CHAPTER 26

1.2K 48 0
                                    


AN: Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat dahil sa mga patuloy na suporta niyo. Lalove ko kayong lahat, sana'y wala tayong iwanan hanggang sa huli.

=========================================

DUNCAN

Pinaadar ko na ang kotse ko para puntahan si Dwane, pati na rin si Jex at Vincent. hindi pa ako nakakalabas ng campus nang matanawan ko na si Jex at Dwane. Bakit hindi nila kasama si Vincent? Kinabahan 'din tuloy ako.

Hininto ko agad ito at nagmadaling bumaba, sinalubong naman ako agad nila.

"P're alam mo na?" seryosong tanong ni, Dwane

"Tinawagan 'din ba kayo?" tanong ko sa kanila

"Oo," sabay na sagot nila.

"P're nakita mo ba si Vincent? Ang alam lang namin si Mazel at Allen lang ang hawak nila." naguguluhang paliwanag ni, Jex.

"Sino kaya 'yung gago na 'yon? Ang lakas ng trip niya," galit na turan ni Dwane.

"Kailangan nating mag-ingat baka hawak na rin nila si, Vincent." muling wika ni, Jex.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang nag-iisip ng malalim.

"Anong unang gagawin natin, DC?" Tanong naman ni, Dwane.

"Kailangan ko itong gawin mag-isa at alam kung malaki ang kinalaman ko sa taong ito. Dahil sa tono nang pananalita niya galit na galit siya sa akin,"

"Pero p're? Baka mahirapan ka at mapahamak ka kung ikaw lang mag isa," nag-aalalang reklamo ni, Dwane.

"Ako na ang bahala, ito lang gagawin niyo. Dahil maglalagay ako ng gadget sa katawan para marinig niyo at mpangkinggan niyo ang pinag-uusapan namin. Kung sakaling magkagipitan na tawagan mo agad Jex ang mga tauhan ng Daddy ko. Gusto kong maging safe ang lahat lalo na si Mazel, narinig kong tinirukan nila ng drugs ito," mahabang salay-salay ko.

Nalungkot naman ang mga mukha ni Dwane at Jex, kahit ako naghahalo na ang nararamdaman kong pag-aalala lalo na 'kay, Mazel. Dahil baka kung ano na ang gawin nila kaya kailangan ko ng magdali at isa pa si Allen at Vincent.

"Sige p're naintindihan namin, pero huwag mo kaming sisihin kung sumugod kami bigla dahil hindi naman namin kayang makinig lang." paliwanag naman ni, Dwane.

Hanggang sa biglang tumunog muli ang phone ko. Alam kung siya na ulit ang tumatawag ngayon.

"Hello," sagot ko.

"Ano Duncan, nakahanda ka nabang maglaro?" natatawang sagot naman nito sa kabilang linya.

"Sabihin mo na ang gusto mo." seryosong sagot ko.

"Relax lang, pumunta ka ngayon dito at para makapagsimula na tayo." wika nito na biglang nagbago ang tono ng boses.

Hindi ko alam pero parang narinig ko na ang boses na 'yon.

Matapos naming mag-usap sinabi niya kung saan ako pupunta. Ibinigay ko na kila Dwane ang isang pares ng gadget na gagamitin nila para marinig ang mga pag-uusap namin. Ikinabit ko naman sa may gilid ng jacket ko itong isang napakaliit na bagay na kahit hanapin mo hindi mo basta-basta makikita. Nilagyan ko rin ng trucking divice ang katawan ko.

Iniwanan ko na sila Dwane at Jex dahil doo doon sila tatambay sa hang out place namin sa loob ng school.

Kasalukayang tinatahak ko na ang daan papunta sa sinasabi nilang lugar. Mazel, sana wala pa silang ginagawa sa'yo dahil talagang hindi ko sila mapapatawad at uubusin ko silang lahat! Im sorry, kung nadamay ka sa gulo ko na ito. Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sayong masama, at para naman sa iyo Allen, kumapit ka lang huwag kang sumuko dahil kahit naaasar ako sa'yo dahil nilagay mo na naman ang sarili mo sa alanganin nag-aalala rin ako para sa'yo.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now