CHAPTER 20

1.2K 61 10
                                    

AN: Pasensya na sa mahabang paghihintay, sana mag-enjoy kayo dito dahil ako ay kinikilig sa chapter na ito.
=======================================

Mazel

Matapos ang pag-uusap namin ni Paulo, hindi ko na siya nakita. Ang sabi  nang adviser nagpaalam 'raw na hindi makakapasok, bakit naman kaya? Hindi naman ako nagalit sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin. Nagulat lang ako talaga.

At pati na rin sila Duncan, hindi ko rin nakikita. Tanging si Joyce lang ang kasama ko. Nandito kami ngayon sa Gym kasi kakatapos lang ng unang subject namin nang may lumapit sa aking P.E teacher.

"Ms. Montero right?"

Napatingin naman ako dito at nagtatakang tiningnan ito.

"Yes sir," mabilis na sagot ko.

"Pinapatawag ka sa Principal office."

Bigla naman ang salakay ng kaba sa dibdib ko at kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan, mukhang nahuhulaan ko na.

"Ok po, Sir." alanganing ngiti kong sagot at umalis na ito sa harapan namin at naisip ko lang bakit personal na pinuntahan pa ako  ng, PE teacher?

"Mukhang alam ko na kung bakit." mahinang sabi ni, Joyce. "Pero teka muna bakit gano'n? Diba kapag pinapatawag ka sa intercom? Yung may nagsasalita sa speaker?" muli ni, Joyce.

"Ang alam ko pinatanggal 'daw yon ni Duncan, kasi ang ingay raw." Walang ganang sagot ko, narinig ko lang naman 'yun sa mga ibang studyante.

"Yon lang? Ayos pala talaga siya,  nalaman ko nga rin na sa kanila pala itong school." mahinang bigkas ni Joyce.

Tumango lang ako sa kanya at huminga ng malalim bago tumayo.

"Ah, sige Joyce. Maiwan mo na kita dito ha. Pupunta muna ako do'n baka hinihintay na ako." Paalam ko sa kanya ar nagsimula na akong maglakad.

"Gusto mo ba samahan na kita?" maya'y salita niya.

"No, ok lang ako," nakangiting tanggi ko agad.

"Sigurado ka?" Tanong pa niya ulit.

"Oo." Ngiting sagot ko at naglakad na ako muli at malalim na napapaisip.

"Ok, kita na lang tayo mamaya" habol na salita niya pa.

Tumango lang ako habang nakatalikod sa kanya at malalaki ang bawat hakbang ko.

-------

Malungkot akong lumabas ng office, kasi suspended ako ng dalawang linggo. Malapit pa naman na ang exam, kahit 'raw may umamin na kung sino ang kumuha ng cellphone ni Margaux, na nasa loob ng bag ko.

Hndi 'daw pumayag si Margaux, kailangan may parusa ako dahil sa ginawa ko sa kanya at hindi 'raw tama ang ginawa ko kay, Margaux. Gusto kong mangatwiran kaya lang hindi ko na ginawa paano 'yan malapit na ang exam namin kasi bukas na ang simula ng suspend ko at pagbalik ko exam na namin.

Malalim ang iniisip ko habang naglalakad kasi iinisip ko rin kung sino 'yung umamin kasi hindi ko na daw kailangan pang malaman pa kung sino hanggang sa.

"Baka naman madapa ka niyan?"

Napaangant ako ng tingin at nakita ko ang isang gwapong lalaki na nakangiti sa akin. "Hala? Sino siya?" mahinang bigkas ko.

"Hindi mo ako kilala? Oo nga naman pala kasi ibang-iba na ako sa dating nerd na sinabi na panget." nakangiting wika niya.

Sandali? Parang kilala ko nga siya dahil sa boses niya. Pero hindi ko matandaan at isa pa ngayon ko lang nakita mukha niya.

My Childhood Sweet Heart (A Gangster Love Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now