Chapter 15 : A Pixie Adventure Part 2
Tulala ako habang naglalakad kami sa madilim at malamig na kagubatan. Nagpatuloy kami sa paglalakbay papunta sa Servailles para mapadali na kami.
Meissa's words are still lingering on my ears. Napailing na lamang ako dahil sa iniisip.
Napahinto ako ng hilahin ni Cascade ang dulo ng bistida ko. Turns out that they also stopped. Nilingon ko ang paligid, parang may nakamasid saamin kaya siguro sila tumigil.
"We're near their land, I guess the animals already sense us." Pagbibigay alam ni Meissa habang iginagala ang paningin sa madilim na kagubatan.
Bigla namang umapaw ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Animals, I've read books about scenes like this and the encounter between protagonists and the animals is scary. Malay 'ko ba kung meron dito ng mga hayop na mas nakakatakot kesa sa pilipinas. Saka everything is possible daw dito.
Nagulat ako ng biglang paikot na umatake si Meissa, kanina lamang ay naka-tingin siya sa unahan, bigla na lamang itong pumaikot papunta sa likuran niya at tila may inatake roon. Nanlaki ang mga mata ko ng mayroong umagos na dugo sa espada niyang bigla na lamang lumitaw.
"Invisivels," She murmured and started attacking the air, nagugulat na lamang ako dahil biglang may umaagos na dugo sa bawat atake nila.
The pixies surrounded me to protect me. Namula naman ako, parang pabigat ako dito a.
"No, you're not."
Gulat kong nilingon si Meissa ng marinig ko ang boses niya sa isipan ko. Nakikipaglaban pa rin naman siya. How did she do that?
Sa isang iglap, napuno ng iba't ibang kulay ang buong madilim na kagubatan. The pixies started attacking the creatures they called "Invisivels," Nagawa pang ipaliwanag saakin 'yon ni Meissa. She told me that Invisivels are creatures made by the wicked witches to protect their land.
Sila pa talaga ang may ganang protektahan ang lupain nila 'e sila 'tong masasama.
Napatili ako ng may humila saakin at may dugong dumaloy sa tagiliran ko. At first, I thought it was mine, but I realized that it was from the Invisivels that Tyson killed when the creature tried to attack me.
"Salamat!" Agap ko, he only nodded.
Kinapkap ko ang sarili ko at nagulat ng may makapa akong manipis na kahoy sa katawan ko. Kinuha ko iyon at nakitang mukha iyong lapis o ballpen.
"Write something, honey."
A voice lingered on my ears. Nagulat ako at napaatras dahil doon.
My heart burned again at the pain is killing me. Nakakarinig ako ng mga boses, nag-aaway, I dont know. Sumisikip ang dibdib ko. Nawawalan ako ng hininga. Umiling ako ng may maramdaman na luha na tumulo mula sa mga mata ko.
"Write, Serel! write something!"
My trembling hands reached for the pen and my hands automatically wrote something on the ground.
Nanginginig ako at napamulat ng mamanhid ang buong katawan ko. Napahawak ako sa dibdib ko at nanghihinang binitawan ang pen.
BINABASA MO ANG
Inscribed Fate (Under Revision)
FantasíaLong time ago the sun never showed itself again and with the absence of the Gods, the Versailles fell into eternal winter weakening every living creatures and allowing those with evil intentions to take over the whole place. The world that was once...