Chapter 7

92 15 2
                                    

INGRID

Maybe I really am not destined to have a happy family or to have a sibling who I can lean on and let myself be true just for a while, or maybe, God has a plan for me. Pero ano nga bang plano Niya? Siguro napakasama ko noong past life ko kaya pinaparusahan ako ngayon.

"I realized that you're not really cold."

Taka akong napatingin kay Chaos nang magsalita siya.

"Lahat kayo sinasabing cold ako. Tanggap ko na 'yon."

"You're not cold, Ingrid. Hindi ka lang palasalita. It's your defense mechanism. Sa isang linggo kong pagkakakilala sayo, napatunayan ko na 'yon."

"Really?" sakastiko ko siyang nginitian na nakapagpasimangot sa kanya. But I have to say... He's right.

"Hindi ka naniniwala roon? Sige, iibahin ko," he tapped his finger on his chin before smiling widely. "May nabasa kasi akong poem sa Wattpad."

"You use Wattpad? Nagbabasa ka sa Wattpad?"

"Yes. For 2 years now."

"Talaga?"

"Oh, ba't parang gulat na gulat ka diyan? Eh 'yung ibang mga babae nga akala mo mga heartthrob kaming mga boy wattpaders. Ang dami na ngang nagkaka-crush sa akin eh," natatawa niyang sabi.

"Ganon?"

Ilang sandali pa ay narinig ko ang paghinga niya malalim kasunod ng boses niyang medyo nag-iba. Nawala ang mapaglarong Chaos at ngayon ay kaseryosohan lamang niya ang nakikita ko. Once in a blue moon lang ang ganito ugali ni Chaos.

"Cold
From Verses by purpleyhan

Furrowed eyebrows, fearful eyes
followed me as I walk;
Hurried steps, heads down
since I gaze like a hawk.
I am the one that people avoid,
The one they brand as bad;
But why do they call me cold
when I'm just sad?"

I smiled bitterly after hearing the poem Chaos recited. His eyes never left mine the whole time he was reciting the poem.

What now, Chaos? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari at ginagawa mo 'to sa akin? Do you really see me as a lonely girl who needs your help? Do you pity me that much?

"Awang-awa ka ba talaga sa akin at umaabot sa ganito ang nagagawa mo?"

"No. I just want to be with you."

I scoffed. "Huwag na tayong maglokohan dito. Alam kong naaawa ka sa akin-"

"Oo na. Naaawa ako sayo but at the same time I want to be by your side. I want to be your friend."

Nagiwas ako ng tingin. "Fine. Just shut up."

"Okay!" I felt the happiness in his voice.

"Sa poem na ni-recite mo, isang linya lang ang tama tungkol sa akin."

"But why do they call me cold when I'm just sad?" he quoted.

"Yes. That one."

"Huwag ka na kasing malungkot. Nandito naman na ako para pasayahin ka eh," may mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"At paano mo naman ako papasayahin?" pagsakay ko sa kalokohan niya.

"Just love me and I'll do the rest."

"Asungot!" sigaw ko sa kanya at binato noong putol-putol na barbeque stick at saka sinunod ko naman ang plastic cup. Pasalamat siya at wala ng laman na suka 'yung binato kong cup.

"Hoy! Sumusobra ka na talaga Idang-"

"Shut up."

"Idang. Idang. Idang-"

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon