20: Remember Me

44 7 3
                                    

ELA POV

Ngayon ko lang nakita si Hearts ng ganito. Ramdam ko ang galit niya kila Spencer at Pia.

Agad kong hinila ang dulo ng tshirt niya dahilan para mapatingin siya sa akin. Umiling ako habang nakatitig sa kanya.

Please don't do anything stupid Kai..

Parang narinig niya ang nasa isip ko, lumambot ng kaunti ang expression ng mukha niya.

"Let's go Spencer," dinig kong sabi ni Pia.

"Of course, love," malambing na tugon naman ng huli.

Tahimik lang namin silang pinanood habang papasok sila sa loob ng building.

Muling dumilim ang mukha ni Kai nang makaalis na sila. Hinawakan niya ang braso ko at saka ako tinulak palapit kay Favs, "Ingatan mo muna siya, bro.."

Pagkasabi noon ay tumalikod siya at saka naglakad na palayo. Ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Ang bilis niyang nawala.

"Kai.." I whispered his name.

Lumapit naman sa akin si Favs na malamang ay takang-taka din siya sa mga pangyayari. "Sunshine, may secret relationship ba sina Pia and Kai?"

Hindi ko siya pinansin. Alam ko naman kasi na wala silang relasyon.

Muli siyang nagsalita, "Kung pagtatagpi-tagpiin lahat ng mga nangyari, ang nakikita ko lang na dahilan kaya galit si Kai kay Spencer at My Amnesia band ay dahil tinu-two-time sila ni Pia!?"

"Weeh? Haha.. hindi siguro.." napailing ako. Imposible kasi. Alam naman ng lahat kung sino talaga ang gusto ni Pia. "Imposible yan.."

"Aaaah.. kaya pala," patangu-tango naman ang isa habang hinihimas-himas ang baba. "Dinig ko, si Pia daw ang kinuhang bokalista ni Kai nung recital nila. Tapos siya naman ang kinuha ni Pia na gitarista nung face-off niya kay Miss PS. Soya!"

"M-miss PS?" napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Bakit parang may point ang kulot na 'to? Yun din ang pinagtatakahan ko eh, bakit si Kai ang kinuhang gitarista ni Pia nung face-off namin.

"Si Miss PS ba? Ah wala lang yun. Classmate namin siya sa Songwriting class," sumagot naman siya. "May crush din yun kay Kai, obvious naman.."

"Wala!" malakas kong sigaw.

"Huh? Anong wala?" nagulat niyang tanong.

Umiling ako, "W-wala. Ibig kong sabihin walang secret relationship sina Pia at Kai. Patay na patay si Pia kay James for all I know. At mahal na mahal naman ni Kai yung fiancee niya."

"Naisip ko na rin yan sunshine... pero..pero..." halos sabunutan niya ang sarili. "Kilala mo si James?"

Tumalikod ako sa kanya at dahan-dahang humakbang ng palayo.

"Sunshine ko saan ka pupunta? Don't tell me..."

"Agh, I remember I have to meet my dad pala," sabi ko. If I don't leave, baka kung anu-ano pang masabi ko kay Favs. Nilingon ko siya saglit at saka pilit na ngumiti, "Bye."

Tinuro niya ako, "Anong bye?"

Kinawayan ko siya, pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo.

"Sunshine ko!" sigaw ni Favs habang patuloy pa rin niya akong sinusundan. "Elaaa!"

* * *

SPENCER POV

"Nasa Beethoven room daw sila," I told Pia as I returned the phone back in my pocket. I was just on a call with DK, at ang gag* hindi makapaghintay. Poor guy, didn't see my grand entrance.

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon