Chapter 46 : Sun in the Rain

167 7 0
                                    

Chapter 46 : Sun in the Rain

FISSO

Matapos ang pag bisita kay Astralea ay bumalik kami sa dormitory na tulala. Tila pinoproseso ang mga nalaman kani-kanina lamang. Kaya pala sa tagal na namalagi ni Gloriosa sa abyss ay hindi niya nakita o nahanap ang kaluluwa ni Calysus dahil isa itong god ng dark.

Sa pag dami ng impormasyon na nalalaman namin ay sa dami rin ng tanong na dumadagdag sa isipan ko. Gaya ng paanong hindi namin kilala ang goddess of light and dark? they wasn't introduced by our teachers. Neither the astroloheirs doesn't know them.

Napabuntong hininga ako at pinag masdan ang lahat na kani-kaniyang nag iisip. Tumayo si Nadia at pumunta sa kusina. Siguro ay mag hahanda na ng aming pagkain. Tumayo rin ako para sundan at tulungan siya.

Nabaling ang tingin konsa may oven at napabuntong hininga ng maalala si Serel. She usually bakes for us. I cant help but to miss her. She's been my friend for almost I cant remember. We grew up together and share our memories. Everything that is happening is new to all of us.

"Let's eat," Nadia announced after making the table.

"Do you think, what is she doing right now?" Habang kumakain ay napatanong ni Aquacia.

"We dont know, but I do hope she's safe." Meissa answered.

Muling namalagi ang katahimikan kaya hindi ko maiwasang hindi ma-awkward-an. Tanging pagsasalubong lamang ng plato at kutsara ang naririnig. Pwede na kaming mag ASMR.

"Wait," Flare paused as if she remembered something. "Where are the flaries?" She asked us and roamed around the dormitory.

"Shine? Shimmer? Glimmer?" She called their names but none of them answered.

"I remember them telling they will ask for help," Sagot ni Meissa.

"For real, I am curious why are they assisting Serel. I'm quite surprised about it. Knowing that flaries are one of the most important creatures in Versailles. I've read a book saying they are close to the gods." Pahayag ni Nadia habang pinupunasan ng tissue ang labi niya.

"I'm also curious about how the heck Dawn and Serel are twins." Flare massaged her temple after drinking a glass of water. She then reached for the ice cream.

"I'm curious too," Ani Dawn, bahagya ko itong nilingon.

"Oo nga 'no? Kung titingnan mo yung anggulo, nasa mortal domain si Serel at nasa Versailles naman si Dawn. Tapos lumaki si Serel sa lola niya kasama si Fisso and she doesn't know kung sino ang parents niya, while Dawn grew up with us and believed that Zafira is her mother which doesn't make any sense. Why would Zafira raise Dawn, I mean no offense, maybe the goddess is kind to do that, but, why not raise them both?" Tila pinroseso muli ang utak ko sa sinabi ni Nadia. Kung kanina ay may gana pa akong kumain parang ngayon ay nawala na dahil sa pag iisip ng sagot sa sinabi niya.

"You know, Nadia..." Flare uttered. "Sakit ka sa ulo! Hindi pa nga ako nakaka-get over sa sinabi ni Astralea!" Pag dadabog ni Flare, napatawa kami dito dahil mukhang frustrated na ito.

"Alam niyo, mag ta-training nalang muna ako," Paalam ni Levi bago tumayo. Kaagad rin na tumayo si Tyson kaya nilingon siya ni Levi.

"Nahihiya ka pa, pare. Sabi ko naman sayo, sundan mo ang yapak ko--" Natigil ito ng lumiko si Tyson papunta sa kwarto niya kaysa sa may pintuan palabas.

"Pahiya!" Tukso ni Aquacia dito.

"Nahihiya lang 'yon kasi pinuna ko, tingnan niyo mamaya susunod yon." Pagdadahilan nito upang hindi matukso.

Tumayo na rin ako upang mag training. Naabutan ko sa training room si Levi na gumagawa ng buhawi. Nilingon ako nito at may itinuro, tumango ako bago pindutim ang buton ng reverie. Sa isang iglap ay nasa nag yeyelong lugar na kaagad kami.

"Anong kalaban dito?" I asked him while eyeing the whole place.

"Ice demons," He mumbled and attacked the ice demon who's spying on us.

I used spells to take them down, ngunit isang ice demon ang humarang saakin at nasipa ang kamay ko. I groaned and does not have any choice but to fight them hand on hand. An arm grabbed me but I immediately twisted it and knocked it down on the snow.

"Nice!" Levi commented on my moves. Tumango ako dito.

Later on, the ice demons are being doubled each time. Nagulat na lamang kami ng makita si Flare at Aquacia na pumasok sa reverie at nagsimula ng makipag laban sa ice demons. Litaw na litaw ang kulay ng ribbon ni Flare sa maputing lugar.

"Aquacia!" I warned and pointed my wand on her left side to attack the demons approaching her.

"Thanks!" She saluted and continued to fight.

"Sajjeta!" I made a lightning and it strucked the herd of demons.

Naalarma ako ng makitang mayroong sasaksak kay Flare mula sa likuran. Abala ito sa pakikipaglaban kaya hindi niya ito napansin. I cursed when a demon snatched my wand. Nilingon ko si Flare at itinapat ang kamay ko doon.


Nagulat kami ng bigla na lamang mayroong isang hangin ang humampas kaya nawalan kaming lahat ng balanse. Ilang minuto ang lumipas ay nawala na ang malakas na hangin at doon lamang ako nakahinga ng maluwag dahil sa lakas ng hampas nito ay hindi ako nakahinga ng maayos.

Inis na binilog ni Flare ang snow at pinaltok iyon kay Levi na agad nasapol sa mukha. Napatawa ako.

"Hoy! Para 'san 'yon?" Inis niyang bulyaw kay Flare.

"Anong para saan? Sino bang may elemento ng hangin dito bukod sayo? Ha? Muntik nakong ma-suffocate!" Patuloy niyang binato ng binato si Levi ng snowballs.

"Ha!? Hoy! Hindi ako ang may gawa nun!" Angil niya habang hinihimas ang ilong na tinamaan ng snowball na pinapaltok ni Flare.

"Edi wow, Leviticus! edi wow!" Patuloy pa rin si Flare sa pagmamaltok sa kaniya. Napailing ako.

Akmang dadampot muli si Flare ng snow nang biglang mawala ang reverie kaya nilingon namin si Meissa ng patayin niya ito.

"Someone is waiting for us on the hall," She informed us and left.

Nagkatinginan kaming apat bago mag kibit balikat at umalis para pumunta doon. Pagkapasok pa lamang sa hall ay natanaw ko na ang iba roon. Mukhang kami na lamang ang iniintay roon.

"They're here," Vaboo said as soon as he spotted us.

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng unti-unting humarap ang isang pamilyar na babae saakin. Halos malaglag ang puso ko nang tuluyang makita ang buong mukha ni Mama. Napasinghap ito ng makita ako.

"Fisso, anak!" She cried and hugged me. Ganoon rin ako, napaiyak ako sa balikat niya.

"Ma..." I sobbed, seeing her in this time makes me want to cry in her shoulders like I usually do back then. I want to come back on her arms.

"Anak, pasenya kana..." Nang marinig ko ang umiiyak niyang boses ay lalo akong napaiyak.

"I have a lot of questions," I said between my sobbing.


"I will answer all of that once we settled everything, alright?" Sinakop niya ang mukha ko at hinalikan ang noo ko. Napaiyak ako.

Atleast this dilemma brings her back. Because I somehow, I finally saw a sun in the middle of this non stop rain.

Inscribed Fate (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon