Chapter 17

99 10 5
                                    

INGRID

"7 eleven na naman?" nakasimangot na tanong ni Chaos dahil sa suhestyon ko. He parked the car but he didn't turn the engine off. "Wait lang. Tapusin ko lang 'yung kanta."

"She played the fiddle in an Irish band, but she fell in love with an English man. Kissed her on the neck and then I took her by the hand. Said baby I just want to dance with my pretty little galway girl-"

"Nagtanong ka pa eh magrereklamo ka rin naman pala," pinang-ikutan ko siya ng mata at nauna nang lumabas ng sasakyan. Nauna na akong naglakad papunta sa 7 eleven at iniwan siyang mag-isa sa loob ng sasakyan ni Poseidon. Wala akong balak panoorin siyang magperform hanggang sa tuluyan nang magdilim. Kailangan na naming makabalik dahil maaga ang uwi ni Mama ngayon dahil Monday.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at ang pasara nito. "Sandali lang! Ingrid!" tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Maingat akong tumawid sa kalsada hanggang sa marating ko na ang 7 eleven.

Tinanong ako ni Chaos kung saan ko gustong pumunta at sinagot ko siya ng maayos. Malawak ang Roxas pero hindi ganoon karaming pasyalan. Kung gusto mo ng talagang pasyalan ay pumunta ka sa sentro ng bayan. Walang beach, ilog, at falls dito. Mga resorts lang.

Umupo ako sa usual seat namin ni Chaos. Sa pinakadulong parte rito sa labas ng 7 eleven. Natanaw ko si Chaos na pumasok sa loob. Siya ang bibili tulad ng nakagawian at ako naman ay maghihintay lang dito sa table namin. Ayaw daw kasi niya akong mapagod-na isang kalokohan dahil wala namang nakakapagod sa pagbili ng mga pagkain.

Maya-maya pa ay nakita ko na siyang lumabas at naglalakad papunta sa aking direksyon. May dala na itong dalawang slurpee.

"Coke for the lady," nakangiting sabi nito at nilapag ang isang slurpee sa harapan ko. Nang makaupo na siya sa katapat kong upuan ay agad siyang sumipsip sa slurpee niya. Napaungol siya habang nakatigin dito. "This is good."

I sighed and sipped on my slurpee. Masarap din naman ito. Siguro hindi lang takaga ako mahilig sa mga malalamig kaya hindi ako gaanong nage-enjoy hindi tulad ni Chaos na malapit na yatang maubos ang kanya.

"Speak," he stopped sipping on his slurpee and looked at me. "We only have an hour. 'Yun kasi ang sabi ni Tita Andy. One hour lang daw ang pwede."

Nagdadalawang-isip pa rin ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi ang nangyari kanina sa school. Hindi ko rin alam kung ano ang uunahin ko. Kung ang tungkol ba sa pagsayaw ko kasama ang dance club o si Helios na matagal na palang alam ang tungkol sa sakit ko.

I bit my lower lip before letting out a heavy sigh. I averted my gaze and chose to look at the table instead. Siguro uunahin ko na lang ang good news tapos ay isusunod ko ang medyo bad news dahil harmless naman si Isay at alam kong mapapagkatiwalaan siya, at ihuhuli ko ang pinakamalala.

Napalunok siya. "Huwag mo naman akong pinapakaba!"

"Isay knows about our relationship," sagot ko. I mentally cursed. Iba ang lumabas sa bibig ko!

"Uhm, yeah. I know. Sinabi ko sa kanya," tumatangong sabi niya.

Bahagyang nanlaki ang aking mga matang nag-angat ng tingin. "You told her?!"

Agad niyang tinapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi at tumingin sa paligid. "Bawasan mo ang volume mo!" pabulong niyang sabi.

Naiiling akong sumandal sa backrest ng upuan. I crossed my arms and looked intently at Chaos.

"You told Isay," it wasn't a question. Malamig at matalim ang titig na ibinigay ko sa kanya.

Alanganin siyang ngumiti at dahan-dahang tumango. Napakamot siya sa kanyang sentido.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon