Chapter 58 : Peace
TYSON
Marahan kong pinagmasdan ang buong paligid kung saan abala ang lahat sa pagliligpit sa kalat na natamo mula sa labanan. Ang iba ay may bitbit pa na mga walang buhay na, na katawan.
Ang nangyaring gulo ay talagang literal na naging sobrang magulo. Lahat ay kinakailangang mag sakripisyo. Ang lahat ay naharap sa pagitan ng pagkamatay o pagkikipag laban para sa sarili. Humarap rin kami sa mga pag ta-traydor.
Umiling ako at pumasok na sa loob ng palasyo. Matapos mawalan ng malay ni Serel ay muli siyang dinala sa clinic dahil sa pagka-drain ng energy nito. Lahat kami ay nagulat sa nangyari ng biglang sumulpot si Serel at inayos ang lahat. Kinilabutan rin ako ng sinabi nitong titirik muli ang araw, lalo na ng makita ko mismo ang unti-unting pag sinag ng liwanag nito noong gabi na iyon.
Ilang araw na rin ang lumipas simula ng mangyari ang labanan. Ang lahat ay abala sa pagbabalik ng nga bagay sa dati nitong kinalalagyan.
"Kamusta siya?" takang tanong ko nang makapasok sa clinic upang tingnan ang kalagayan ni Serel.
"She's still regaining her energy. It may took her a while to recover." Tumango ako sa sinabi ng isang nurse at nilingon si Serel.
Nakakapag-taka at puro pasa ang katawan niya, hindi rin normal ang pag-tibok ng puso niya. Minsan ay bigla na rin lang tataas ang temperatura niya at aapoyin ng lagnat. Hindi ko alam kung normal pa ba iyon ngunit nag-aalala ako para kay Serel.
Bahagyang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Nadia. May dala siyang nga prutas. Masaya rin ako dahil nararamdaman ko na unti-unti na siyang lumalakas. Nagiging malinaw na rin ang visions niya kaya panatag ako na maayos siya. At lahat ng iyon ay dahil kay Serel, salamat sa kaniya at muli niyang pinasikat ang araw.
"Tsk, tsk. Masyado namang halata 'to'ng si Frio." Umiiling na puna ni Nadia ng makita si Frio na tulog sa couch. Siya ang nag-babantay kay Serel, kahit pa pinipilit namin na mag-pahinga siya at ayaw pa rin niya.
"Natakot yata," I chuckled.
Lumapit si Nadia at naupo sa tabi ng kama ni Serel. Marahan nitong hinawakan ang palad niya.
Bigla akong nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso. Nilingon ko si Nadia na ngayon ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kawalan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nanginginig itong humiwalay kay Serel. Sa pagmamadali niyang tumayo ay nasagi niya ang vase kaya nahulog ito.
Namumutla na ngayon si Nadia kaya lalo akong nagtaka. Sinubukan ko itong pakalmahin o lapitan ngunit iwas na iwas ito at tila ayaw mag-pahawak.
"Nadia!" Sigaw ko rito ngunit tila nawala na ito sa hallway.
Naramdaman kong gumising na si Frio at ng makita ang basag na vase ay naalarma ito at hinagilap si Serel.
"What happened!?" He asked worriedly.
"Nasagi ni Nadia. I'll call for a cleaner." sagot ko sa kaniya at lumabas na.
Sa hallway ay naka-salubong ko si Flare kaya tinanong ko ito kung saan papunta. Bumuntong-hininga naman siya.
"I'll try to fix my castle." nang-hihinayang na saad nito. Nag-angat naman ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Inscribed Fate (Under Revision)
FantasyLong time ago the sun never showed itself again and with the absence of the Gods, the Versailles fell into eternal winter weakening every living creatures and allowing those with evil intentions to take over the whole place. The world that was once...