Chapter 19

97 12 2
                                    

INGRID

Niyakap ko sa aking sarili ang suot kong jacket ni Chaos dahil sa lamig ng hangin. Maya-maya ay mapapalingon ako sa likod o sa magkabilang gilid ko dahil pakiramdam ko'y may tao. Sa bawat paghakbang ko ay aking naririnig ang tunong ng mga natatapakang tuyong dahon at maliliit na bato. It's creepy. Nakakapanindig-balahibo.

"Damn," I whispered.

I swallowed hard. Parang sumisipol ang hangin. Ang buhok ko ay nililipad ng hangin kaya maya't maya ay hinahawi ko ang ilang hibla na tumatakip sa aking mukha. Oo, ganoon kalakas ang hangin ngayon. Makulimlim din at baka kaunting hintay na lang ay bubuhos na ang ulan.

"Why are we on a cemetery?" I asked. I balled my hands into fists and glared at Chaos' back.

Nilingon niya ako pero imbes na sumagot ay nginitian lamang ako ni Chaos ng tipid. Naninibago ako sa pagiging tahimik ni Chaos. Tumatahimik din naman siya minsan pero iba ang aura niya ngayon. At ngayong nandito kami sa sementeryo ay nagkaroon na ako ng kutob. Pero sino?

Makitid ang daan papunta sa kung saan man kami papunta ngayon. Halos dikit-dikit na ang mga puntod. May ilang may bubong at karamihan ay wala. Some are colored with light colors. May iba rin na nababalutan ng tiles.

My whole body stiffened in alarm when I felt something ticklish touching my left ankle. Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin.

"Fuck! Shit!" nanlaki ang mata ko nang mapagtantong pusa iyon. Agad ko itong nasipa palayo sa akin at mas niyakap pa ang sarili.

The cat meowed before running away from me. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakalayo na rin si Chaos. Ang bilis kasi maglakad!

I never liked cats. They disgust me! Kahit pa cute o iyong mga pusa ng mga mayayaman o kahit alaga pa man iyan ng royalty ay hinding-hindi ko sila magugustuhan.

"Bakit ka sumisigaw?"

Napatingin ako kay Chaos. "Mabuti naman at naisipan mong salita."

"Sorry. May... iniisip lang."

Tumigil ako sa paglalakad nang tumigil si Chaos. May kung ano siya kinuha sa kanyang bulsa at nang ilabas niya ito ay nakita ko ang isang susi. Nang lumingon siya sa akin ay tumango siya. Nagsimula ulit kaming maglakad pero hindi nagtagal ay tumigil kami sa harap ng isang parang maliit na bahay. Chaos unlocked the door and invited me to go inside. Nang tanggalin niya ang sapatos niya ay tinanggal ko rin ang akin.

Nang makapasok kami ay hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng interior ng bahay. May bookshelf sa gilid ng living area. Sa kabilang side naman ay may maliit na kitchen at kasunod nito ang dining area. Maliit lamang ang bahay pero maganda ang pagkakagawa at pagkakadisenyo.

"Kaninong bahay 'to?" I asked.

Nagpunta siya sa may kitchen area at binuksan ang may katamtamang laki na refrigerator at kumuha ng isang pitsel na may lamang tubig. He got two glasses. and filled them with water. Nang mapuno na niya ng tubig ang dalawang baso ay ibinalik niya ang pitsel sa ref.

Inabot niya sa akin ang isang baso. I sipped on the glass. Hindi gaanong malamig ang tubig. Nang makalahati ko na ito ay nilapag ko ito sa dining table at sinundan si Chaos ng tingin.

"Pipi ka na naman?" tanong ko sa kanya, nauubusan na ng pasensya. Am I an air or something?

He turned on the ceiling fan. Chaos threw me a glance and sighed. "Calix," he answered and sat on the sofa.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sagot. It was a name-syempre tinanong ko kung kaninong bahay 'to. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya. May kinuha siyang parang photo album sa ilalim ng table at sumandal sa back rest ng sofa. He bit his lower lip as her stared at the photo album's cover.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon