Chapter 6

87 20 0
                                    

INGRID

Nanatili akong nakayuko. Hindi ko kayang tingnan ang mga kaklase kong sa akin nakatutok ang mga mata. It was indeed a mistake to join this game. Truth or dare is a cursed game!

"Truth ang pinili mo. Kaya sagutin mo dapat ang tanong namin. Bakit ang cold mo? Kino-consider mo pa ba kami bilang friends mo? Bakit ba ayaw mong mag-open sa amin samantalang ready naman naming pakinggan lahat ng gusto mong sabihin?" Kyle asked. She was giving me a sharp look as she tap her fingers on her lap, waiting for my answer.

"Uy. Tama na 'yan. Hayaan niyo na. Madali lang naman 'yung consequence. Huwag na natin siyang pilitin," awat ni Xam kay Kyle.

"No! Matagal na akong nagtitimpi. Nakakatampo na rin kasi eh. Magkakaibigan tayo 'di ba? Tapos ganito?"

"Everything happens for a reason," mahina kong sabi.

All their eyes bore holes on me. Hinihintay nilang dugtungan ko ang sinabi ko. Ang hirap lang kasi hindi naman lahat ay close ko rito tapos maririnig nila ang sasabihin ko? Are they even worth my explanation?

"Reason? At ano namang rason mo?" nagtatakang tanong ni Xam na hawak-hawak pa rin ang braso ni Kyle.

"Nasagot ko na ang tanong niyo."

Tumayo ako at wala sabi-sabing tumabkbo palabas ng classroom namin. Hindi ako lumingon nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Hellios at Lake.

Hindi ko kayang sagutin ang tanong nila. Alam kong marami na silang nasasabi tungkol sa akin ngayon dahil sa pinakita kong ugali kanina. The real reason why I don't speak too much is because I'm trying to avoid complications and misunderstandings. Kapag sinabi ko ang sakit ko sa kanila na siyang dahilan ng pagiging tahimik ko at pati ang problema ko sa pamilya, kakaawaan nila ako. I don't need their pity.

Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng faculty. Pikit-mata akong kumatok ng tatlong beses sa pinto bago binuksan at sumilip sa loob. Nang makita ko si Coach Jake ay pumasok ako. Kakaunti lang ang teachers na nandito ngayon dahil wala pa silang klase.

"Good morning, teachers," mahinang bati ko.

"Miss Imperial, hindi ba't ka naparito? Class hours pa ah," tanong ni Ms. Floreza, isang TLE teacher.

"Kakausapin ko po sana si Coach Jake."

Nag-angat ng tingin si Coach nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Oh, anong sadya mo rito Imperial?"

Huminga ako ng malalim. Sigurado na ako sa desisyon kong ito. At saka hindi pwede sa akin ang mapagod ng sobra. Baka hindi na kayanin ng katawan ko kung dadagdag pa ang mabibigat na trainings.

"I'm quitting," walang pag-aalinlangang sabi ko.

"Ano? Anong quitting ang sinasabi mo?"

"Aalis na po ako ng team," may pinalidad na sagot ko sa tanong ni Coach.

Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Napaayod siya ng upo at mataman akong tiningnan. Para bang nagtataka kung bakit ko gustong umalis ng team.

"Bakit? Hindi naman sa ayaw kitang paalisin pero, bakit? Magaling ka Imperial. Sa skills na ipinakita mo noong unang laro mo, maraming humanga. So, why? Alam kong may future ka sa volleyball."

"Nagsawa na ako."

Coach Jake scoffed. "Nagsawa ka na?"

"I'm sorry Coach Jake. Desidido na po talaga akong magquit. Maraming salamat dahil hinayaan niyo akong makapaglaro kahit isang beses sa isang totoong match. Thank you for training me. You're a great coach," I smiled genuinely before leaving the faculty.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon