Chapter 1

433 40 31
                                    

CHAOS

I breathed deeply and pursed my lips. Dapat ay maging relax ako ngayon para sa susunod naming laro pero mukhang walang balak na tumigil ang mga teammates ko sa pang-aasar sa akin.

"Fafa Chaos! You're spacing out again!"

Nabatukan ko si Poseidon dahil hindi ko na matiis-tiis pa ang kanina pa niyang pangangasar sa akin. Parang wala siyang kapaguran pagdating sa pangangasar.

"Ang gwapo mo naman po kasi, Fafa Chaos!"

"Shut up! Mukha kang isda!"

"At least hindi ako habulin nang mga bakla!"

"At least sa akin may naghahabol pero sayo, ikaw ang naghahabol!"

Nagtawanan ang ibang teammates ko dahil sa paghaba ng nguso ni Poseidon. Pati ako ay napatawa na rin.

"Hah! Sabi na nga ba't tatawa ka rin. Tsk. Talagang hindi tumatagal ang galit mo," Poseidon laughed at me. "But FYFI, I was the one who broke up with my girlfriend!"

"Yeah. Yeah. Whatever."

"We love you Fafa Chaos!" sabay-sabay nilang sigaw.

"Mga bugok. Tara na nga sa loob. Maguumpisa na raw 'yung match ng Falcova at La Cierto. Sabi nila may mga bagong recruite ang Falcova," napapailing kong sabi.

"Yes boss!" sumaludo pa ang mga ito habang tumatawa.

"Tss. Malalakas talaga ang topak ng mga 'to."

Nang marating namin ang entrance ng malaking gymnasium ng Falcova ay hindi ko maiwasang mamangha. Pangalawang beses ko na itong nakita pero hindi ko pa rin maiwasan ang mapanganga dahil sa lawak nito.

I heard loud cheers. May nakikita rin akong mga banners na winawagayway ng mga babae at pati na rin mga lalaki.

"Uy! Ayun sila coach oh."

Napatingin kami sa direksyon na itinuturo ni August. Tama siya. Nandoon nga sila.

Nang marating namin ang lugar kung saan nagi-stay ang mga players ng La Cierto ay agad kaming binati ng mga ito. Ako at ang mga teammates ko ay umupo sa ikalawang row ng bleachers. I stared at the court. Wala pang mga players at tanging ang net lang na gagamitin para sa volleyball match ang naroon, ang referee, at mga line judges.

Binalot ng malakas na pito ng referee ang buong gymnasium. The announcer said something. I was too preoccupied to even listen to what he is saying. Last year, nanalo ang La Cierto laban sa volleyball girls ng Falcova. Marami sa kanila ang last year na wala kaya naman alam kong malaki ang improvement nila ngayon. They are determined to win this match against Falcova.

"Nasaan na ba siya? Didn't I told you to remind her every time you got that you're playing today? Where is that girl?! Kebago-bago ang lakas ng loob na magpa-late!"

"Wow. Who's that guy?" tanong ni Matt na nakatingin din pala sa lalaking kulang nalang ay umusok ang ilong sa galit.

"That is Falcova's volleyball boys and girls coach," Coach Migs replied.

Falcova's volleyball girls are tall. I think their tallest was about 5'7. Kung titingnan mo sila ay parang practice match lang ang paglalaruan nila. They're not nervous or planning a strategy at all. They're ready huh?

Pumito na ang referee. Pinapunta ang dalawang captain sa harap ng referee. Nang makipagkamay na sila sa isa't isa. The captain of Falcova smirked playfully and Jinea glared.

"Ang hot talaga ni 1!"

"Sino bang 1, Poseison? Sa La Cierto o sa Falcova?" natatawang tanong ko.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon