4

19 1 0
                                    

Nagising na ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata,tumingin ako sa taas dahil tinatamad paakong tumayo,nagmasid masid ako sa kwarto ni arvin at may nakita akong pucture frame na nasa side table.

Kinuha ko iyon at tiningnan,family picture pala nila toh.may kapatid pala sya lalaki din.then kano papa nya woah,kahawig nyayung kapatid nya pati yung tatay nya.

Binababa kona yung picture frame at tumayo na ako sa kama,lumabas na ako sa kwarto at bumaba nadin para tingnan si arvin.

Nakita kong wala ng tao sa sala at may mabango na amoy galing sa kusina,doon ko sya nakitang nagluluto ng umagahan naming dalawa,wala syang suot na pangitaas at naka apron sya.

Nakadungaw lang ako sa pinto ng kusina at pinagmamasdan sya,ang swerte naman ng magiging girlfriend netong lalaki nato.

Tumingin sya sa likod at nahuli nya ako na nakatitig sa kanya,tumingin ako papalayo at nagkunwaring hindi kosya tinitingnan.

"oh gising kana pala"sabi nya at ngumiti

"ah oo haha"sagot ko

"kain kana"sabi nya sa akin at nilapag nya ang pinggan na may itlog at kanin.umupo na ako sa upuan at nagsimulang kainin ang niluto nya sakin.

Natapos na kaming kumain at nilagay nyana sa lababo yung mga pinagkainan naming dalawa,umupo ulit sya sa harap ko.

"ganon ba talaga yung tita mo?"seryoso nyang tanong.

"hmm ganun sya sakin eh"sagot ko habang nakatingin sa baba

"hindi kaba nya tinuturing na anak?"tanong nya ulit

"hindi ko alam eh,si tito benard lang naman yung mabait sakin sa bahay na yun"sagot ko sa kanya

"hindi kasi tama yung ginawa nya sayo,nakita koyun kung pano ka nya sinasaktan sapphire"sabi nya at tinitigan nyako.

"hmm nasan yung pamilya mo?"tanong ko at inignore yung sinabi nya.

Hindi sya nakasagot at tumingin saakin papalayo.

"ah...sorry"paumanhin ko

"ayos lang"malamig nyang sabi

Nanahimik ako saglit at bigla nyang sinabi lahat.

"iniwan nila ako,silang tatlo iniwan nila ako"malamig nyang sabi habang nakatingin sa ibaba.

Kitang kita ko kung paano nya pinipigilan ang mga luha nya.tumayo ako at tumabi sa kanya.

Tumingin sya sakin at ngumiti,may biglang tumulo sa pisnge nya na luha,pinunasan nya agad iyon at dumukdok sa lamesa.doon sya humagulgol ng iyak.

Tinapik ko ang balikat nya at tumingin sya agad sa akin.

"ayus lang yan,pareha lang naman tayo eh.alam ko naman na gina-guard nila tayo palagi"sabi ko sa kanya

Ngumiti lamang sya at napaghalataan kong hindi iyon totoo,dahil sa ilalim ng ngiti nyang matamis,naroon ang sakit na iniinda nya.

I run his back para mahimasmasan sya,sabi ni lola sakin nun,ang totoong lalaki umiiyak kapag sobrang sakit na,kapag hindi na nila kaya ganun.

"alam ko yung nararamdaman mo arvin,alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin na wala na sila"sabi ko sa kanya

"oo nga hshs"sagot nya saakin na may kasamang ngiti.

Ngumiti nalang din ako pabalik sa kanya.

-ARVIN-
napaiyak ako sa tanong ni sapphire saakin,halos lahat ng sakit ay bumalik  saakin,naalala ko lahat ng nangyare sa kanilang tatlo.

"gusto mo kwento ko kung ano yung nangyare kala mom and dad?"tanong ko

"sige basta wag kang iiyak ah"sabi nya na may kasamang tawa

Nginitian ko nalang sya at kinuwento ang lahat

*flashback*

"mama,papa tignan mo ang ganda"turo ko doon sa fountain ma malaki.

"mama,papa punta tayo doon"sabi naman ng kapatid kona si liam.

"oh sige mga anak"sabi ni mama saamin.

Nang makalapit kami don ay halos maiyak kami sa saya ng kapatid ko,nspaka ganda naman talaga.

"thankyou mama at papa"sabi ko at hinalikan yung mgs pisnge nila,ginawa naman din ni liam yun.

Pagkatapos namin tingnan yung fountain,sumakay na kami sa kotse nun.

Sila mama,papa at liam ay nasa harapan habang ako magisang nasa likod,sinuot kona ang seatbelt at nagdrive na si papa.

Masayang naguusap sila mama at papa ng may biglang humarang na truck sa harap ng kotse na sinasakyan namin,niliko naman agad ni papa yung kotse at naggewang-gewang ito,nahulog kami sa bangin at nauna ang ulo ng kotse kaya nadali sila mama,papa at liam.

Nandidilim ang paningin ko at tuluyan kong namulat ang mga mata ko,ang sakit ng ulo ko at mukhang may dugo rito,naramdaman kong may parang may tubig na umaagos sa braso ko.

Pagkatingin ko sa harap ko ay doom ko nakita sila mama,papa at liam na duguan,nanlaki ang mga mata ko at sumigaw ng malakas.

Nanlalabo ang paningin ko at bigla nalang bumagsak ang ulo ko sa sahig.

-------hospital----------
Nagising ako at nakita ko sa tabi ko si tita bianca,kapatid ni papa.

"arvin!?buti gising kana"sabi nya at niyakap ako ng mahigpit

"nasan po sila mama,papa at liam??"tanong ko

Hindi sya umimik at tumingin na lamang sa baba,napansin kong lumuluha na si tita bianca kaya napaluha nadin ako

"wala na sila"sagot nito sa tanong ko

Tuluyan na ngang umagos ang luha mula sa mga mata ko,humagulgol ang iyak ko dahil hindi lo mataggap ang nangyare sa kanila.

Nawala si papa
Nawala si mama
Nawala si liam
Nawala yung mga taong nagmamahal sakin.

Iniyak ko nalang lahat at nakatulog na,hindi ko na alam kung ano pang nagyare nun.

*end of flashback*

-----
Kimpotchie
Lab you guysss

SKYWhere stories live. Discover now