Chapter 1- The Blackmail

174K 2.1K 48
                                    

Maxx's POV

I

"This is a big joke."marahan ngunit mapanganib na sabi niya. Ibinato niya sa trash bin na nasa sulok ng kanyang opisina ang gasumot na papel. Any moment now ay pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa tindi ng galit. She should calm herself bago pa siya magwala at ibunton iyon sa lalaking hindi nawawala ang nang-u-uyam na ngiti sa maninipis at mamula-mulang mga labi. Pabalik-balik siyang nagpalakad-lakad sa harapan nito para pakalmahin ang nagpupuyos sa galit na dibdib.

"This is the reality Maxx."void sa emosyong kumpirmasyon nito na ayaw niya namang marinig talaga.

"YOU-CAN-TELL-ME-THAT-I-AM-ONLY-DREAMING-ENZO."pagpipilit niya. Bawat salita ay binibigkas niya ng madiin upang iparating sa panauhin na hindi siya naniniwala sa hatid nitong balita. Walang buting hatid ang dala nitong balita. Sabihin pang gimbal siya ay hindi sapat.

"Totoong umalis si Julliene at wala siyang balak na bumalik agad ayon sa iniwan niyang sulat sa papa ninyo."sabi nito.

"Kahit alam niyang ikakasal na kayo bukas?"high pitch ang tinig na tanong niya. "That is not possible. Mahal ka niya. Mula ng maliit pa siya ay ikaw na ang pangarap niyang pakasalan at mahalin."sabi niya. Hindi siya naniniwala na basta na lamang tatakas at aatras ang kapatid niya sa bisperas mismo ng kasal nito. Batid niya kung gaano nito kamahal si Enzo. Si Enzo ang buhay nito. Hindi nga ba't walang pagsidlan ang tuwa nito ng malamang ipinagkasundo ito at ang binata, two years ago? At bukas ay matutupad na ang long awaited dream nito, so why? So bakit ito aalis ng walang paalam at hindi nagpapaliwanag? Enzo's family-the Mondragon was their family's old friend. Lumaki din silang magkapatid na halos kasama si Enzo. Matanda si Enzo sa kanya ng dalawang taon. Habang siya naman ay mas matanda kay Julliene ng tatlong taon. Hindi nakahadlang ang limang taong agwat ng mga edad nito para hangaan at pahalagahan ni Julliene ang binata. Alam iyon ng kanilang mga magulang kaya nagdesisyon ang mga ito na ipagkasundo ang dalawa. At wala namang tutol si Enzo patungkol sa kasalang iyon.

"Baka nagising siya sa fantasy niya, Maxx."walang gatol na sabi ni Enzo.

"Hindi ko mapaniwalaan na napaka-insensitive mo."she hissed. Masama ang tinging ipinukol niya sa kalmanteng binata. Sinalubong nito ang tingin niya. Walang emosyon siyang nababasa doon. Tama nga ang mga nasa paligid nila lalo na ang mga empleyado ng pinamamahalaang mango orchard nito na napakabato ng puso nito.

"Mahal ka ni Julliene."giit niya. Sa mga salitang iyon ay ipinahihiwatig niya na maghintay ito at huwag gumawa ng hakbang na sooner or later ay pagsisisihan nito. Lumambot ang facial expression niya.

"So be it."sabi nito na walang indikasyon na mahalaga ang sinabi niya. Parang itinapon nito sa basurahan ang pagmamahal ni Julliene na inilagaan ng kapatid niya sa napakatagal na panahon. "I don't believe in love Maxx."dugtong pa nito.

Napasinghap siya sa tinuran nito. Alam niyang sensible at practical si Enzo. Madami din itong nagawa para umunlad ng husto ang mango orchard at ang mga kumpanya ng pamilya nito na ito na ang namamahala sa kasalukuyan. Chain of hotel iyon sa iba't-ibang panig ng bansa. Pero ang maging bato ito ay hindi niya mapaniwalaan. "Hindi ako makapaniwala na naging magkaibigan tayo sa loob ng mahabang panahon. You're cruel and a ruthless bastard."sumbat niya dito. Humihingal pa siya sa galit.

"Sabi mo nga magkaibigan tayo Maxx. Kilala na natin ang isa't-isa. Sa kasalang ito, parehong makikinabang ang mga pamilya natin. Especially ang pamilya ninyo na nasa bingit ng alanganin."his words were cold and full of warning-na siya at ang pamilya niya ang dehado sa ginawa ni Julliene. Napabuga siya ng hangin ng maalalang malaki ang problemang kinahaharap ng kumpanya ng pamilya nila. Supplier sila at exporter ng mga rattan sa ibang bansa pero dahil sa pagkagumon ng mama niya sa sugal ay unti-unting nabaon sila ng utang sa mga banko. At ang pamilya ni Enzo ang nagbayad noon.

"Can you please wait?"aniya na parang tinakasan ng lakas dahil sa implikasyon

ng sinabi nito. Umupo siya sa receiving chair para hindi tuluyang matumba sa sahig. She cannot afford na matumba sa harapan ni Enzo. The proud Maxene Hidalgo would never let that happen! Tiyak na pagtatawanan siya ni Enzo habang buhay. At hindi pwedeng mangyari iyon! Never!

"Like you said earlier bukas na ang kasal. Wala akong tiyaga sa paghihintay."

She glared at him. "Give me one week, no make it three days.Hahanapin ko si Julliene at ihahatid sa harap ng altar."determinadong sabi niya.

"Naka-set na ang lahat bukas, the church , the wedding dress, the flowers, the foods at naipamigay na din ang invitations two months ahead of time. Eskandalo ang mangyayari kung i-a-atras ang petsa ng kasal saka malaking halaga na ang nagastos ng pamilya ko bukod pa sa sariling pera na binunot ko sa aking bulsa Maxx."litanya ni Enzo.

"I know that dammit!"

"You know and still nagmamatigas ka?"he smirk.

"What you're asking for is a lifetime commitment. Hindi ko kaya."iiling-iling na sabi niya. Nanlalambot siya dahil alam niyang talo siya sa napasukang sitwasyon. She's trap.

"Anong mahirap sa pagma-martsa mo sa altar bukas? Is not that na napakasaklap ng gagawin mong iyon Maxx."malambot na ang tinig ni Enzo. Maging ang mukha nito ay napalitan ng malambot na ekspresyon. Nangungumbinsi ito to the point na parang nang-u-uto ng bata.

"You're a dear friend."giit niya. Tutol siya na sa halip na si Julliene ang pakakasalan nito bukas ay siya ang papalit sa naglayas niyang kapatid. It is unfair!

Tumayo si Enzo at lumuhod sa harapan niya. Pinagsalikop nito ang nanlalamig niyang mga palad at ang mainit nitong palad. "I'm your friend Maxx kaya isipin mong napakahalaga ng merger ng mga kumpanya natin."

"Wala na bang ibang paraan?"sabi niya na humihingi ng options. Maybe she can run away?

"Hindi ka tatakas Maxx."ani Enzo sa napatigas na tinig na waring nahulaan ang itinatakbo ng isip niya.

"B-but-

"You are a responsible and an intelligent woman."sabi nito. "At sinisiguro ko sa iyo Maxx, I will hunt you down and drag you in the altar."pagbabanta nito. His eyes were consumed of anger! Nahihintakutang inalis niya ang tingin dito. Why? Bakit ganoon na lang ang pagnanais nitong siya ang pakasal dito?

A substitute bride and a substitute wife-iyon ang magiging papel niya sa buhay nito. Mga bagay na hindi niya pinangarap!

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon