TINACS POV
Nilapitan ni Kai si ate Wren at saka bumulong. Parang wala naman sa huwisyo yung huli.
"Okay lang kaya siya?" bulong ko naman sa sarili.
Nag-intro na ulit sina Kai. I'm sure Satellite ang pamagat ng kanta na tinutugtog nila. Isa ito sa mga pinakamadali, pinakasimple at singable na kanta ng My Amnesia.
Kinakabahan pa rin ako para kay ate Wren. May mali talaga sa kanya. Kanina pa siya pinagtatawanan ng mga third years, mostly from Voice department. Hinatak yata ni Pia ang buong pwersa niya.
Sa wakas nagsimula ng kumanta si ate Wren!
"My goodness! Anong nangyari sa boses niya?" napanganga na lang ako.
"Anyare?" tanong din ni Jessa. Nagkatinginan kami at parehas nagtataka.
"Hindi ko rin alam!" Sabi na may mali sa boses ni ate Wren. Wala akong maintindihan! Tapos naubo pa siya.
Nagtawanan lahat ng mga juniors at seniors. Binaba ni ate Wren yung mic.
Galit na galit ang audience - may nag-boo at may namato pa ng bote ng tubig. Buti mabilis itong kinakapatid ko. Sabay hinarangan ni Kai si ate Wren para huwag siyang tamaan ng lumilipad na bote.
Wala pang two minutes, may umepal na agad. Eto na naman yung atribida, nakaakyat na agad ng stage!
Kinuha ni Pia ang mic from ate Wren, "Mga sis and bruh, stop it please. Huwag niyo siyang batuhin, pakiusap lang.. The show is over!" at sinubukan na nyang paalisin ang audience.
Panay boo pa rin ang mag estudyante.
"Wow ha! Ang plastic!" bulong ko kay Jessa. "Singer ba talaga siya o artista? Ang galing umarte, parang totoo lang!"
Napabuntung-hininga lang si Jessa.
"Grrr! Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng gurang na yan! Hmft!"
Sa wakas, isa-isa ng nag-alisan ang mga tae este tao! Hindi na ako nakatiis at hinila ko si Jessa palapit ng stage.
"Siguro naman obvious na kung sino ang panalo," narinig kong sabi ni Pia sa harap ng banda.
Hindi kumikibo si ate Wren. Napailing na lang si James.
"Okay ka lang?" tanong naman ni Kai kay ate Wren.
Deadma silang lahat kay Pia. Buti nga!
"What's wrong with you people?!" taas kilay pa siya."Hellooo?"
Nakahawak si Wren sa laylayan ng tshirt ni Kai na para bang takot na takot.
Teka nga... Kelan pa naging close yung dalawa? Omo omo something's fishy...
Siyempre, umepal pa rin si Pia. Hinablot nya ang braso ni ate Wren na parang gigil na gigil, "Do you accept defeat?" tanong niya.
To the rescue naman si Kai at hinawakan din ang kamay ni Pia, "Let her go."
"Kai? You're taking her side?"
"Ikaw na nga ang panalo, ano pang gusto mo?" saway nito sa kanya.
"Oh my!" sabay bitaw ni Pia sa kamay ni ate Wren with rolling eyes.
Napatayo naman si James, "Pinamimigay mo na ba talaga ako, baby?"
Hindi siya pinansin ni ate Wren. Nakahawak lang ito sa lalamunan niya na para bang hirap na hirap.
"Baby!" sigaw pa ulit ni James.
Siyempre hindi nagpatalo sa Pia sa pagsigaw, "James! Tuparin mo ang pinangako mo!"
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romance"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...