Chapter 37 : Alliances
LEVI
Nang mag umaga ay muli kaming nagpatuloy sa paglalakbay papunta sa palasyo ng Crystales. Naroroon ang mga amazonia dahil binabantayan nila ito, lalo na kapag wala si Sapphire.
Naiiling akong naglalakad dahil sa sapatos ko. Medyo sunog iyon at kagagawan lang naman iyon ng magaling na apoy na babae. Ewan ko kung anong problema noon at biglang pinaapoy ang sapatos ko. Kung wala lang kaming pinag samahan baka nilagutan ko na 'to ng hininga. Nasasanay na magpa-apoy sa parte ng katawan.
Ganyan rin siya sa iba pero grabe lang talaga sakin. Kung dati ay nag p-protest ako sa favoritism ngayon parang pinagsisisihan ko na nag-rally ako tungkol roon. Dahil kung minamalas ka nga naman, naging favorite ako ni Flare silaban kahit anong oras niya gusto.
Sana pala ay sinama namin dito si Serel at ang flaries niya para kung sakaling masunog lahat ng damit ko pwede akong mag pa-magic sa kanila ng damit. Tsk, naimpluwensiyahan na ng flaries si Serel at pansin ko ang pagiging fashionista nito pagdating sa looks. Biruin mo noong nakaraan, gumagala sa dorm ay nakapajama at shirt lang pero ang lakas ng datingan.
"Gusto ko mag protest sa favoritism." Wala sa sarili na nasabi ko. Nilingon nila ako.
"Huh, bakit?" Gulong tanong ni Nadia.
"Doon ako sa side na favorite ako. Tsk, ang unfair kase e." Umiling ako at ngumisi dito.
"At kailan ka naman naging favorite huh? Mas bet ng parents mo yung anak ni Tito Gemini." Pambabara ni Flare, I frowned.
"Naging favorite kaya ako!" Giit ko.
"Eh talaga?" Panunukso nito saakin.
"Oo, favorite mo'ng paapuyan." Deretsyo kong sambit. Narinig ko kaagad ang tawanan nina Aquacia.
"Ewan ko sayo," Umirap ito at napamura ako ng maamoy na mayroon na namang nasunog sa damit ko.
"Veiflara!" Sigaw ko ngunit pinanlakihan ako nito ng mata at itinuro ang nasa harapan namin.
Natigil ako ng makita ang mataas na palasyo ng Crystales. Gawa ito sa yelo at talagang nakakamangha ang ganda nito dahil kahit gawa ito sa yelo at kapansinpansin pa rin ang karangyaan nito. Gawa ginto, tanso at yelo ang buong palasyo.
"Whoa. Frio dito ka nakatira?" Mangha kong saad.
"Obviously," Pinasawalang bahala ko ang side comment ni Flare.
"Let's go," Frio commanded.
Lahat ay nagulantang ng makita kami, or sabihin na nating si Frio dahil ito ang prinsipe nila. Luminya ang mamayan niya para mag bigay galang at bahagyang tumungo. Nakita ko ang paparating na amazonias na tila nagulat rin sa pagdating ni Frio.
"Lord Frioze," Pagbibigay galang ng mga ito.
Nakaramdam ako ng inggit. Whoa, Sana all. Sa Medioma kasi Levi lang ang tawag nila saakin. Tapos mukhang wala pang pag galang saakin. Tsk tsk. Favoritism.
"Call the others. We'll have a meeting." Malamig na utos ni Frio at kaagad na sumunod ang mga ito.
Sumunod lamang kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa bulwagan ng palasyo. Naroroon na ang ibang amazonian.
BINABASA MO ANG
Inscribed Fate (Under Revision)
FantasiaLong time ago the sun never showed itself again and with the absence of the Gods, the Versailles fell into eternal winter weakening every living creatures and allowing those with evil intentions to take over the whole place. The world that was once...