simula

47 2 0
                                    

Narito ako ngayon sa taas ng bubong at pinagmamasdan ang napaka gandang buwan.bilog na bilog ito at lalong gumaganda dahil sa nagniningning na mga bituin.

Parang mata na nagmamasid sa atin tuwing gabi,napaka ganda lalo na't kung tititigan mo ito.

Ako si sapphire ,ang babaeng mahilig sa buwan.alam kong napaka weirdo kung magugustuhan mo ang buwan ngunit para saakin ay hindi iyon hadlang.

Bata pa lamang ako ay nawala na ang aking mga magulang,nakatira ako ngayon sa aking  tita na parang alipin ang turing saakin.

Meron syang anak na ang pangalan ay dianne,isang babaeng maharot at mataray.hindi man lang kami naguusap ni dianne dahil kung ako ay lalapit sa kanya ay para akong aso na binubugbug ng kanyang amo.

Hindi ako nakapagtapos ng pagaaral dahil kapos nadaw sa pera si tita at si dianne nalang ang kayang tustusan.

"SAPPHIRE!!!"sigaw ni tita mula sa ibaba "BUMABA KANA NGA RIYAN"galit niyang sabi

"OPO"dali dali naman akong bumaba at nagpaalam na sa buwan.

Pagkababa ko sa bubong ay nakita ko agad ang galit na muka ni tita sally.hinatak nya ang aking buhok at ako ay namilipit sa sakit.

"sabi ko sayo ayusin at linisin mo yung bahay diba??!!"
Mariin niyang sabi.

"pasensya napo tita"paumanhin ko habang mangiyak-ngiyak ako sa sakit na darama ko ngayon at ang higpit ng pagkakabatak sa buhok ko.

"linisin mona ngayon na bilis!!"sabi nya at binitawan na ang buhok ko.

Napaluhod ako sa sakit at doon umiyak."mama,papa kuhanin nyona ako hindi kona kaya"sabi ko sa sarili

Nagsimula ako at nagsimulang maglakad papuntang kusina,doon ko nakita ang sandamakmak na hugasin at labada na parang bundok kung pagsasama samahin.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang hugasan ang nga pinggan,pagkatapos niyon.kinusot kona ang mga labahin na pinapalaba saakin ni tita.

Hating gabi na namg akoy matapos sa aking mga ginawa.

Pumunta ako sa aking kwarto na masikip,kumuha ako ng damit at pumunta na sa banyo.naghilamos ako at nagbihis ng mabilis,pumunta na ako sa aking kwarto at doon ko hinandusay ang aking sarili sa aking kama.pinikit ko ang aking mga mata at nakatulog na ako kaagad.

------
Kimpotchie

SKYWhere stories live. Discover now