pa.

Habang naglalakad ako humabol naman siya sa akin at muling napahawak sa braso ko. Hindi ko naman siya pinansin habang naglalakad, natanawan ko naman sa kabilang dulo sila Mazel, kasama ang mga tropa ko. Mabuti sinamahan nila si, Mazel.

Nakarating na kami mismo sa pinto ng room namin at mga nagkatapat kami.

"Ow? It's you again. So, ibig sabihin mag-kaklase pala tayo?" maaarteng bungad ni Margaux dito 'kay, Mazel.

Nagkatinginan kami ni Mazel at lihim na napapangiti ako dahil nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa nakahawak na kamay ni, Margaux. Inayos ko naman ang suot ko na sumbrero at binaba ito ng konti.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now