Chapter 21

98 8 1
                                    

INGRID

Iñigo really did locked the gate. Chaos and I had no choice but to climb again. Wala na rin naman kaming natitirang oras dahil kapag kami pa mismo ang magpapaalam kay Mama ay hindi kami papayagan. Tulad ng nakagawian, ginamit namin ang sasakyan ni Poseidon.

"Where are you taking me this time?" I asked.

"Sikretong malupit," he replied. May kung ano siyang kinuha sa backseat. Nang maka-upo na siya ng maayos ay binigay niya sa akin ang isang supot at bottled water. "Kain ka muna dahil siguradong magugutom ka mamaya. Matagal-tagal pa bago tayo bumalik. Jollibee 'yan kaya masarap. Burger lang at fries ang kinaya ng montly allowance ko kaya pasensa na-"

"Thanks," I said, cutting him.

He smiled and started the car's engine. "You're welcome."

After minutes of driving, Chaos parked the car on the side of the road beside a warehouse. We both went out of the car. Napansin kong natatakpan ng mga graffiti ang mga pader na gawa sa semento. Dahil sa street lights ay mas malinaw ko itong nakita at mas halata ang mga kulay nito. Nag-aagaw-dilim na rin kasi.

"Nasaan tayo?" tanong ko pero isang malawak na ngiti lamang ang natanggap ko bilang sagot.

Nakasunod lang ako sa kanyang likod habang siya'y naglalakad. His hands are inside the pockets of his khaki shorts while whistling. Tumigil siya sa paglalakad at binuksan ang isang pinto na kinakalawang na na gumawa ng ingay. Naunang pumasok si Chaos sa loob at sumunod lang ako.

"Welcome to Nowhere," he said, spreading his two arms like a bird while smiling widely.

Inilibot ko ang aking paningin at sinuri ang kabuuan ng warehouse. Kakaunti lang ang ilaw kaya medyo madilim. Ang nakakuwa ng aking pansin ay ang dalawang magkatabing hagdan sa aking harapan. May ikalawang palapag pa pala ito.

"Abandonadong warehouse na ba 'to?" tanong ko.

Hinarap ako ni Chaos saka sinabing, "Nope. Mukhang abandonado lang 'to dahil 'yun ang gusto ng mga may-ari. Para rin kasi hindi gaanong agaw-pansin."

"And it has a name?"

"Yup," he nodded. "One of the stupid co-owners named it," he added with a chuckle.

"Sino ba ang mga may-ari?"

Again, he didn't answer my question. Naglakad siya papunta sa kanan at maya-maya pa ay mas lumiwanag ang paligid. Mas nagkaroon ako ng pagkakataong masuri ang mga nasa loob. Kung gaano kapangit ang itsura ng warehouse na ito sa labas ay kabaligtaran naman ang nasa loob. Laking gulat ko nang makita kong parking lot pala ang nandito sa baba. Mayroong Lamborghini, Audi, Porsche, at BMW. Hanggang sa dumako ang ibang tingin ko sa isang pamilyar na Ford Mustang.

"I know that your family is really rich, but the Wests are crazy rich," he moved his hand like lecturing about something. "I think they're on the same level as the Tantengcos. Or maybe higher."

"Poseidon's family owns this?"

"Oo. Hindi mo siguro napansin kanina kasi masyado kang focused sa mga kamay mo. Nadaan natin ang race track nila. Katabi lang nito 'yun. Medyo tago rin kasi 'to."

Napatango-tango na lang ako at nagsimulang humakbang. Nilampasan ko siya at naglakad papunta sa Ford Mustang at sinuri ito. This is really Poseidon's. Naglakad ako papunta sa kabilang parte ng warehouse at tumigil sa harap ng Porsche Cayenne. I touched the glass between me the car. I have always dreamed to have a Porsche Cayenne, but that dream will stay as a dream. Hindi ko na ito matutupad.

I felt Chaos' presence beside me. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatigin din siya sa sasakyan.

"You like that?" he asked.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon