18: Roger Azcona, Isang Pangako

61 5 1
                                    

ELA POV

Hindi ko na kayang tiisin ang mga pambubully sa akin ng mga taga-CCM. Most especially Kadence. Anong ibig niyang sabihin sa he's just trying to be friendly sa akin na para bang may utang na loob pa ako sa kanya? Naaawa ba siya o pinagtitripan niya lang ako?

Aargh! Kumukulo pa rin ang dugo ko kapag naaalala ko pang-iinsulto niya sa akin kanina.

Sa sobrang inis, nagwalked-out ako at nagcommute mag-isa. Tinacs, James, Kai, wala na akong pakialam sa kanila and so I took the first shuttle bus that I saw sa labas ng campus. Wala yata ako sa sarili buong byahe that I only realized na maling bus pala ang nasakyan ko nang makarating kami sa final stop.

How come nasa sa loob ako ng Clarkfield instead sa subway station?

Nagmamadali akong bumaba at luminga-linga sa paligid. I'm sure na nakarating na ako sa lugar na 'to. Sa kakaikot ko, I ended up sa tapat ng apartment unit nila mommy at daddy.

That's right! Malapit ito sa campus na pinagtuturuan ni mommy. I think it's not a bad idea to spend my weekend here kaysa mag-isa na naman ako sa malaking bahay sa QC. Siguradong magugulat nito si Profesora Roselean Reyes.

Birthday ko ang password sa pinto kaya madali akong nakapasok. Agad akong nag-ayos at nagpaganda. Today, I will be Micayla Reyes - my father's daughter. Honestly, I'm tried of Wren!

Ilang minuto pa ang lumipas ng marinig kong bumukas ang pinto sa may sala. I wondered kung sino ang dumating. Si mommy kaya? Sa totoo lang gutom na ako and I need her. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto para sumalubong but saw it was dad. I ran to hug him.

"Daaad! You're here!"

Nagulat siya ng makita ako, "My sunshine! You look astoundingly beautiful.."

"Of course! I'm your daughter!" I said and kissed him sa cheek. "Kanino pa ba ako magmamana ng kagandahan, di ba?"

"Hahaha. Kamukhang-kamukha mo si mommy," he said.

"No way!" sinimangutan ko siya. Si mommy na naman?

"Good thing you're here, Sunshine. We'll be meeting your ninong Jackson today sa Music Fest, so be ready in thirty, I'll just take a quick shower." Pagkasabi noon, nagmamadali siyang pumasok ng kwarto nila.

Napaisip naman ako, "Ninong Jackson?"

Umupo ako sa sofa habang inaalala si ninong Jackson, "Ninong Jackson? Hmmmm..."

Maya-maya pa ay napatayo ako, "Ninong Jackson as in Dean Jackson Morayta? Don't tell me.. nalaman na ni ninong ang sikreto ko at balak niya akong isumbong kay daddy! Omg! Anong gagawin ko? Waaaah! Hindi ako pwedeng sumama!"

* * *

JP POV

Nakaupo kami ngayon ni DK sa upper floor ng Sunburst stadium kung saan kasalukuyang ginaganap ang Youth Music Fest na dinadaluhan ng mga kabataang miyembro ng iba't-ibang Christian churches sa Metropolitan area. Isang amateur all-girl band ang kasalukuyang nagpeperform. Though they obviously needed more room for improvement, I liked the groove of their original composition.

I was here for fun and at the same time, sinamahan ko si DK para magscout sa binubuo niyang experimental band. I was starting to get bored until pumasok ng hall ang Amos band.

"Ayos! Pinakamagaling na banda sa CCM ang Amos," pagbibida ko kay DK. "Those dudes are very hard-working." At inisa-isa ko sa kanya ang mga miyembro habang naglalakad ang mga ito sa gilid ng stadium papuntang backstage. "Si Sean, yung nauunang maglakad. He is in third year, vocals. Behind him is Cadi, 4th year, drummer, a Four Flams member. Next to Cadi is Jonathan - also in 4th year, lead guitar, member ng campus orchestra, top notcher sa exams ng batch nila at deans lister."

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon