Chapter 11

119 18 15
                                    

INGRID

"Bakit ang tagal mong nawala?"

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin bago pa man ako makaupo sa upuan ko. It was Hellios. This is so awkward. Why is he hugging me?

"Uhh..."

I heard someone whistle. May mga nagtatawanan pa at nagsisimula ng kantsawan kami.

"S-sorry. Nabigla lang ako," nakayukong sabi ni Hellios pagkatapos niya akong pakawalan.

Walang imik kong sinabit sa likod ng upuan ko ang aking bag at saka umupo. Naramdaman ko ang pagsundot sa akin ng mga kaklase kong babae sa aking leeg, tiyan, tagiliran, at likod.

"Ano 'yon ha? Bakit may pa-yakap si Hellios sayo? Bakit noong kami nag-absent ng matagal wala naman kaming natanggap na yakap?" isang mapang-asar na tawa ang pinakawalan ni Nadi.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin, Ingrid?" pinagtaasan ako ng kilay ni Lena.

Ang iba kong kaklaseng babae ay tili ng tili. Para silang mga uwak na sinakal. Nakakarindi! Hindi talaga sila tumitigil. Mukhang ito nalang ang ikasisiya nila. Ang pagi-issue ng mga tao. Pinabayaan ko nalang sila sa kung ano ang gusto nilang isipin. Wala akong oras para magpaliwanag sa kanila dahil paniguradong hindi sila titigil hangga't hindi ko sinasabing may something nga.

"Ikaw Hellios ha? Mga galawan mo 'tol!" nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Leon, ang isa may pinakamalakas ang topam dito sa klase namin.

"Gago," rinig kong sabi ni Hellios.

Nagpatuloy pa rin ang kantsawan nila at nagsisimula na akong mainis. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong huwag sumigaw. Hindi naman ako palasigaw at wala kong pakialam sa mga kantsawan nila pero simula nang ginulo ni Chaos ang buhay ko ay unti-unti na akong nagbabago. What did he do to me? That asungot! When will he stop messing with my head?

"Good afternoon class."

"Good afternoon, Cher," bati ng ilan kong kaklase kay Teacher Schiev habang ang ilan naman ay patuloy pa rin sa pakikipagdaldalan.

"Cher! Bagong lesson?" Nadi asked.

"Free time nalang. Naglesson tayo kahapon eh," Leon raised his hand. When the teacher ignored him, he stood up and went in front to continue asking for free time.

"Manood nalang tayo, Cher! May usb ako," another classmate of mine said.

"Hindi pwede," sabi ni Teacher Schiev at umupo na. "Magl-lesson tayo. Malapit na ang exam niyo."

"Cher naman!"

"Ano ba 'yan, Cher. Sige na! Free time po! Ililibre ka namin ng lunch tapos break. Umaga at hapon bukas."

"Hindi," our teacher said with finality.

This is the sad truth about private schools. Maraming spoiled brats, rebels, matapobre, at walang respeto sa mas nakatatanda. Iilan na nga lang ang may puso, maiimpluwensyahan pa ng iba. While me, I don't know which group do I belong. I respect all of them but some of them just pisses the hell out of me. Just like our teacher on our next subject.

"Magalabas ng isang buong papel at sagutan ang isusulat ko sa pisara. Kalahating oras lamang ang ibibigay ko sa inyo. Bawal magbuklat ng libro."

Marami ang nagreklamo. Ganyan kasi lagi ang subject teacher namin sa Araling Panlipunan. Mahina na nga ang boses niya, hindi pa siya gaanong nagd-discuss. Kaya pagdating sa quiz ay maraming bumabagsak.

Two years ang contract ng mga teachers dito sa FMS. May mga pinapalad na nae-extend ang contract. Sila 'yung mga teachers na pumapasa sa napakataas na standards ng Falcova. And based on Mrs. Mira Bangug's performance, our AP teacher, this will be her last year.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon