Chapter 30 : Brightest Star's Curse

187 8 0
                                    

Chapter 30 : Brightest Star's Curse

LEVI

Nagising ako ng maramdaman na mayroong nakayakap na kamay saakin. I slowly opened my eyes and saw Flare's arms wrapped around me.  Natutulog pa ito kaya hindi muna ako gumalaw para hindi ito magising. Knowing this girl, he will eventually burn me.

Nilingon ko ang buong salas at napangiti ng makita na lahat kami ay magkakayakap. Yun nga lang ay tulog pa ang iba. Bumalik na lamang ako sa pagkakatulog dahil inaantok pa naman ako.

Muli akong nagising ng maramdaman na mayroong tumayo sa tabihan ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Flare na dahan dahang tumatayo upang hindi magising ang iba. Nagtama ang paningin naming dalawa at umirap ito.

"Good morning," I whispered. Tinaasan lamang niya ako ng kilay at dumeretsyo sa banyo.

Ibinaling ko ang tingin ko sa iba at gustong gusto ko silang picturan dahil I swear, this will be a remembrance to all of us. But I decided not to, baka mag-freeze lang ang camera.

Tumayo ako at dumeretsyo na rin sa kwarto ko para makapag ayos. Paglabas ko ay kakagising lang ni Frio. Hindi ito makatayo dahil nakayakap sa kaniya ni Serel. Napatawa ako ng magtama ang paningin namin. Nilingon ko naman si Aquacia na halos gawing unan na si Fisso dahil sa pagkakayakap nito. Napailing rin ako bago ngumisi sa kakagising lang na si Tyson. Nakaunan siya sa hita ni Nadia at nasa tabi nila si Meissa. One wrong move at magigising ang lahat. Si Dawn naman ay parang naka isolate sa kanila dahil ang yakap yakap nito ay unan niya.

Nang magising na si Nadia ay nagluto ito ng pagkain namin para ngayong umaga. Balik klase na uli kami kaya naghanda na kami. Balak rin naming ipaalam kay Vaboo ang bad vision na nalaman namin. Namangha talaga ako ng sabihin ni Serel na nakapunta siya sa Efia Garden, dahil it's exclusive for gods and goddesses only.   Nakakapunta lamang doon si Nadia dahil dinadala siya ng magulang niya kapag kinikita niya ang lola niya, si Lumiere. Goddess of earth.

Kahit na magkakapareho ang elements ng magulang namin at ang pagiging half blood nina Tyson at Meissa ay hindi kami magkakadugo. Iyon ang itinatak sa isipan namin ng mga magulang namin. They instructed us that were all related but not by bloods. Ganoon pag isa kang gods.

History ang first period namin. Boring na boring talaga ako dito. Isang malapad na ngiti ang ibinigay saamin ni Miss Serya pagkapasok namin sa classroom. Tinabihan ko si Nadia sa upuan.

"We are going go learn about the old prophecies this time." Bungad niya saamin at inilatag sa harapan ang isang libro na mukhang luma na.

"This is an old prophecy book during the Astrology period. Yes, your parents." Inunahan na niya kami bago pa kami makapag tanong.

"This prophecy book contains the prophecies that will happen each time. This was created by our great visionary, Astralea. As we all know Astralea, we dont know her story." Napukaw noon ang atensyon ko. Parang ididiscuss niya saamin ang nangyari kay Astralea.

"Before we proceed to our point topic. I will first discuss about our great visionary's curse." Lahat kami ay naging attentive sa sinabi niya.

The great visionary Astralea is a big question mark to all of us. Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kaniya at sa kung paano siya naging visionary. Ang alam ko ay bawal daw iyong pag-usapan sa Versailles pero ang pag babawal ay rumors lang raw.

Inscribed Fate (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon