Katie's POV
Hindi na ba sya galit sakin? Ng makalayo kasi kami iniwan nya lang ako with these words 'Wait for me.'
Does that mean ok na kmi? Or baka naman gusto nyang pagusapan muna namin? Or baka naman.... baka.... NOOOOOOOOOOOOO! Hindi ako papayag na magbreak kami! Lokohan na nga lang toh tapos ititigil pa.
Tama! Susundan ko na lng sya! Great ide Katie *sarcastic tone* Sundan ang taong galit sa'yo!
Sinundan ko sya, papunta dun sa kung tawaging ghost hallway sa school, dun kasi nangyari yung mga kamalasan ko kanina eh. Yung nagkita kami ni Valyn.
Narating ko na yung hallway, nakatayo lang si Renz, at si Valyn naman nakaupo lang sa sahig hbang yakap-yakap ang tuhod nya.
Bakit ganito? Bakit kahit sobra na yung ginagawa nya sakin nasasaktan pa din akong nakikita syang ganito. Nasasaktana ko sa nangyayari sa kanya. Nararamdaman ko ung nararamdaman nya. Parang ang bigat-bigat ng dinadala nya.
"Valyn, we need to talk."
Nagsalita na si Renz. Hindi sumasagot si Valyn. Nakayakap pa din sya sa mga tuhod nya, at ibinaon lang ang ulo sa pagitan ng mga ito na para bang ayaw nyang marinig ang sasbihin ni Renz.
"Please, just accept my decision."
Oo nga Valyn, why just don't accept na kami talaga ni Renz?
"Bakit hindi na lang ako Renz?"
Tama ba yung narinig ko? Is she begging for Renz's love?
"Valyn?"
"Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Bakit si Katie pa? Bakit lahat na lang ng meron ako kinukuha nya?"
Wala akong kinukuha sa'yo Valyn! Wala!
"Valyn wala syang kinuha sa'yo! At the first place hindi ako sa'yo! Hindi ako pagmamay-ari ng kahit sino."
"Bakit Renz? Nandun ba sya nung mga oras na hindi kapa si Renz na nakilala nya, nung mga oras na isa ka plang simpleng Nerd sa school natin dati, sinong kasama mo? Ako dba?! Ako! Ako yun Renz! Ako yung laging nandyan para sa'yo!"
Naging nerd si Renz Nicko Alvarez? Ang Renz ko isang nerd dati? O_O
"Ako ung nandyan para sa'yo! Ako yung gumagawa ng paraan noon para hindi ka na masaktan! Yung pagagaw ko kay Nathan sa kanya, ginagawa ko din yun para sa'yo!"
Planado nya lahat ng toh? Sinira nya yung friendship namin para maging masaya si Renz?
"Ano ba sa tigin mo? Sa tingin nyo lahat ginawa ko yun dahil masama ako at dahil gusto ko lang, pero ginawa ko yun para magkaroon ka ng pag-asa kay Katie."
Ginawa ni Valyn yun? P-para mag karoon ng pag-asa si Renz sakin? Pero hindi ko naman maalala si Renz noon sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
DayDreaming (completed)
RomanceSi Katie ay isang ultimate nerd sa school nila. Like a typical girl ay may crush din sya, but what if yung crush nya ay nay special someone na? And it happens na worst enemy ang turing sa kanya ng special someone nito? Ano na lang ang mangyayari sa...