CHAPTER 6- THe Bully

1.7K 84 24
                                    

AN: Salamat po sa mga nagbasa nito, sanay mag-enjoy at kiligin kayo sa love story nila, Duncan at Mazel. ❤❤❤

=========================================

Mazel

Kakatapos lang ng unang subject namin. Naglalakad ako sa mahabang pasilyo nang paaralan. Hindi ko alam kung saan ako tatambay habang naghihintay nang susunod na subject, meron kasi kaming thirty minutes na break. Si Paulo naman sa ibang lugar nagpunta ayoko naman siya istorbohin pa.

Malayo ang nilalakbay ng isipan dahil noong nalaman ko na siya na nga si Duncan, gusto ko sana siyang 'yakapin at tanungin kung bakit bigla na lang siyang nawala. Ngunit hindi ko nagawa dahil ibang-iba na siya kumpara sa dating Duncan na nakilala ko, siguro nga kulang pa talaga ang ilang araw  na pagkakaibigan namin upang makilala namin ng husto ang bawat isa. Sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na may mababangga na pala ako.

"Mazel right?"

Napapatitig naman ako dito sa babae na nasa harap ko ngayon at masasabi kong maganda siya pero mukhang mataray ang dating.

Bakit kilala niya ako? Kausap ko sa isip ko.

"Did you hear me? Madali lang naman ang tanong ko sa'yo, just say yes!" Malakas ang boses na sabi niyabat naniningkit ang mata niya.

Yung dalawang mga kasama niya mga nakaismid at nakataas ang kilay sa akin, ginawa ko huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Yes! Why?"  Balik tanong ko sa kanya.

"I don't need to answer! At isa pa hindi naman tayo close," nakasimangot niyang sagot.

"Okey sinagot ko na ang tanong mo siguro at wala rin masamang tanungin rin kita?" Diretsong tingin ko sa mata niya at nakipaglabanan ako ng titigan sa kan'ya.

"Masama, dahil hindi naman kita ka-level." nakataas pa ang kilay niya at nag-cross arm.

"Kung gano'n naman pala hindi ko na pala kailangang makipag-usap pa sa inyo kaya padaanin niyo ako at magpapahangin lang ako saglit," nakangiti kong sabi sa kanila at  nakakailang hakbang palang ako nang biglang may maramdaman akong binuhos na malamig mula sa likuran ko.

Amoy coke dahan-dahan akong lumingon sa kanila hindi ko alam kung saan nanggaling 'yung softdrinks na hawak nila. Dahil wala naman silang hawak kanina a hindi pa sila nakuntento dahil sinabuyan pa nila akong muli atbsa mukha ko pa talaga. Titig na titig ako sa kanilang tatlo at ramdam ko na ang panlalamig ng katawan ko dahil nabasa ang dibdib pati na ang likod ko.

Nanlalagkit at nilalamig na ako dahil mahangin dito at nagtawanan naman ang tatlo pati na rin ang mga napapadaan. Pigil ang emosyon ko dahil kaya kong magpigil hindi ko sila papatulan dahil alam kong sa umpisa lang 'to.

"Sorry ah? Kasi mukhang kailangan mo ng maligo kasi nangangamoy ka na e," sabay tawanan nilang muli.

Tiningnan ko lang sila ng masama at dahil ayoko muna silang patulan. Pagbibigyan ko muna sila kaya tinalikuran ko na sila para pumunta ako ng c.r.

"Naging kayo ba ni, Duncan?"

Napahinto naman ako sa paglalakad ko dahil sa tanong na 'yon.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo? At kahit pilitin mo ako hindi kita sasagutin." Mariin kong sagot at sinabayan ko ng mabilis na lalakad.

Dnig na dinig ko pa ang mga sinabi nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin dire-diretso akong naglakad at sa pangalawang pagkakataon nabunggo na naman muli ako.

"Ano ka ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Sigaw ko sa kung sino man ito dahil asar na asar na talaga ako simula pa kanina.

Natigilan naman ako dahil si Duncan pala at pati na rin ang mga kaibigan niya ang nasa harapan ko ngayon. Siya pala ang nabangga ko

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now