Chapter 43 : Time Rage

176 7 0
                                    

Chapter 43 : Time Rage

LEVI

nagpatuloy ako sa pag hahalungkat ng pwedeng libro tungkol kay Gloriosa. She's our enemy and she is really strong. We need to find more informations about her in order to defeat her.

"Found anything?" Tumabi saakin si Nadia, I shook my head.

"Puta, nakaka-gago naman 'to. Pagod na akong mag hanap!" Angil ko at lumapit sa lamesa na inokupa namin sa library upang maka hanap ng impormasyon.

"Parang ikaw lang nag hahanap kung maka-pag salita ka diyan ah." Pam babara saakin ni Aquacia. Napailing ako at nag patuloy na lamang. Ngunit sa kalagitnaan ng pag hahanap ay narinig kong tinawag ako ni Nadia kaya muli akong bumalik sa may lamesa.

"Bakit?"

"Tulungan mo 'ko. Nag luto kasi ako kanina para sa tanghalian natin. Dito ko nalang dadalhin para hindi sayang sa oras." Paki-usap nito, tumango ako. Syempre ako ang aasahan nila pag-dating sa bilisan.

Ngunit natigil ako ng may maalala.

"Luh teka! Ayoko pala, baka pagalitan ako ng librarian. Lul, wag nalang." Dali-dali akong umiling dahil dito. Naalala ko na naman kasi yung librarian na napaka sungit.

"Sige na kasi! Naka-pag paalam na naman ako sa kaniya. Sabi ko importante ang ginagawa natin." Ngumuso ito, napailing ako dahil sa pangungulit niya.

"Tara," Saad ko at hinigit siya, napa tili siya sa bilis namin. Nang bumitaw ako sa kaniya ay nasa dorm na kami.

Nagsimula na akong mag hakot ng pagkain sa library. Pasulyap sulyap rin ako sa librarian dahil baka bigla akong sigawan anytime soon pero mabuti na lamang at hindi ako nito pinapansin. Nang mahakot ko na ang lahat ng pagkain ay unti unti iyong nagagalaw ngunit kanya kanya pa rin kami ng hanap ng libro.

Gaya na lamang ni Aquacia na dala-dala ang plato ng pagkain niya sa bawat pag ikot sa book shelves upang maipag-sabay ang ginagawa. Kapag naman kinakailangan niya ng dalawang kamay ay pinabubuhat niya sa tubig ang plato. Si Flare naman ay may pagkain rin ngunit hindi ito gumagamit ng kaniyang ability, bagkus naka sunod sa kaniya ang pixie niyang si Ember na nakasimangot habang buhat buhat ang plato nito.

Ang ginagawa ko naman ay pinalulutang ko na lamant sa ere ang kutsara kapag susubo na ako.

Ilang oras pa muli ang lumipas ay wala pa rin akong nahahanap. Sobrang laki ng library ngunit hindi imposible na makita namin ang libro patungkol kay Gloriosa. Halos lahat yata ng shelves dito ay nakalkal na namin ngunit wala pa rin.

"Ayoko na, suko na ko." Pasalampak akong umupo sa upuan.

"Ako rin," Umiiling na sang ayon ni Tyson saakin.

"Nice, bro. Ipag patuloy mo lang ang pag sunod sa yapak ko." Umamba akong aapiran siya ngunit inignora lamang ako nito. Napasimangot ako.

"We already searched the whole library but there's nothing in here." Pagod rin na naupo si Meissa. Maya-maya pa ay bigong naupo rin ang iba.

"This is all because of Mallucia. Konting konti ma lang gaganutan ko na siya sa sakit ng ulo na dinadala niya!" Iritang ani Aquacia. Her face is reddish. A sign that she's really annoyed and pissed.

Inscribed Fate (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon