FAVS POV
Bumalik ako sa main entrance para tingnan kung nandoon si Ela. Sa halip na siya ang makita, isang grupo yata ng mga gangster ang dinatnan kong nag-aaway sa hindi kalayuan.
Soya! Aliw na aliw ako habang pinapanood sila. Taga-saang church kaya ang mga ito at dito pa nila naisipang saktan ang isa't-isa? HAHA!
Habang nanonood, napansin kong kilala ko ang isa sa kanila.
"Si pareng bass drop 'yun ah! Anong ginagawa niya?" nacurious ako at lumapit sa kanila. "Huwat? Si James yung mayabang? Oh and there's more.. yung bestfriend ni Wren - Miss Beautiful! Wow!" patangu-tango ako habang pinapanood sila.
Pagkatapos ng ilang segundo, natapos din ang palabas nang may guard na sumaway sa kanila. Ibang klase talaga si James, akala ko pati guard papatulan.
Tumalikod si Reu kasama ng syota niya habang si Miss Beautiful naman ay umupo sa hagdan. Nakatayo lang sa harapan niya si James na kasalukuyang pinapakiramdaman ang panga niya.
"Kasalanan mong lahat 'to!" sigaw niya kay James.
"Bakit ako? Sino bang naghamon ng suntukan? Di ba yang kaibigan mong dwende?!" sigaw ng huli sabay turo kay Reu.
Muli siyang hinarap ni Reu, "Problema mo, kapre?"
"Problema ko masyado akong gwapo," pagyayabang naman ng isa.
Sasagot pa sana si Reu pero pinigilan siya ng syota niya, "Hon, huwag mo nang patulan please."
Si Miss Beautiful parang wala nang pakialam.
Luminga-linga ako sa paligid, "Himala at hindi niyo yata kasama si Miss PS?"
Sabay-sabay silang apat na napatingin sa akin.
"Dreadboy!?" sigaw nila.
Nagulat ako at napahawak sa dibdib. "Bakit?"
* * *
TINACS POV
"Uulitin ko, saan mo dinala si Wren?" tanong ni James kay Favors. Sa itsura pa lang niya, kita kong gustung-gusto na niya itong sapakin.
"Hindi ko nga alam kung anong sinasabi mo!" giit naman ni Favors. Halata kong napipikon na rin siya.
Nandito kami ngayon sa second floor ng Hebrews Lounge, isang coffee and tea shop na makikita lang sa kabilang daan na katapat ng event center. Inaya ko silang lahat na mag-iced coffee muna para magpalamig ng mga ulo.
Katabi ko si James, sa harap naman niya si Favors. Nasa baba naman sina Reu at Jessa para kuhanin ang mga orders namin.
"May nakakita sayo na kasama mo si Wren! Aamin ka ba o aamin?" pangungulit ni James.
"Bakit mo ba pinipilit na magkasama kami ni Wren? Bakit hindi mo tanungin sarili mo, brother? Sa pagkakatanda ko kayong tatlo ang magkakasama kanina sa campus, tama ba ako o tama?" sabi ni Favors sabay turo sa akin.
Nagkatinginan kami ni James. Doon nga namin huling nakita si ate Wren bago siya tuluyang nawala.
"Si Kai nasaan?" hindi pa rin sumusuko na tanong ni James.
"Si Kai? Bakit mo hinahanap si kuya Hearts?" nagdududang tanong ng isa.
"Kuya Hearts? Ano ka bakla?!" pang-aasar na sabi ni James.
Hinampas ko nang malakas ang mesa, "Pwede ba! Umayos nga kayong dalawa!" sigaw ko.
Nagulat silang dalawa at napatingin sa akin. Pati mga nakaupo sa katabing mesa ay napatingin na rin.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romansa"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...