Chapter 60 : Victory Ball
MEISSA
Inayos ko ang earrings ko bago hinarap ang sarili ko sa malaking salamin na nasa kuwarto ko. Nag-hahanda na ako para sa ball na gaganapin mamaya maya. Kapuwa kaming lahat nasa kani-kaniyang kuwarto upang pag-handaan ang mangyayaring Victory Ball.
Isinuot ko ang heels na pinili saakin ni Serel noong nakaraan nang mamili kami ng mga kailangan para sa mangyayaring event. I don't know if it as me or I just noticed that Serel became more fashionable these days. Siguro ay baka dahil sa flaries niya.
Tinawag ko ang pixie ko na si Waverly upang tulungan pa akong mag-ayos. She's excited about this because it's the first time she'll do this things for me. Hindi kasi ako masyadong nag-aayos ng mukha.
Matapos ang lahat, lumabas na ako dahil tapos na rin naman ako. Sinalubong ng mga mata ko ang mata ni Flare ng makitang kalalabas rin lamang niya mula sa kaniyang kwarto. Naka-suot ito ng slim red medieval dress. Mayroon ding mga kumikintab rito gaya ng akin. Pinili ni Serel ang sparkly saamin.
Naka-suot ako ng sky blue medieval dress. Lumabas na rin silang lahat ngunit si Serel ay hindi pa kaya labis kaming nag-tataka. Nilingon ko si Tyson ng tumabi ito saakin. He'll be my partner for this night and I'm didn't complain since I am okay with that.
On the other side, Serel's door's opened and it revealed her with. stunning sparkling black dress. Napa-nganga ako sa nasaksihan. She looked like a goddess! Indeed. Lahat ng mga suot namin ay inspired sa medieval theme na ginawa ni Vaboo. And sparkly black suits her!
Mayroon rin itong headband na parang isang korona, lahat kami ay mayroon. Ngunit iba't ibang design.
"Whoa! Serel, ang ganda mo!" puri ni Levi, ngumiti sa kaniya si Serel.
"Thank you," she smiled genuinely.
Tumabi sa kaniya si Frio at naramdaman ko rin ang presensya ni Tyson sa tabihan ko kaya inangkla ko ang aking braso sa kaniya. We walked and passed through hallways on our way to the hall. Para tuloy kaming sasagala rito. Vaboo told us to come a bit late for the entrance. We are told that there will be an entrance to everyone, and the astroloheirs is the last.
Tumambad saakin ang malaking pintuan ng hall. It was closed. Bigla ring nag-sulputan ang sa tabi-tabi namin ang mga pixies at flaries. The door creaked open and we are greeted by the Victory Ball on going. There were lights on the chandeliers, candles floating and this place was filled with magic.
Naunang tinawag sina Flare at Levi na alam kong kahit naka-ngiti sa iba ay gusto ng mag-asaran. They're always like that. Their pixies made fires and air to support the entrance. Everyone clapped their hands to honor them.
Sunod sunod kaming tinawag hanggang sa kaming dalawa na ni Tyson. I let out a heavy sigh before proceeding. Naka-ngiti ako at lalo pa itong lumawak dahil sa nakikita ko. The versallians faces were happy, lahat sila ay naka-ngiti ramdam ko ang saya sa kanila.
After some ceremonies and introductions, Vaboo already announced that we can now eat. The food was served and we happily ate it. The music on the hall changed into a slow dance. Nag-simula na ang iba na pumunta sa gitna upang makipag-sayaw.
Matapos kumain ay nagulat ako ng mayroong maglahad ng kamay sa harapan ko. It was Tyson, ngumiti ako at tinanggap iyon. And then he guided me on the dance floor.
NADIA
Nagulat kaming lahat ng makakita na bumuo ng pila ang ilang lalaki at hindi ko alam kung saan abot iyon. Lahat kaming naiwan nina Meissa sa lamesa at nag-tataka kung bakit mayroong pila na naganap.
"Serel..." I laughed when I saw guys trying to ask Serel for a dance. She looked confused while looking on the guys and the line ahead.
"Iba talaga pag maganda..." Iling iling na komento ni Levi at sumulyap kay Flare na pinanlilisikan na siya ng mata. Napahalakhak ako.
"Lady Flare! pwede ka bang isayaw?" lumaki ang ngiti ni Flare at inabot ang nakalahad na kamay ng lalaki sa kaniya. Napatawa ako nang sulyapan nito si Levi na ngayon ay naka-busangot na ang mukha.
Biglang tumayo si Frio at hinila si Serel papunta sa dance floor. Parang namatayan naman ang mga lalaki sa kawalang pag-asa dahil si Frio na ang humila kay Serel. Napa-tawa ako dahil sa kaniya. Si Fisso naman ay inaya na si Aquacia. Lahat sila ay nasa dance floor na maliban saaming dalawa ni Levi. Umalis kasi kanina si Dawn at hindi ko alam kung saan nag-punta.
"Nadia, tayo na nga lang." tumatawa kong inabot ang kamay ni Levi dahil napilitan ito saakin.
"Ayan kasi, dapat inaya mo na si Flare." pangaral ko dito ng makita na pasulyap-sulyap ito kay Flare at sa kasayaw nito.
"Ikaw? asan si Dawn?" baling naman niya saakin, nag-kibit balikat ako.
Matapos ang ilang minuto ma pag-sasayaw ay inaya ko na si Levi na umupo ngunit imbis na maupo ito ay hinila niya si Flare na ngayon ay gulat sa ginawa ni Levi. Nawalan ng partner ang kasayaw ni Flare kaya muli akong napa-halakhak. Naupo na rin sa tabihan ko sina Meissa at Tyson.
"Nadia? want to dance?" Tyson asked me, nag-kibit balikat ako bago tumango.
"Where's Dawn?" tanong ni Tyson habang nag-sasayaw kami.
"Ewan ko," sagot ko rito.
Maya maya pa ay nagulat kami ng mayroong tumapik sa balikat ni Tyson. He smirked before letting go of my hands. Si Dawn naman ang sumalo saakin. Bigla tuloy akong naka-ramdam ng hiya.
"Did you wait for me?" tanong niya, nag-iwas ako ng tingin bago tumango.
SEREL
Naka-busangot ang mukha ko nang maupo kaming dalawa ni Frio. Marami dapat kasi akong magiging kasayaw ngunit pa-epal itong taga-pag mana ng yelo. Bigla akong hinila.
Tinanaw ko sa dancefloor ang kambal ko at si Nadia na nag-sasayaw. Napa-ngiti ako. Si Flare naman at Levi ay ramdam ko na nag-tatalo ngunit mukhang masaya sila.
I am happy to all of us that we've come this far. This is the most unexpected friendship I ever had. I dont regret saving them and I wont regret being transferred to this world.
Napa-tingin ako sa labas at nakita na kumintab ang isang bituin. Hudyat iyon saakin na mag-paalam upang lumabas. Sa likod ako pumunta. Pag-labas ko ay saktong bumaba si Cassiopeia mula sa kalangitan kasama si Saiph. Ngumiti at kumaway ako sa mga ito.Sinalubong ko sila at niyapos. Ramdam ko rin ang tuwa nila.
"Maayos kana ba?" tanong ni Cassiopeia, ngumiti at tumango ako sa kaniya.
"Ang ganda mong bata ka, nang-gigigil ako sayo!" napasimangot ako ng pisilin ni Saiph ang dalawang magkabilang pisngi ko.
"When are you going to tell them about the truth?" sumeryoso ako sa tanong ni Cassiopeia saakin.
"Ayoko muna. I'm happy seeing them this way, without any problems, but I will work on it sooner. Let's just see things back to normal again." turan ko dito, ngumiti ito at hinaplos ang buhok ko.
"You are really just like her."
BINABASA MO ANG
Inscribed Fate (Under Revision)
FantasyLong time ago the sun never showed itself again and with the absence of the Gods, the Versailles fell into eternal winter weakening every living creatures and allowing those with evil intentions to take over the whole place. The world that was once...