Chapter 14

87 13 4
                                    

INGRID

I looked at myself in the mirror and noticed how pale and thin I am compared to what I looked before. Mukha akong stick na kulang sa tulog na tinubuan ng mga kamay, paa, at mukha. Ang buhok ko ay mas numipis na. Siguro hindi nila napansin dahil gumana naman ang palusot ni Chaos na nagpa-rebond ako.

"Ang bagal mo talaga kumilos Idang!" reklamo ni Isay habang nakasandal sa pader at pinapanood akong tamad na kumilos. "Bilisan mo na ang kilos mo dahil magagalit si Tita Andy."

Dalawang araw na lang at birthday na ni Chaos and his parents are coming home. And Chaos being the bitter Chaos, itinangging hindi sila umuwi para i-celebrate ang kanyang birthday kung hindi dahil may kailangan silang asikasuhin dito.

Umalis ako sa harap ng salamin at kinuha ang cellphone kong nakapatong sa study table ko. Nang silipin ko kung naroon pa ba si Isay ay nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong nakikitang kahit anino ni Isay. I opened my drawer and picked the lip tint. Kauti lamang ang nilagay ko sa aking abi para hindi naman nila mapansing namumutla talaga ako. Lalo na si Mama dahil doktor siya.

After doing my business, I went out of my room after locking it from inside. I made sure that I got my room's original and duplicate key before going downstairs. Mahirap na kapag nalaman nila ang sikreto ko. Once they see those tablets, Tita's notes, and my diary everything will be destroyed. Masasayang lang ang ilang buwan kong pagtatago tungkol sa sakit ko.

I heard Cash, Isay, and Iñigo's voices and they sound like they're arguing about something. Nang madatnan ko sila sa garahe ay magkatabi si Cash at Iñigo habang si Isay naman ay nakapamewang sa harap ng dalawa. Wala akong nakitang Chaos. Saan na naman kaya nagpunta ang asungot na 'yun?

"Kayong dalawa talaga! Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na huwag kayong pumipitas ng mga bulaklak sa garden ni Tita Andy? Isang milyong beses ko nang ipinaalala sa inyo-"

"OA ka naman po, Ate Isay. Mga nasa twenty pa lang naman po eh," nakayukong sabi ni Cash habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

"At may gana ka pang sumagot? Talagang ginagalit niyo akong dalawa!" Isay pointed at the two boys while giving them a glare. She turned her gaze to Iñigo and took a step closer to him. "Ikaw ang mas nakatatanda sa inyong dalawa kaya dapat ikaw ang good influence. Huwag mong tuturuan ng masama 'yang si Cash dahil nakakahiya sa mga parents nila!"

Pinang-ikutan ng mga mata ni Iñigo si Isay at saka siya humakbang palapit sa kanya. His lips formed into a smirk. "Sino ka ba para diktahan ako? Ampon ka lang naman namin."

"That's enough," I ordered using a toneless voice. The three turned their gazes on me. I heard Iñigo murmur something before turning his back on us. Nauna na siyang sumakay sa van at pabagsak na sinara ang pinto.

"Sorry po. Hindi na namin 'yun uulitin," mahina na sabi ni Cash pero sapat na ang lakas nito para aming marinig. Pagkatapos niyang humingi ng tawad kay Isay ay sumakay na rin siya sa van. Kaming dalawa na lang ngayon ni Isay ang naiwan dito.

Pansin ko ang katahimikan ni Isay habang siya'y nakayuko. Her hands are clemched into fists.

"That heartless jerk," nanginginig ang boses na bulong ni Isay. Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang likod. How could he say something like that to Isay? He should be ashamed of himself!

"It's okay," pagpapakalma ko kay Isay. I patted her back while repeating those words and after a few seconds, she finally calmed down.

"Sumusobra na kasi 'yang kambal mo, Idang. Nakakainis na siya. Wala siyang pakialam sa mararamdaman ng mga taong nakapalibot sa kanya basta bitaw lang siya nang bitaw ng mga salita. Demonyo 'yung kambal mo 'yun eh. Walang puso!" naiiyak na sabi ni Isay. I feel sorry for her and the same time angry at Iñigo. Sumusobra na talaga siya.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon