Chapter 28 : The Relic of A Fallen Star

174 11 0
                                    

Chapter 28 : The Relic of A Fallen Star

Pagod kaming umuwi sa palasyo. Nang makarating sa dormitory ay kaagad akong nahiga sa kama ko at nakatulog dahil sa pagod.

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na naririnig ko. Then I saw Nadia on the side of my bed. Tila inoobserbahan niya ang buong kwarto ko. Bahagya akong umupo at naagaw noon ang atensyon niya. She smiled.

"Glad you're awake. By the way, I hope you're not mad for me breaking onto your room. Inaantay kana kasi namin for dinner." Saad nito. Bahagya kong kinusot ang mga mata ko at sinuklian ang ngiti niya.

"Ayos lang. Pero sana ginising mo nalang ako."

Nag-ayos ako at lumabas na. I'm only wearing my pajama and a hoodie. It's cold so I didn't mind wearing something fashionable. Nahihiya akong ngumiti sa kanila at naupo sa bakanteng upuan.

"Sorry, nahimbing ako." Paghingi ko ng patawad.

"It's okay, it's your first time encountering an attack outside the domain." Nginitian ko si Aquacia.

"Let's eat." Frio said, lahat kami ay magsimula ng kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mapatayo si Aquacia at minura ang sarili. Nang mapansin na lahat kami ay nakatingin sa kaniya ay hilaw itong ngumiti saamin.

"I'm sorry. Nakalimutan ko na pinapasabi pala ni Vaboo na it's our rest day tomorrow. We can do anything we want." Parang nagkaroon ng confetti na sumabog ng ianunsyo iyon ni Aquacia, and my plan for tomorrow is to sleep to gain my lost energy.

"That's great. At last, I can rest." Meissa sighed, pagod rin siguro siya. Sa bawat trainings kasi namin ay inaaral niya ang pag h-handle sa dalawang element na meron siya. Air and water, at dahil kay Aquarius, nagkaroon rin siya ng ice powers which is ang hirap i-maintain lalo na kapag wala kang self control.

Kinabukasan ay natulog lamang ako. But I heard noises waking me up. It was the flaries. Ginising nila ako. Inis akong bumangon dahil wala naman talaga akong balak gumising ngayong araw.

"Ano ba yon?" Singhap ko sa mga ito.

"Let's go to the--" Umirap ako.

"No," Kaagad na putol ko. Mag-aaya na naman sila sa mall. Ang hirap kaya nila kasama.

"Hindi naman kasi sa mall e," ngumuso si Shimmer, napabuntong hininga ako.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa Efia Garden. I'm itching to go there since we arrived in the palace. It's a garden full of blooming flowers." Tila naakit ako sa sinabi niya, kaya nag-ayos ako para sa pag punta namin roon. Maybe the scenery there will help me to gain more energy.

Sinundan ko lamang ang mga flaries habang papunta sa Efia Garden. Hindi ko alam na may ganoong lugar pala. Pero siguro exclusive lamang ang lugar na iyon kasi kung hindi ay alam ko na rin sana iyon.

Lumabas na kami sa likod ng palasyo at mabilis na nagbago ang suot kong damit. Nagkaroon ako ng winter coat. Itinaas ko ang kamay ko para maramdaman ang nyebe na pumapatak. I closed my eyes and when I opened it, I saw pairs of people dancing around me. It was like a formal dance dahil sabay sabay sila at mukhang napractice iyon.

They're wearing medieval dresses and it's very formal. Muli kong ipinikit ang mata ko at pagmulat ko ay wala na sila. Nakita ko ang flaries na medyo malayo na kaya nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na mahirap dahil makapal ang nyebe.

Nawala ang flaries sa paningin ko kaya nagtaka ako. Muli akong naglakad at parang mayroong lumagpas saakin na kung ano. Nagbago naman ang paligid at natanaw ko ang flaries na masayang masaya sa loob. Nagulat ako magkusang sumindi ang mga torches kung saan.

Doon ko lamang napagtanto kung nasaan ako. The Efia Garden. Umapak ako sa madamong lupa nito at namangha dahil lumabas ang mga alitaptap kung saan. Nagkaroon rin ng huni ng mga ibon. The place is so magical. Mayroong maliliit na ilaw na lumulutang.

"See? this place is so magical!" Pinuntahan ako ni Shine.

The flower here are so far away from the flowers we had there. Namumukadkad pa rin ang mga bulaklak dito kahit hindi nasisinagan ng araw. The place is more like inside a cave. Naningkit ang mga mata ko ng mapansin na mayroong tila kumikinang sa di kalayuan. Namangha ako ng makita na mayroong lake sa loob ng hardin. The flaries hurriedly flied near the lake.

Para akong nasa ibang mundo. Napaka ganda ng buong lugar. Maya maya pa ay mayroon akong nakitang isang babaeng tila ang mga hardin ang damit. Then I knew it was an earth nymph. Mayroon ding umahon mula sa tubig kaya lalo akong namagha.

"They're the Efia guardians. They balance the whole garden." Glimmer said.

"Huwag kang mag-alala. Hindi namin kayo sasaktan." Nagulat ako ng ngumiti saakin ang isang nymph na umahon mula sa tubig.

"Tagapangalaga lamang kami ng lugar na ito. Kaya't wala kaming karapatang saktan ang sino mang makatagpo sa hardin ng mga diyos." Pagbibigay alam naman ng isa pa.

"Maliban na lamang kung masama ang pakay ng isang tao. Ngunit imposible iyon dahil ang tanging nakakatagpo lamang sa hardin ng Efia ay ang may mabubuting loob." Dugtong pa ng isang nymph.

"Ako si Caris at ang kapatid ko naman ay Dessa." Pagpapakilala ng earth nymph na ang pangalan pala ay Caris. Napangiti ako.

"Ako si Serel. Pwede bang dumito muna kami?" Tumango si Caris.

"Halika, Serel. Damdamin mo ang tubig na nagmula mismo sa diyos ng tubig." Inakay ako ni Dessa papalapit sa tubig kaya hinubad ko ang suot kong coat at lahat ng damit. I dont mind as long as I know that I'm with ladies.

"Ginawa ng mga gods ang Efia garden?" Tanong ko at lumusong sa tubig. Sakto lamang ang timpla ng lamig nito.

"Oo, ito ang paboritong lugar ni Grace Estrella." Maging ang flaries ay lumusong rin sa tubig.

"Grace Estrella?" Taka kong tanong sa nabanggit na pangalan.

"Goddess of Galaxy. Look up, she made the galaxy more visible in this place." Tumingin ako sa itaas at namangha sa tanawin. Para nga itong galaxy.

"Ashera!" Tumili ako ng mayroong dumambang mabalbon na parang pusa sa tubig at lumangoy papunta saakin.

"What kind of animal are you?" I giggled when the animal started to lick my hands as I pet it.

"Ashera cat. The most rare animal in the whole domain. Karamihan nito ay dito sa hardin naninirahan." Paliwanag ni Caris.

It's fur is white as snow.

Umahon na ako sa tubig at nagbibis. Naging madali iyon sa tulong ng flaries. Habang isinusuot ang coat ko ay nadako ang tingin ko sa dulo ng lake kung saan may nakita akong kumikinang.

"Ano 'yun?" Turo ko sa nakita at nilingon ang nymphs.

"Bakit hindi mo tingnan?" Nagulat ako ng hilahin ako ni Dessa muli sa tubig ngunit mas lalo akong nagulat ng paglapat ng mga paa ko sa tubig ay hindi ako nabasa. Bagkus, nakaapak ako dito.

"See what you want to see, Serel." Bulong saakin ng kung sino. Nilingon ko ang likuran ko at nakitang wala na roon ang nymphs. Tanging ang flaries na lamang na may ibang pinag kakaabalahan at si Ashera na nagtutuyo ng balahibo.

Nakaapak ako sa tubig kaya lumakad ako papunta sa dulo ng lake. Nang makarating ako dito ay mayroong isang bato na lumulutang. Umiilaw rin ito. Kusang gumalaw ang kamay ko at inabot ito. When I finally held it, my eyes widened in shock when I saw a flaming rock. Unti unti akong napaso simula ng mahawakan ko ito.

No, it wasn't a rock. My knees trembled as realized that it wasn't a rock. It was a relic of a fallen star.

Inscribed Fate (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon