WREN POV
Papasok na kami ng canteen ni Kai ng bigla na lamang may humarang sa daraanan namin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ng makitang si James lang pala 'yun.
Matalas ang titig niya kay Kai na para bang nanghahamon ng away, "Pre, baka pwede kong makausap muna ang girlfriend ko?" may diin ang pagkakasabi nya ng salitang "girlfriend."
Siya namag sarkastikong tawa ni Kai, "Ha.ha. Girlfriend? Whatever pre.." Saglit niya akong sinulyapan saka nagsimulang lumakad papasok ng canteen. Okay na sana ng bigla pa niyang tinabig si James sa may balikat.
"Nananadya ka ba?!" pasigaw na tanong ni James. "Suntukan na lang tayo, ano?"
Kita kong gusto sana siyang patulan ni Kai pero inunahan ko na sila.
"Santiago!!" sigaw ko sa garalgal na boses.
Sabay silang napatingin sa akin. And that's my cue para tumakbo.
"Hoy Wren, saan ka pupunta?" sigaw ni James. Paglingon ko nakita kong hinahabol na niya ako.
Alam ko namang aabutan niya ako pero ang importante mailayo ko siya kahit kaunti kay Kai. Baka kasi kung ano pang gawin nila.
Napahinto ako sa biglaang paghawak niya sa kanang bisig ko. "Hindi ko alam kung ano bang pinapakain sayo ni Kai, bakit dikit ka ng dikit sa kanya?" galit na galit niyang tanong.
"Problemahin mo si Pia, hindi ako," sagot ko sa paos na boses.
"Hoy Ela, huwag mong ibahin ang usapan. Sabi ko layuan mo si Kai. Kung hindi mapipilitan akong isumbong ka kay tito."
Tiningnan ko siya ng masama, "Subukan mo,"panghahamon ko pa.
Kita ko sa mga mata niya ang pagkaseryoso, "Sigurado ka?"
Hindi ako nakakibo. Biglang parang nakakatakot ang dating ng aura nya.
"Ela, makinig ka sa payo ko. Layuan mo siya. Kung ayaw mong magkaproblema," it was a command and at the same time a warning.
"Pwede ba kuya, don't compare Kai and his dad," I felt the need na ipagtanggol si Kai. It's so unfair to judge the son based on what his father had done. They don't know Kai like I do. The guy's a gentleman. And he's my friend. Nakakapikon na.
Lalong humigpit ang hawak ni James sa bisig ko. "Mabuti sana kung yun lang. Huwag ka ng magtanong kung bakit," sabay nilayasan ako ng magaling kong pinsan.
Napakunot noo ako. "Huwag magtanong kung bakit? Bakit? Ano pa bang hindi ko alam?" tanong ko sa sarili ko.
Nakakapagtaka na talaga ang inaasal ni kuya. Ewan pero naalala ko na lang bigla nung minsang galit na galit si daddy dahil kay Kai. It feels like I'm missing something here. Pero wala talaga akong idea o clue man lang. Could there be a secret about Kai that I was not supposed to know?
Napailing ako. Ah, ewan. Ewan. Bahala na si Batman. Sino ba naman ako sa buhay ni Kai para isipin pa mga bagay na yan? Dito sa campus I'm just Wren, and not Ela sa paningin niya. My goal is Spencer, not Kai. Tama. I want to see Spencer again..
"Spencer, Spencer.." bulong ko sa sarili kahit na si Kai pa rin ang nasa isip ko.
* * *
KAI POV
Damn it! I felt like a loser dahil nagawa na namang ilayo ni James si Ela sa akin. I just want to be with her for just a few more minutes kung bakit sakto naman ang dating ng epal niyang pinsan. Para saan at nailayo ko pa siya kay Spencer?
While contemplating dito sa loob ng canteen, siya namang ring ng phone ko - it was Spencer.
Speaking of the devil. Sinagot ko ang phone in an agitated manner, "Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romance"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...