Chapter 16

98 12 2
                                    

INGRID

I haven't talked to Tita Arra yet. Hindi ko alam kung paano ko ba uumpisahan ang sasabihin ko sa kanya. Hindi rin ako makahanap ng tyempo kahapon. At mas lalong hindi ako pwedeng mag-absent ngayon dahil sasabihin na ang mga awardees for the first quarter. Gustuhin ko mang umabsent ay hindi pwede dahil siguradong magagalit si Mama.

Nakaupo ako sa pinakaunang row at nakapangalumbaba habang nakatitig sa whiteboard na walang kasulat-sulat. Kasaluluyan kaming nandito sa loob ng Computer Lab para sa bago naming lesson na siyang gagawin namin para sa practical exam. Our Computer teacher, Tr. Junes, is currently teaching my classmates about our lesson habang kaming mga tapos ng turuan ay parang mga baliw na nakatulala lang. Bawal din kasing lumabas ng room hangga't hindi pa natatapos ang klase.

Ang ibang kaklase ko ay nakatayo sa harapan ng aircon at enjoy na enjoy ang paso-solo roon. May iilang nakikinood sa mga tinuturuan ni Tr. Junes, at may ilan ding katulad ko na nakaupo lang at hinihintay na matapos ang Computer time.

"Umalis ng kayo riyan. Hindi lang naman kayo ang nagbabayad ng tuition fee. Huwag niyong solohin ang aircon!"

Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki at sa president ng klase namin, si Carrie, na pinapagalitan ang aming mga kaklase. Isa na roon ang kakambal ko.

"Nagbabayad din naman kami kaya ano ang mali sa pagsosolo namin. Huwag ka ngang pakialamera. Doon ka na nga. Shoo," pagpapaalis ni Iñigo kay Carrie.

"Huwag mo akong ma-shoo shoo, Imperial! Isusumbong ko kayo kay Tr. Novi," banta ni Carrie kay Iñigo at sa iba pa naming kaklase habang nakapamewang.

"Dakilang sumbungera," tumatawang sabi ni Jacob.

"Isa ka pa!" pinanlakihan siya ng mata ni Carrie habang dinuduro.

Jacob raised both of his hands like he's surrendering. Pagkatapos ng ilang segundo ay binaba rin niya ito. "Alangan dalawa? Wala akong kakambal. Itong si Iñigo lang naman ang may kakambal dito."

Tumawa si Iñigo na para bang isang joke ang sinabi ni Jacob. "Wala akong kakambal, ugok."

I let out a heavy sigh and decided to open one of the computers. Mas mabuti siguro kung mag-YouTube na muna ako para mawala ang atensyon ko kay Iñigo. Until now, I still can't forget the words he said yesterday, at mukhang walang balak si Iñigo na tantanan ako dahil palagi ang pagpapaarinig niya sa akin.

Hinayaan kong magtype ang aking ga daliri at saka pinindot ang enter. Agad namang lumabas sa screen ng computer. I tapped my finger on the table as I watch and listen to the lyric video of Ang Huling El Bimbo by Eraserheads. Hindi ko alam kung bakit karamihan ng mga ka-age ko ngayon ay mas gustong pakinggan ang mga bagong kanta na wala ng ibang marinig kundi ang mga beats at rap. Mayroon pa 'yung isang kanta na minsang pinatugtog ng mga kaklase kong lalaki na puro mura lang ang lyrics. Is that even a song? Siguro para sa kanila ang kahit ano na nilagyan ng tono ay kanta na.

"Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo. At buong maghapon ay tinuturuan mo ako."

"Magkahawak ang ating kamay-"

Bigla na lang nagpause ang video. Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Tr. Junes. Nakataas ang isang kilay niya habang siya'y nakapamewang. "Ilang beses ko bang sasabihin na bawal gamitin ang mga computers para lang mag-YouTube, Miss Imperial?"

Magsasalita na sana ako nang may naunang sumagot kay Tr. Junes. "Kasalanan ko po. Ako ang nagpa-search sa kanya," magalang na sagot ni Helios.

Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Bakit niya ako pinagtakpan at inako ang pagkakamali ko? Nitong mga nakaraang linggo ay mas lalo pang mas naging nakakapagtaka ang mga ikinikilos niya. He would randomly ask if I'm okay and give me a smile. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ba niya ginagawa ang mga ito. Minsan ay bibigyan niya ako ng bottled water kapag nakikita niyang ubos na ang laman ng water bottle ko. He's creeping me out, honestly!

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon