KAI POV
Panay sunod naman sakin ng kumag na 'to. I'm talking about dreads. Kung hindi lang talaga siya kaibigan ni Ela, kinalbo ko na siya.
Di pa rin mawala sa isip ko si Wren. Magkaboses talaga sila ni Ela. Ugh.. ang sakit ng kagat ng babaeng yun! Ano ba siya, bampira?
Habang naglalakad kami papuntang next class, nakasalubong namin ang bandang Amos - sina Jonathan, Sean at yung dalawa pang kumag na sina Jakob at Gerald.
Binati agad ako ni Jonathan habang nakatingin naman kay Favs, "Kai, balita ko Big 4 referral din yang bata mo? Ano instrumento niya?"
"Di ko bata yan," inis kong sabi.
"Gitara," si dreads na ang sumagot, "Bakit, sino ka ba?"
"Fourth year, Guitar major. Jonathan Maniago at your service. Hinahamon kita ng duel," seryoso niyang sabi.
Nagulat kaming dalawa ni dreads.
"Ano bang trip mo?" tanong ni Favs kay Jonathan.
"Animals as Leaders.." sagot naman ng isa.
"Woaah," hindi makapaniwala si dreads. Beyond Godlike ba naman ang bandang yun eh. "Seryoso yan pre?"
"Bakit mukha ba akong nagjojoke?"
Tiningnan ako ni Favs na para bang nagpapasaklolo.
Tinapik ko siya sa balikat saka binulungan, "Respect, pre. Just say yes."
Nakaintindi naman agad siya, "Oh sige. Ngayon na ba?" Game na game naman yung bugok kahit parang kinakabahan.
"Sumunod ka samin," ani Jonathan.
Tumingin muna ulit sakin si Favs saka ko siya binigyan ng go signal. Maganda na rin 'to at nang makita na rin kung may binatbat ba talaga si kumag o puro yabang lang. Nung mapanood ko kasi sila sa bar ni ate Loida, medyo may tama ako nun kaya hindi ko masyadong naappreciate yung tugtugan nila. Isa pa, ang sakit sa tenga ng boses ng kapatid niya.
"Saan nga pala si kalbo?" tanong ko kay Jonathan habang sinusundan namin sila.
"Di mo ba alam na suspended siya? Silang dalawa ni Recem."
Bigla kong naalala yung kwento ni Akel, "Ah oo nga pala, bakit nga ulit?"
"Dahil kay Miss PS. G*agong Recem yun. Mainlove ba naman sa mukhang ewan," at nagtawanan sila.
Hindi ko gusto tabas ng pananalita nang mga to ah!
Binulungan naman ako ni Dreads, "Miss PS? Si Wren ba tinutukoy nila? Yung classmate natin sa Songwriting kanina na magaling kumanta?"
Tss. Kabago-bago nito sa campus alam na agad niya ang code name ni Wren?
"Lampasuhin mo mga yan mamya, naintindihan mo?" pabulong kong utos, ignoring his question.
"Oo naman! Soya!" mukhang motivated na ang bugok.
Nakarating na kami sa auditorium. Sabi na nga ba at dito niya balak magpasikat. "Dito tayo mag duel, dreadlock," sabi ni Jonathan.
Mukha namang bata si Favs habang nakatingin sa stage. Halos maglaway siya habang nakatingin sa mga nakahilerang gitara. Kinuha agad ni Jonathan ung Ibanez. Si kumag naman yung PRS ang kinuha. Good.
Tapos binigay niya yun sa akin, "Hindi pwedeng hindi ka kasali kuya Hearts.."
"Mukha mo!" Pero kinuha ko naman. Namiss ko na rin kasi ang paggigitara. Ilang araw lang na hindi nakahawak para na akong mawawala sa katinuan.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romance"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...