Chapter 10

109 19 32
                                    

INGRID

"Let's start our tale with a kiss."

As soon as his lips landed on my lips, my mind went blank. My eyes are wide open while his are closed. Nabasa ko sa isang libro dati na magkakaroon ng spark kapag hinalikan ka ng isang tao. Hindi lang ordinaryong tao kundi ang taong gusto mo. But what I felt wasn't just a spark. My whole body was frozen and I can't move my muscles. Para akong kinukuryente at napakabilis ng tibok ng puso ko. Should I ask Tita Arra? This fast beating of my heart isn't normal. May sakit na ba ako sa puso? No. Ayoko na. Leukemia is enough!

When he let go of my lips, he smiled and caressed my cheeks. Napansin ba niya ang pisngi kong parang nasusunog na sa sobrang init? Shit.

The deafening silence enveloped us. His black pair of orbs are hypnotizing me again, and I can't look away. Hindi pa rin ako makapagsalita at para akong estatwang nakatitig pabalik sa mga mata ni Chaos na may kung anong emosyong hindi ko maipaliwanag.

"I'm not sorry that I kissed you, but I'm still saying sorry. Dapat tsaka palang kita hahalikan kapag girlfriend na kita," nag-iwas siya ng tingin at halata ang pamumula ng kanyang tenga. "N-naaalala mo 'yung nasa listahan mo? Kasi... hindi na kasi ako nakapagpigil. Was it your first kiss?"

Para akong isang time bomb na biglang sumabog at tinulak ko si Chaos ng napakalakas kaya nahulog siya sa kama at napaupo sa sahig.

"What the hell?!"

"You ugly perverted dumbass! Go to hell!"

Lahat ng mahahawakan ko ay naibato ko sa kanya. Unan, remote, at muntik nang nasali ang laptop ni Tita. Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko. Nang ako'y kumalma na ay binigyan ko ng matalim na tingin si Chaos na nakangisi ng nakakaloko at umiiling-iling. Nakatulala siya sa kawalan at nakahawak siya sa kanyang labi-wait, what?!

"Why are you holding your lips?!"

"Ha?" pa-inostenteng tanong niya. "Bakit 'yung labi ko?"

"S-stop holding it!"

"Hindi ko hinahawakan. Tina-touch ko lang."

"Then don't touch it!"

"Tss," he rolled his eyes before standing up. Pinagpag niya sa kanyang pants at namulsa. Why is he looking at me again?

"What are you looking at?"

"Napaka-late reaction mo naman. Dapat nagtransform ka sa halimaw form mo kaninang magkadikit pa 'yung mga labi natin-"

"Shut up! Shut! Up!

"Wow. Your lips are soft-"

"Shut the fuck up!"

"Lasang strawberry 'yung-"

"Ano ang lasang strawberry?"

Sabay kaming napatingin ni Chaos sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Tita Arra sa tapat ng ngayon ay sarado ng pinto at pinagtataasan kaming dalawa ng kilay.

"Your room is a mess, Ingrid. Parang nagka-world war. Ano ba ang nangyari at rinig na rinig sa labas ang sigaw mo? Nag-alala ang nga nurse dahil hindi ka naman sumisigaw kaya sinabi sa akin. What happened?"

"Wala po," nag-iwas ako ng tingin.

My heart won't stop beating so fast. What the freakig hell just happened?

"Masarap po kasi 'yung kinain ko kanina. Lasang strawberry. Tapos itong si Ingrid po kasi naiinggit kasi gutom. Bibigyan ko rin naman siya kaso bigla nalang po niya akong sinigawan."

Narinig ko ang paghagikgik ni Chaos at ang pagtawa ni Tita Arra. Nakakainis! This is so embarassing!

"'Yun lang? Don't worry may ihahatid dito mamaya si Kuya Ernie na dinner niyong dalawa. Hintayin niyo nalang. Sige, mauuna na ako ha? May rounds pa kasi ako," she smiled. "Ingrid, behave yourself. Chaos is a nice kid."

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon