Chapter 2: Meet Chris! ^^

74.5K 556 91
                                    

Katie's POV

Sa wakas! Tapos na din ang klase ko ngayong araw. Pwede ko nang makita si Renz my loves, wala kasi siya sa klase kanina dahil may practice sya sa basketball.

Pero bago pa man ako makatungtong sa open court napa-face palm na lang ako at naglakad palayo sa open court, palayo sa pinakamamahal kong Renz!!!

"May assignment nga pala ako na due tomorrow. Magagalit nanaman si Bangkay kapag hindi ako nakapag-pasa baka ipasalvage na niya ako. huhu"

Habang papunta ako ng library ay nagdradrama ako dahil hindi ko makikita si Renz my loves.

"Saan ka pupunta?"

"aaaaaaaaaaa" napatalon ako sa gulat dahil may biglang humawak sa balikat ko at nagsalita. Dahilan para madulas ang lola mo.

 

"Aray!" sigaw ko habang hinihimas yung pwetan ko. Grabe nakakahiya talaga toh! pinagtitinginan kmi ng mga tao sa campus

"Oh, ano nangyari sayo? Nagtanong lang ako nadulas ka na dyan hahaha." Sino ba tong nilalang na toh? Nilingon ko yung may ari ng kamay na nakahawak na ngayon sa braso ko para tulungan akong tumayo.

"Ikaw kasi nanggugulat ka!"

"Haha pasensya naman, hindi ko naman alam na magugulatin ka pala.. ahaha" Sige tumawa pa! May pagkapareho din pla sila ni Valyn, ang pinagkaiba lang may kabutihan tong kapatid nya.

Naglakad na ulit ako pagkatayo niya sakin dahil kailangan ko talagang matapos yung 5 pages na assignment ni Bangkay na due tomorrow morning.

"So, Katie right?" tanong niya sakin. 'Kasama ko pa din pala sya?' Napahinto ako nang magregister sa utak ko yung sinabi niya...

"Pano mo nalaman ang name ko?!"

Ok this is wierd, pano nya nalaman ung name ko? May stalker ba ako? Psssh! Ano nanaman ba iniisip ko? Ako? Isang nerd at weird na babae magkakaroon ng stalker?!

"Nakita ko sa I.D. mo kanina." simpleng pagpapaliwanag niya. 'Hala ang cool talaga ng kuya ni Valyn.'

Ah, un naman pla. Akala ko naman may stalker na ako. Hingang malalim. Mapapanatag na ang utak ako. Ako lang ang pwedeng maging stalker, at para kay Renz lang yun.

"Ako nga pla si Chris Ronald Reyes. Kuya ako ni Valyn. Kakatransfer ko lng dito actually. " pagpapakilala niya sa sarili niya. Alam ko naman na yung mga sinabi niya eh, kaya nginitian ko na lang siya.

"So, saan na nga punta mo?"

"Sa library"

"Anong gagawin mo dun?"

"May assignment kasi ako ngayon na 5 pages and due tomorrow morning na. Wala pa akong nasisimulannnn." pagdradrama ko.

"Tungkol saan ba yun?" hindi din naman sya chismoso noh? haha

Don't get it wrong, hindi ako suplada or snobber. I'm just not used to people like him dahil hindi naman ako yung tipo ng taong sikat dito sa SDU kaya hindi ako sanay makipagusap sa tao.

 

Sinabi ko sa kanya yung assignment ko and lucky me pareho kami ng course! Hohoho. Yun nga lang sophomore na sya at kami ni Renz my loves ay freshmen pa lang. Kaya maagang natapos yung assignment ko. Omooo! Bestfriend ko na tong taong toh! Kabisado niya pa din hanggang ngayon yung lesson nila about dito.

"Mga iho, iha, magsasara na ang school di pba kayo uuwi?" tanong ng librarian ng school namin.

Pagtingin namin sa oras 6:30 na pala, inabot na ako ng gabi samantalang 3:00 ang uwian namin.

"waaaaaaaa! Anong oras na pala!"

"oo nga ano. kailangan na nating umuwi"

"sige mauuna na ako"

At nagmadali akong tumakbo papunta ng gate...

takbo

takbo

takbo

hanggang sa bigla akong nadapa dahil ako' ipinanganak para maging lampa.

 

"Katiiiiiiiiieeeeee!" sigaw ni Chris mula dun sa may gilid ng kalsada. Bakit ba makasigaw toh wagas wagas? Wala na bang bukas?

*beep beep

May dadaan na kotse sa mismong pinagbagsakan ko! grabe naman!!! SAKLAP!

 

--------------------------------------------------------------------

a/n:Si Chris po ung nsa Gilid! ^_^

DayDreaming (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon